Chapter VII – Confusion
At sa ginawang pag sampal ni Hana kay Girl 3 bahagyang natahimik ang lahat, na animoy nag aantayan kung sino ang susunod na mag sasalita.
Girl 3: (gulat na naka tingin lang kay Hana at hindi makapaniwala sa biglaang pag sampal nito sa kanya) “nasisiraan ka na ba ng bait? Bakit mo ako sinampal? Chaka teka nga, sino ba kayo?
Emi: “kami ang mga kaibigan ni Izumi”
Girl 3: (bahagyang nagulat sa narinig) “Izumi? kaibigan?”
Hana: “hindi, mali ka” (sarcastic na sagot ni Hana) “hindi kaibigan, tunay na kaibigan”
Ibinangon ni Girl 1 at Girl 2 si Girl 3.
Girl 3: (na inis, nag buntong hininga at bahagyang natawa) “haist, ibig mo bang sabihin nang yayare ang lahat ng to, nang dahil lang sa babae na un?”
iniikot ni Girl 3 ang paningin nya sa buong shop at duon sa wakas ay nakita nya si Izumi na napapa gitnaan ng apat na gwapong lalaki, sila Kazue, Dustine, Ren at Akira.
Girl 3: (nag salita sa kanyang isip) “anjan ka lang pala” (sabay isa isa tinitigan sina Kazue, Dustine, Ren at Akira) “at sino naman tong mga gwapong naka paikot sa kanya”
Girl 3: (tinitigan si Emi at Hana) (ngumiti at bumulong) “mukang alam ko na”
Girl 1: (napatitig rin sa mga gwapong kasama ni Izumi) “ang gwapo naman ng mga kasama ni Izumi”
Girl 2: “ou nga lalo na ung isang yun oh”
Akira: (Akira kumaway sa dalawang babaeng kasama ni Girl 3 at ngumiti)
Girl 1 at Girl 2: (kinilig sa ginawa ni Akira)
Girl 3: (na inis) “tumahimik nga kayong dalawa jan!, mga wala kayong silbi”
Girl 3: (humarap kay Emi at Hana) “medyo na kukuha ko na kung sino kayo, pero may tanung lang ako, kasama ba sa apat na lalaki na un ang mga boyfriend nyo?”
Sa tanung na un ni Girl 3, tila ba hindi sigurado si Emi at Hana kung anung dapat nilang isagot kaya tumahimik nalang sila.
Nag lakad si Girl 3 papunta sa direksyon ni Emi.
Girl 3: (kinausap si Emi) “Ikaw anung pangalan mo?
Emi: “Emi”
Girl 3: (lumakad paikot kay Emi habang tini tignan ang physical na itchura nito habang nag sasalita) “so Emi, hindi ka sumagot kaninang nag tanung ako kung isa sa apat na kasama ni Izumi ang boyfriend mo, bakit?
Emi: (habang sinu sundan ng tingin si Girl 3) “wala lang, at anu naman un sayo, kung isa sa kanila ang boyfriend ko?”
Girl 3: (napangiti na animoy nang aasar) “wala naman, na gagandahan lang kasi ako sayo, un nga lang napansin ko, mukang mas maganda parin sayo si Izumi.
Emi: “anung pinu punto mo?
Girl 3: “wala naman ini isip ko lang, hindi kaya habang sina sayang mo ung laway mo sa pag away sakin e, kasalukuyan na palang nag lalaway ang boyfriend mo sakanya? I mean, ou maganda ka, pero di hamak na mas maganda si Izumi sayo, na isip mo ba un?
Emi: “hindi yan magagawa ng boyfriend ko” (asar na sagot ni Emi)
Girl 3: “oh wag ka pa apekto sakin, ako ay nag tatanung lang naman sayo, base on my… experience” (napatingin kay Izumi)
(si Izumi naman ay naka titig lang maige habang nag sasalita si Girl 3)
Pag katapos ni Girl 3 kay Emi ibinaling naman nya kay Hana ang Attension nya.
