The Unforgettable

2722 Words
Chapter 11 – Unforgettable (at sa mga sandali na yun, nag simula nang bumagal ang oras sa pagitan nila Kazue at Izumi) Nanlaki ang mga mata ni Kazue sa narinig nya kay Ren, at hindi makapaniwala sa gusto nitong mangyare para lang mapatunayan na hindi sila nag sisinungaling sa kanya.. Kazue: (nag salita sa kanyang isip) “ako? Hahalikan ang mga labi ni Izumi? ,dito mismo? sa harapan ni Ren?” At pag katapos mag salita ni Kazue sa kanyang isip ay dahan dahan itong tumingin kay Izumi at nakita nya itong naka tulala lang at naka titig kay Ren na animoy hindi maka paniwala sa kanyang narinig. (Kazue ng salita sa kanyang isip) Kazue: “maging si Izumi, mukhang labis na nagulat sa mga gustong manyare ni Ren” Kazue: “kasi naman, kahit ako hindi ko akalain na aabot kami sa ganito, kung sanang naging mas maingat lang kami, wala sana kaming naging problema” Kazue: “hindi ko na alam ang gagawin ko, hindi ko alam kung anong iniisip ni Izumi ngayon” Kazue: “sa totoo lang na hihiya na talaga ako sa kanya, dahil ang dami na nang mga sakripisyo nya sa pag sisinungaling ko” Kazue: “kaninang umaga, hinawakan ko ang kamay nya, pag katapos hinalikan ko siya sa noo sa harap nila Dustine at Akira, at kanina nadama ko ang init at niyakap ko ang buo nyang katawan sa loob ng Hunted House, grabe, walang sino mang babae na kasing pure at kasing ganda ni Izumi ang papayag gawin yun sa isang taong kakikilala lang nya” Kazue: “tapos eto naman ngayon, gusto ni Ren na halikan ko ang mga labi ni Izumi sa harap nya, hindi ba nya alam gaano ka hirap yun?” Kazue: “una sa lahat, ang madalas sabihin ni Izumi ay, wala pa siyang nagiging boyfriend ni kahit na manliligaw or ka close na lalaki wala, kaya sigurado akong wala pa siyang first kiss, tapos ngayon nang dahil lang sa deal namin at hamon ni Ren, ibibigay nya sakin ang first kiss nya? ,haist.. ang hirap nun, parang hindi ko yun kayang kunin sa kanya” At habang kinakausap ni Kazue ang kanyang sarili, si Izumi naman ay prina proseso pa ang mga nangyare. (Izumi nag salita sa kanyang isip) Izumi: “ako, at si Kazue? Gusto ni Ren na, halikan ni Kazue ang mga labi ko?” (bumilis ang t***k nang kanyang puso) Izumi: “teka lang, wala pa akong experience, wala pang lalaking nakakahalik sa akin sa loob nang 21 years, kina kabahan ako” Izumi: “hindi ko rin alam kung kaya ko, hindi ko rin alam kung kaya kong ibigay, hindi ko talaga alam kung anong mararamdaman ko” Izumi: (dahan dahan rin tumingin sa maamong mukha ni Kazue na naka tingin rin sa kanya) “Kazue, ano kayang nararamdaman mo sa mga oras na to, sana kaya kong basahin kung anong nasa isip mo, para hindi ako na hihirapan” Izumi: (na focus ang tingin sa labi ni Kazue) “manipis lang, at maganda rin ang mga labi ni Kazue, at pag pumayag ako, ang mga labi na yun ang siguradong magiging una kong halik, ano kayang pakiramdam nun?” Izumi: “teka lang ano ba tong iniisip ko? Bakit iniisip ko na agad ang pakiramdam nang halik ni Kazue, e hindi pa nga ako puma payag, naku Izumi mag isip ka nga nang mabuti, wag ka mag padala sa emosyon mo” (Kazue nag salita sa kanyang isip) Kazue: “naka tingin siya ngayon sakin, grabe, ang amo nang mukha nya, para akong nakikipag titigan sa anghel” Kazue: “gusto kong malaman ang iniisip nya, pero hindi ko alam kung papano, hindi naman ako makapag salita dahil naka bantay samin si Ren pero..” Kazue: (na focus ang tingin sa mga labi ni Izumi) “ngayon isa lang ang masasabi ko, hindi ko maitatanggi na, napakaga ganda ng mga labi ni Izumi, at talaga pinag pala ang lalaking pinaka unang makaka halik sa