DOROTHY SAGE'S POV "Salamat nga pala sa pa-bulaklak mo kay Real, Wes," sabi ko sa lalakeng aking katabi habang naglalakad kami sa hardin ng ospital. May ilang mga taong nakakakilala sa kanya rito. Good thing they knew how to set some boundaries kaya walang lumalapit kay Wes dito. Wes on the other hand will just smile at them in return. "Don't mention it, maliit na bagay lang 'yon," aniya bago kami tuluyang huminto sa paglalakad atsaka tumayo rito sa gilid ng railings kung saan tanaw namin ang siyudad. The outdoor garden of this hospital is located at the 15th floor. "So, may balita na ba kung kailan siya possibleng magkakamalay?" Tanong nito na ikinailing. "Wala eh, sa ngayon yung kondisyon pa niya sa utak ang tinututukan ng mga doktor. Kung mabilis ang recovery ni Real, may possi