Girl 3: “at ikaw naman, sa totoo lang masakit ang pag kakasampal mo sakin, ramdam ko ung galit at emosyon mo”
Hana: “kulang pa nga yan e, sa dami ng masakit na sinabi mo okay Izumi”
Girl 3: “bakit masama ba kung mag labas ako ng opinion ko tungkol sa kanya?
Girl 3: “pero sige iisang tabi muna natin ung pananampal na ginawa mo sakin, may tanung lang ako, sino dun sa apat ang boyfriend mo?”
Hana: (agad na sumagot si Hana) “ung nasa kaliwa, ung dilaw ang buhok”
Girl 3: (tila ba bahagyang nagulat) “teka hindi ko ina asahan na siya ang boyfriend mo sa apat, napaka gwapo nya, nakaka proud ba?”
Hana: “bakit na iinggit ka ba?”
Girl 3: “medyo lang naman, pero hindi un ang point ko, gusto kong tanungin sayo, anung pakiramdam na ang boyfriend mo ang pinaka gwapo sa lahat, pero ikaw ang pinaka pangit sa inyong tatlo ni Izumi?”
At nang sinabi ni Girl 3 un kay Hana, napansin ni Ren na parang nag bago ang timpla ng muka ni Hana, na animoy nasaktan ito sa kanyang narinig.
Girl 3: “i mean hindi ka ba kina kabahan?”
Girl 3: (lumapit ng maige kay Hana) “kasi hindi naman sa pinag ooverthink kita pero… (bumulong ng mahina kay Hana)”
Hana: (nan laki ang mata, at tila ba parang na lungkot ang muka)
Girl 3: (ngumiti) “ikaw rin, kung ako sayo pipiliin ko ang mga kakaybiganin ko, binalaan na kita”
At pag katapos ng huling mga salita na sinabi ni Girl 3, tila ba hindi na natiis ni Ren ang kanyang pag ka irita, kaya naman pabagsak niyang ibinaba sa lamesa ang baso nila ng ice cream at nag salita.
Ren: “Itigil na natin to, wala na rin namn dapat pang pag usapan at isa pa ubos na ang ice cream ko”
Girl 3: (nag salita sa kanyang isip) “mukang matalino ang isang un, at para bang naka halata na siya sa gusto kong gawin”
Ren: (nag salita sa kanyang isip habang naka titig kay girl 3) “malakas si Hana at Emi sa simula ng komprontasyon dahil para sa kanila pinag tatanggol nila ang isat-isa, pero magaling ang isang to, dahil imbis na makipag talo ang ina atake niya ang pag kakaibigan at tiwala nila sa isat isa.
Ren: “isang bagay un sa babae na mahirap ma ayus pag nasira, kaya naman dito ko na to tatapusin bago pa to lumalala pa”
Girl 3: “bakit naman, diba kayo ang gustong kuma usap sakin?, pinag bigyan ko lang naman ang hiling nyo”
At habang kasalukuyang nag sasalita si Girl 3 para pahabain pa ang usapan nila ni Emi at Hana, si Izumi naman at tila wala sa sarili.
Izumi: (nag salita sa kanyang isip) “bakit parang familiar ang pakiramdam na ito, bakit parang nangyare na sakin to dati?”
Pag katapos nun ay unti unti bumalik lahat ng masakit na ala-ala ni Izumi sa university kung saan siya nag aaral.
Kung saan unti-unti siyang kinamuhian ng ibang babae, at nawalan ng kaibigan, dahil sa mga sabi-sabi na siya ay mag aagaw, malandi at pokpok.
Izumi: (nag salita sa kanyang isip) “eto nanaman, mauulit nanaman, dati akala ko ayos lang kaya pina bayaan ko lang ang mga hindi totoong sabi-sabi na kumalat tungkol sakin, dahil akala ko walang maniniwala at lilipas rin ito, pero nag kamali ako, isa-isang nawala ang mga taong malapit sakin.