kanya” (sa kabilang banda naman) Mag ka date at mag kasamang nag lalakad sina Akira at Hana, at tila halos lahat ng babaeng maka kita kay Akira ay talaga namang halos mabali ang leeg kakatitig sa kanya” Random Girl 1: “ang gwapo naman nun, sino siya?” Random Girl 2: “para siyang model, or parang isang real life prince, ang swerte naman nang babaeng kasama nya, girlfriend nya kaya un?” Random Girl 3: “haay sana ako nalang ung babaeng kasama nya, mag papaka baet talaga ako” Random Girl 4: “naku pag ako lang talaga nag karon nang ganyang boyfriend, I didisplay ko talaga yan kahit saan” Random Girl 3: “ano ka ba baka marinig ka, ang lakas ng boses mo” At talaga namang sobrang popular ni Akira, na animoy kahit saang bahagi siya ng Amusement Park pumunta ay nakukuha nya ang attensyon ng halos lahat ng mga kababaihan na nadaraanan nila. Akira: (nag salita sa kanyang isip) “sige lang puruhin nyo pa ako, pag agawan nya pa ako sa mga isip nyo, at wag na wag ninyong kakalimutan ang mukha ko” Akira: (nag salita sa kanyang isip) “napaka gwapo ko talaga, halos lahat ng babae dito sa park gusto akong angkinin, ang sarap sa pakiramdam” Hana; “naku Akira, wag mo naman masyadong ipahalata na sobrang na tutuwa ka sa mga pam bobola ng mga babae sayo dito sa park” Akira: “bakit Hana nag seselos ka ba? Hindi pa ba sapat sayo na, sa dinami dami ng mga babaeng halos lumuhod pa sa harap ko makuha lang ang attensyon ko, ikaw parin ang pinili kong gawing girlfriend?” Hana: “hindi naman sa ganun, masaya ako shempre, kaya lang naman, gusto ko rin naman na iparamdam mo sakin na nasa akin un attensyon mo” Akira: “nasayo naman hindi ba, kaya nga mag kasama tayo ngayon dito sa park” Hana: “para kasing may kulang e, meron kasi akong gustong gawin” Akira: “may gusto kang gawin?,sige sabihin mo sakin kung ano yun” Hana: “Akira, pwede bang hawakan mo rin ang kamay ko habang nag lalakad tayo, kagaya nang gina gawa ni Kazue sa kamay ni Izumi habang nag lalakad sila?” Akira: (tila ba na inis nang ma alala nya si Kazue habang kasama si Izumi na mag ka hawak ang kamay) “at bakit mo naman gustong gawin ang bagay na un Hana?” Hana: (namula ang muka) “wala lang, hindi ko alam, pakiramdam ko kasi sobrang tagal na mula nang huli tayong nag hawak kamay habang nag lalakad” Hana: “gusto ko lang sana ulit maramdaman yun, yun bang kagaya nung bago palang tayo?” Hana: “na aalala ko panga noon, lagi ayaw mong lumakad na hindi hawak ang kamay ko, at nag tatampo ka pag nahihiya ako makipag holding hands sayo sa maraming tao” (napangiti nang ma alala ni Hana ang mga masasayang memories nila ni Akira noong bago palang sila) Hana: (kasabay nun ay ang tila mabilis nyang pag ka lungkot) “pero simula nang mag college na tayo, nag mature, naging astig at natuto ka nang manamit, at parang ngayon medyo nag bago kana” Hana: “ngayon hindi mo na hina hawakan ang kamay ko, at minsan mas na uuna kana rin mag lakad o umuwi sakin” Akira: “pag tatalunan nanaman ba natin yan habang andito sayo sa park nag sasaya Hana?” Hana: “sorry Akira, kung medyo nagiging demanding ako na girlfriend sayo” (nag pakita nang malungkot na mukha) Akira: “hayaan mo na, di mo naman un kasalanan” (tila ba parang na kosenya sa mga sinabi ni Hana) Akira: (nag salita sa kanyang isip) “malaki na ba talaga ang pinag bago ko?,siguro kasabay nang pag taas ng confidence ko mukhang tumaas rin ang ego ko kaya nang yari un” Akira: (huminto sa pag lalakad) “Hana akin na ang kamay mo” Hana: “ah bakit?” Akira: “sige na akin na, bago pa mag bago ang isip ko” (naka simangot na muka ni Akira) Hana: (masayang inabot