Init na init siya. May aircon naman pero iba ang init na bumabalot sa buo niyang pagkatao. Nakasandal siya sa sofa habang nasa kandungan niya si luck. Nasa kusina pa din ang binata dahil ito na ang nagligpit ng kanilang pinagkainan. She sighed. Hindi naman siya nalasing mainit lang sa pakiramdam. Ano bang klase alak yun? Bigla gumitaw sa isip niya ang hubad baro katawan ng kapitan noong naabutan niya ito naliligo sa talon. Lalo nag-init ang pakiramdam niya. Jeniper stop thinking! "Jen.." Napabaling siya sa binata na mataman na nakatingin sa kanya. Agad na umayos siya. Hindi naman siguro nito nakita ang pagdidaydream niya. Tumikhim siya at maingat na inilipat sa sofa ang pusa. "Uwi na ko.." paalam na niya. "Ihahatid na kita.." matiim nito sagot. "Hindi na..magtataxi naman ako at

