ULYSSES NATE'S POV "Solidarity night na natin next month, nakita ko sa bulletin board." "Oo nga, nakita ko rin 'yon, ang aga nilang nag-announce no?" "May dadalhin ka? Alam mo na, ka-date or kasayaw?" Iyan ang naririnig ko rito sa loob ng locker room namin. They are my teammates in swimming, anim lang kaming lahat sa grupo ng varsity ng swimming team. Tatlo kami galing sa business department habang ang iba naman ay galing sa ibang department. "Ikaw, cap, may dadalhin ka ba?" Tanong sa akin ng kasama kong nasa kapareho kong department na si Gavin. "Nagtanong ka pa, siyempre si Dorothy ang dadalhin ni cap." Sagot pa nong isa kong kasama na si Paul. Kaagad naman akong napangiti sa sinabi nila bago sinara ang aking locker atsaka umupo sa bench dito sa loob para isuot ko ang aking medy

