Pagkatapos niya magreport sa opisina agad na nagtungo siya sa shooting area. Namimiss na niya ang ingay ng baril. May apat na lalaki na nakasalang at agad naman binati siya ng mga kasamahan ng makita siyang pumasok. "Sgt. Eskovar! Long time no see ah!" pagbati ni Gelo. "Kamusta?" "Ito ganun pa din..mabuti naman nandito ka na ulit,matatapos na yung isa..ikaw naman," anito. Alam nito na palagi siya nagpupunta roon para magpalipas ng oras. Napatingin siya sa isang lalaki na nakatalikod sa kanya. Agad na gumalagabog ang dibdib niya ng makita parang pamilyar sa kanya ang lalaki. Humakbang siya patagilid pakaliwa at nanlaki ang mga mata niya ng makita ang tattoo nito sa braso dahil nakatshirt na itim lang ito. "Kilala mo siya di ba? Si Capt. Fetzeir..bumisita dito," si Gelo ng makita

