DI MAALIS ang pangamba at pagtataka sa utak ko habang pilit na hinahanap ng mga mata ko si Sarah. Matapos ang pag-uusap namin kaninang lunch, kung saan sinabi niya sa akin ang mga hindi ko inaasahang mga salitang iyon ay hindi ko na sya ulit nakita. Hindi na siya umattend pa sa mga sumunod na subjects namin, at nag-aalala na ako sa kanya. Hindi maipagkakaila na galit siya nang iwan nya ako kanina. The way how she said those words—i can feel pain and ache in it. Kanina pa ako paikot-ikot dito sa School, nagbabakasakaling makikita ko siya pero nalibot ko na ang lahat, wala pa din. Di ko tuloy maiwasang mapatanong sa sarili kung ano bang maling nagawa ko? Kanina naman, okay pa kami. Nanahimik lang ako sandali pagkatapos ganun na agad ang sinabi niya. May alam ba siya na hindi ko alam? I p

