Red Nakauwi na sila buhat sa hotel kung saan ginanap ang reception ng kasal ni Bea at Blue. Pagkatapos sa reception ay tumuloy naman sila sa kanilang tahanan kung saan ay mayroon pa rin naghihintay na handa. Nagpaluto rin kasi ang kanilang magulang para sa ilang bisita at kamag-anak nila. Nakaalis na ang bagong kasal para sa honey moon ng mga ito. Nagpaalam na rin si Andrea sa kanya na hindi na ito makakasama sa kanilang tahanan dahil kailangan pa nitong pumasok kinabukasan sa opisina nito kahit mag-half day na lamang daw ito. Isa rin kasi itong CEO ng sarili nitong kumpanya. Napilit naman ng kanyang Mommy ang pamilya Fernandez na sumama sa kanilang tahanan sa tulong ni Tita Celine. Ang ilan sa mga bisita ay nagsiuwian na. May mangilan-ngilan pa rin na bisita ang naiwan. Ang iba roon ay