ang kamay kay Akira) “eto” Akira: (kinuha at hinolding hands ang kaliwang kamay ni Hana) “simula ngayon, ganito na tayo mag lalakad” (muling lumakad sina Akira at Hana) at sa ilang sandali pa nilang pag lalakad ay nasalubong nila Akira at Hana sina, Emi at Dustine. Dustine: “buti nakita namin kayo Akira at Hana, kamusta ang date nyo” Hana: “ayos naman kami, eto mag ka hawak kamay nag lalakad” (masayang sagot ni Hana kay Dustine) Emi: “wow ang sweet nyo naman, pero di ako makapaniwala na napapayag mo si Akira na makipag holding hands sayo ah, go girl! Haha” (masayang biro ni Emi) Akira: “tsk, pinag bigyan ko na, valentines kasi, kahit na alam kong pam bata lang yang holding hands na yan” Emi: “e bakit ang pula ng muka mo? Na hihiya ka noh? haha” Akira: “sinong mapula ang muka? Ako? Hindi nu, na iinitan lang talaga ako sa suot ko” Dustine: “e sila Kazue, Izumi at Ren, nakita nyo rin ba sila?” Hana: “hindi e, bigla nalang rin kasing nawala si Ren kanina sa likuran namin habang nag lalakad kami, kaya hindi naman alam kung saan siya pumunta” Dustine: “ganun ba, sige teka lang tatawagan ko si Ren” (kinuha ang cellphone at tinawagan si Ren) Ren Abe Fuji +63915429**** (sa kabilang banda) (RING RING) Napatingin si Kazue at Izumi kay Ren. Ren: (tumunog ang cellphone) (tinignan ni Ren ang kanyang cellphone at nakita nyang unknown number ang tuma tawag sa kanya) Ren: (napatingin kay Izumi at Kazue) (ngumiti) “maswerte kayong dalawa at may tawag ako, pero wag kayong aalis jan, sasagutin ko lang ang tawag na to, babalik rin ako” (nag lakad si Ren papalayo kina Izumi at Kazue para sagutin ang tawag) Bahagyang naka hinga si Izumi at Kazue sa pag layo ni Ren para sagutin ang tawag. Izumi: (nag salita ng pabulong kay Kazue) “ano nang gagawin natin Kazue, masyadong matalino si Ren para mapaniwala pa natin siya sa mga pag papanggap natin” Kazue: (nag salita rin ng pabulong kay Izumi) “hindi ko rin alam Izumi, dahil hindi ko naman inakala na aabot tayo sa ganito” Kazue: “pero Izumi, bago pa bumalik si Ren may gusto akong sabihin sayo” Izumi: “aah? Ano naman yun?” Kazue: “gusto ko sanang mag sorry sayo dahil nadamay ka pa sa mga problema ko, alam kong mahirap para sayo na mag panggap bilang girlfriend ko pero ginawa mo parin” Kazue: “gusto kong mag sorry sa pag hawak ko sa kamay mo kaninang umaga, sa pag halik sa nuo mo sa harap nang mga kaibigan ko, pati na rin ung pag yakap ko sayo sa loob ng hunted house, pakiramdam ko kasi masyado kong ina abuso ung kabaitan mo, at hindi ka lang makatanggi dahil sa kasunduan na ginawa natin” Izumi: “teka lang Kazue, bakit ka nag sosorry sa mga oras na to, hindi mo ba na isip na may mas mahalaga pa tayong problema na dapat lusutan” (tila naguguluhan na sinabi ni Kazue) Kazue: “alam ko Izumi, kaya nga ngayon palang nag sosorry na ako sayo” (sabay nag bigay ng ma amo ngunit malungkot na ngiti kay Izumi) Izumi: “bakit Kazue, bakit ka naka ngiti gamit ang malungkot mong mukha? (naka ramdam rin ng hindi maipaliwanag na kurot sa kanyang dibdib) At sa mga sandaling un, pabalik na si Ren, kasama sina Dustine, Emi, Akira at Hana. Kazue: (sandaling tumingin sa mga kaibigan nyang papalit at agad na ulit tumingin sa mga mata ni Izumi) “dahil siguro eto na un, eto na ung part kung saan malalanan na nang lahat ang sektreto ko” Izumi: (bumilis ang pag hinga ni Izumi, at kasabay nun ay ang pag bilis ng t***k nang kanyang puso) (na alala niya ang lahat ng mga masasyang nangyare sa kanya buong araw kasama si Kazue, at ang mga kaibigan nito) “wag, ayaw ko, hindi ko gusto to, umisip pa tayo nang paraan