“Hindi ko alam kung anong klaseng budol ang ginawa ni Eric na mapapayag ako sa kalokohang ito!” Inis na inis si Lanie habang nagmamadali magpalit ng kaniyang sports attire na isang hapit na hapit na midrib at shorts na may temang female car racer. Imbis na suot ay bitbit nya ang bulky jacket na may mga logo ng sikat na automotive brands at checkered pattern. Sunod sunod na pagrampa ng iba’t ibang fashion styles ang nakalinya pa niyang gawin. Hindi kasali sa mga hurado si Eric. Pero ang org nito ang main sponsor ng bilang isang university-wide event. Hindi pa niya ito nakikita mula nang dumating siya at ang ka-partner niyang si Darren na Mr. Engineering. Buti na lang at kinuhanan siya nito ng assistant para sa hair and make up at tulungan siyang magbihis. Naka-isang rampa na sila suot

