Pagbukas ko pa lamang ng pintuan ay amoy na amoy ko na ang mabangong amoy ng niluluto sa kusina. Napakunot noo ako. Pagpasok ko sa kusina ay nabungaran ko si Zane na hubad barong nagluluto. Nagsusumigaw sa ganda ang kanyang katawan. Ika nga nila likod pa lang ulam na. Grabe napakaswerte ko naman at napasakin ang lalaking ito. Bukod sa napakagwapo at mayaman e napakamaalaga pa at marunong pala syang magluto. Nakakakilig at para akong timang na nakasmile habang pinagmamasdan ang likod nya habang sya ay may pasipol sipol pang ginagawa habang abala sa pagluluto. Feeling ko para akong tumama ng jackpot sa lotto. Ang swerte ko naman. Naramdaman nya atang may nagmamasid sa kanyang likuran kaya dagli syang lumingon. Gaya ng inaasahan, isang pilyo at gwapong mukha ang bumungad sa akin. Ha

