Nang makita ni Arissa si Red na nasa isang sulok ay hindi na siya nag-aksaya ng pagkakataon. Sinamantala na niya ang sandaling iyon. Hinalikan niya si Sebastian sa harap nito upang lubos na itong lumayo kay Sebastian. Nasisiguro niyang malapit na niyang makuha si Sebastian. Maganda ang flow ng news online. Maraming nagsasabi na sila ang bagay ni Sebastian at hindi ang present girl friend nito. Hindi hamak na mas maganda rin siya rito. Lihim siyang nagtaas ng kilay rito. Dapat ay bumalik na lamang kasi ito sa dati nitong nobyo. Mabigat ang mga hakbang na lumapit si Red sa kinatatayuan ng dalawa habang pumapalakpak na ikinalingon ni Sebastian. Walang anuman na tumingin lamang sa kanya si Arissa. Sa nakikita niya rito ay tuwang-tuwa pa ito at nakita niya ang mga ito sa ganoong eksena. "How