Kazue” Kazue: “pasenya kana Izumi, wala ng ibang paraan, aaminin ko nalang sa kanila lahat, pero wag kang mag alala, sasabihin ko na ako lahat ang may pakana nito at wala kang kinalaman, napilitan ka lang dahil blinackmail kita, okey? Kaya wag kanang mabahala, paubaya mo na sakin to” (ngumiti na para bang nag papaalam kay Izumi) (Sa kabilang banda) Papalapit na nang papalapit sina Ren, Dustine, Emi, Akira at Hana sa kina tatayuan nila Kazue at Izumi. Dustine: “Guys! Andito na kami!” Emi: “anu kayang nang yayare, bakit parang ma iiyak na si Izumi, nag away ba sila? Akira: “nakita ko nanaman ang loser na to, nakaka asar talaga ang pag mumuka nya” Hana: “bakit parang pina paiyak ni Kazue si Izumi?,naku lagot talaga yang si Kazue sakin pag nangyare un” Ren: (ngumiti) (nag salita sa kanyan isip) “pano ba yan Kazue at Izumi na uubos na ang oras nyo? Andito na silang lahat, ano nang gagawin nyo ngayon?” (balik sa pag uusap nila Kazue at Izumi) Izumi: “teka lang wag ka agad mag desisyon ng ganyan” Kazue: “sorry Izumi” (dahan dahang bumitaw sa kamay ni Izumi) Izumi: (hindi matanggap ang pag bitaw ni Kazue sa kanyang kamay) (nag salita sa kanyang isip) “kung kaylan masaya na, kung kaylan meron na rin akong mga kaibigan, kung kaylan pakiramdam ko mahalaga na ako, ngayon pa mawawala” Kazue: (tuluyan nang humarap at dahan iniwanan si Izumi at lumakad papunta sa direksyon nila Ren) “patawarin mo ako Izumi, gina gawa ko lang naman to, para lang hindi kana mas lalong pang masaktan” Kazue: (habang naka tingin sa kanyang mga kaibigan na papalapit sa kanya) (nag salita sa kanyang isip) “hindi ko talaga ine expect na dito na to matatapos, after two years nang pag sisinungaling ko sa wakas, maluwag na sa loob ko ngayon ang mag sabi ng totoo” Kazue: (nag flash back sa isip nya ang lahat ng masayang moments nila ni Izumi, at na alala nya ang lahat ng mga ngiting binitawan nito sa kanya) “ang dami kong natutunan sayo, kahit na sa maikling oras na nakausap kita at nakasama, ipinaramdam mo sakin panu mag karoon ng fake, hmm mali pala, pinaramdam mo sakin panu mag karon nang tunay na girlfriend” (ngumiti) At sa saktong pitong talampakan nalang na layo nila Ren kay Kazue ay nang yare naman ang hindi ina asahan. Izumi: “teka lang!” (lumakad si Izumi, sa patungo sa kina tatayuan ni Kazue) Kazue: “Izumi? (nakakatitig lang sa mga mata ni Izumi, habang mabilis ang t***k ng puso kasabay ng mabilis rin nitong pag hinga” Izumi: (nag salita ng marahan at ma amo habang naka titig sa mga mata ni Kazue) “hindi mo pa ako tina tanung kung puma payag ako na tapusin na ang kasunduan natin” Kazue: (nakatitig sa mata ni Izumi) “sige, tatanungin kita, puma payag kana ba Izumi Aya Fugiwara, na dito na tapusin ang lahat?" Izumi: (nakatitig sa mga mata ni Kazue kasabay ng mabilis na pag hinga) “hindi, hindi ako puma payag, pero may gusto akong itanung sayo Kazue, mag sabi ka sakin ng totoo, gusto mo rin ba akong halikan? (tanung nito na may seryoso ngunit ma among mukha) Kazue: (nan laki ang mga mata niya sa tanung ni Izumi, kasabay nun ay ang pagiging tapat ni Kazue sa kanyang nararamdaman) “Ou Izumi, gusto ko, gustong gusto kong hali… (at bago pa matapos ni Kazue ang kanyang sina sabi ay hinawakan na ni Izumi ang muka nya at dahan dahang inilapat ang kanyang mga labi na ikina gulat ng kanilang mga kaibigan) Izumi: (habang naka kipit at marahang nakikipag halikan kay Kazue) (nag salita sa kanyang isip) “at dahil ito ang pina una kong halik, sisiguraduhin kong hindi mo rin to makakalimutan” (to be continue)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD