DOROTHY SAGE'S POV Napatingin ako kay Ulysses na ngayon ay nanatiling nakaharap parin sa akin. Gusot ang suot niyang polo at halata sa kanyang mukha ang pagod. Mahigpit akong napahawak sa laylayan ng aking suot na jacket bago napalunok. "Ano pa ang ginagawa mo rito, Ulysses?" Wika ko habang pilit kong iniiwasan ang mga mata nito. "I want to see you." "You already did." "I want to talk to you." "Currently." "Dorothy, please--" "Kung tungkol ito sa inyong dalawa ni Hera--" hindi ko maiwasang mapalunok nang may bigla na lang bumara sa aking lalamunan. Kahapon pa nangyari ang tungkol don kaya andon parin yung sakit. It was still very fresh. "Kung tungkol ito sa inyong dalawa, wala ka nang dapat pang ipaliwanag, Ulysses. Nakuha ko na ang sagot na kailangan ko." At yun ay ang hindi

