REALIOUS CASH'S POV "Real, ano ba?! Focus! Hindi ka naman ganito!" Singhal sa akin ni coach. I have a one-minute rest before the next round and today, I am not really feeling well. "Real, makinig ka, nasan ba ang utak mo ngayon?!" "I can't see her. She's not here," sabi ko habang nakatingin sa bakanteng upuan na nasa may di kalayuan. Ramdam ko ang pagpunas ng isa kong kasama sa aking pawis at sugat sa bandang kilay. "Coach, she's supposed to be here." Napahilamos sa mukha ang aking coach nang sabihin ko 'yon sa kanya. Sa isang idlap lang ay may humawak sa balikat ko atsaka ako sapilitang pinatingin sa kanya. Nagulat ang isa naming kasamahan nang makita ang kapatid ko sa gilid ng ring. "Teka, hindi ka pwede ri--" "Realious! Anong ginagawa mo? Napupuruhan ka na." Buong diin nitong saa

