Pinagbuksan ni Lanie ng pinto si Eric nang makapag-usap sila na dadalawin siya nito sa kaniyang condo. Bagaman may sama siya ng loob dito, hindi niya ito matiis. Isang linggo na ang nakalipas mula noong reunion na magkita sila. Nakuha ni Eric ang kaniyang numero mula kay Lei at pumayag siyang ibigay iyon sa kaibigan. "Hi Eric, take a seat..." bati ni Lanie nang dumating ang binata. Lumapit si Eric para kintalan siya ng halik sa pisngi, ang pagbeso na nakasanayan na nilang gawin mula noon pa tuwing nagkikita o maghihiwalay na sila. Hinayaan ni Lanie na gawin nito iyon. Nagtungo si Eric sa gitna ng living room para sipating ang condo ni Lanie. He liked what he saw. The place is oozing with the personality of Lanie. Maraming libro ang mga nasa floating shelves sa mga pader nito. Ang mga ku

