Special Chapter Sabi nila, may mga pagkakataon sa buhay natin na may maaalala tayong pangyayari mula sa ating nakaraan. Its either nakalimutan natin, o di kaya'y talagang hindi natin maalala. "Naniniwala ba kayo sa reincarnation? Kung saan may paniniwala na ang tao ay muling nabubuhay sa ibang katauhan matapos ang kanilang kamatayan?" Tanong ni Ma'am De Leon sa amin, teacher namin sa World Religion and Beliefs. Ang uri ng tanong nya ang labis na gumugulo sa isipan ko nitong mga nakakaraan. May mga pangyayari sa buhay ko ngayon na labis nagpapagulo ng isip ko, at hindi ko mawari kung ano nga ba ang mga iyon. "Shanaiah? Any thoughts about reincarnation?" Napatigil ako sa pagmumuni-muni matapos marinig na tawagin ni Maam ang pangalan ko. Dahan-dahan akong tumayo upang sagutin ang tan

