Mabilis na lumipas ang isang linggo mula nang may nangyari sa kanila ni Nico, at nagsimula muli ito sa panliligaw sa kanya. Nasundan pa ng ilang beses ang romantic date nila ni Nico, isama pang halos araw-araw pinadadalhan siya nito ng magagandang bulaklak galing sa kilalang flower shop sa bayan nila. Napagusapan na rin nila ni Nico ang tungkol sa pakunwaring buy 1 take 1 na pabulaklak nito sa kanya. Nahihiya daw si kasi sa kanya si Nico na basta na lang siya nito bigyan ng bulaklak, kaya nagsinungaling daw ito. Kaya naman ngayon todo bawi na sa kanya si Nico, sa pa araw-araw nitong pa bulaklak sa kanya. Malapit na ngang maging flower shop ang loob ng bahay nila sa dami na niyang natanggap na bulaklak mula kay Nico. Alam na rin ni Nico na bading si Adam na pinagseselosan nito ng matind