Izumi: (nag salita sa kanyang isip) “tapos ngayon nag yayare nanaman”
Izumi: (tumingin kay Emi) “anu kayang ini isip nya, naniniwala kaya si Emi, na laging naka tingin sakin si Dustine? Sa totoo lang simula ng dumating ako at sumama sa kanila, kahit isang beses hindi ko pa nakitang tinignan ako ni Dustine, kahit sulyap lang wala, kaya na niniwala akong mahal ni Dustine si Emi”
Izumi: (ibinaling ang tingin kay Hana) “Ang sakit ng mga sinabi ni Girl 3 sa kanya, hindi ko alam kung anung mararamdaman ko kung ako ang nasa posisyon ni Hana ngayon, napansin ko rin na panay ang tingin sakin ni Akira mula palang nung una, at alam kong matalinong babae si Hana kaya siguradong napansin rin nya un, pero sa kabila ng lahat, hindi ako nakaramdam ng kahit na anung galit o pag ka inis sa kanya, sa halit pinag tanggol nya pa ako nung may narinig siyang hindi maganda sakin, sobrang baet ni Hana, kaya naman hinding hindi ko magagawa na sirain ang pag kakaibigan namin nang dahil lang sa lalaki”
Izumi: (salita sa kanyang isip) “kaya naman sa tingin ko dapat lang ngayon ako naman ang lumaban para sa kanila, at ako naman ang tumayo para sa pa sarili ko”
Tumayo si Izumi at nag buntong hininga, at dahil dun ay natigil sa pag sasalita si Girl 3.
Izumi: “tumigil kana” (salita nito kay Girl 3)
Girl 3: “anung sabi mo?” (tila naguluhan sa hindi ina asahan na pag sasalita ni Izumi, dahil nasanay ito na tahimik lang si Izumi tuwing sini siraan nya ito sa ibang tao”
Izumi: “ang sabi ko isarado mo ang bibig mo” (seryosong mukha ni Izumi)
Izumi: “alam ko na ang gusto mong gawin, gusto mong pag selosan ako ng mga kaibigan ko at mawalan sila ng tiwala sakin, pwes hindi un mangyayare”
Izumi: “dahil hindi sila kasing kitid ng mga dating kaibigan ko na nagawa mong mapaniwala sa mga ka sinungalingan mo sakin”
Izumi: (ibinaling ang attensyon nya kay Emi) “Emi, hindi ko alam kung napansin mo pero, alam mo ba na, simula nang dumating ako kaninang umaga kahit isang beses hindi pa tumingin sakin si Dustine, kahit na kina kausap nya ako, naka tingin siya sayo, kay Kazue o kaya naman kay Ren, pero never sakin at nirerespeto ko un”
Izumi: “ang gusto kong sabihin, mahal ka nya Emi, gina gawa nya ang lahat para maramdaman mong especial ka, kaya sana wag ka makinig sa kahit na anung sabihin ng ibang tao sayo, lalo na kung alam mo naman sa sarili mo na hindi un totoo”
Emi: (napangiti nalang at napa buntong hininga) “ou naman, kilala ko si Dustine, sa tagal naming mag kasama alam ko nang hindi siya ganung tao”
Izumi: (ngumiti at ibinaling naman ang tingin kay Hana na naka titig rin sa kanya) “hindi ko alam Hana kung papanu kita kakausapin, at hindi ko rin alam kung anu ung bagay na ibinulong nya sayo, pero isa lang masasabi ko Hana, hindi ko gusto si Akira…”
Izumi: “at mahal ko si Kazue”
Izumi: “nakita ko kung papanu mo ako pinakisamahan, kung papanu mo ako tinanggap bilang kaibigan mo, at maniwala ka sakin, sa loob at sa pan labas na anyo, ikaw na yata ang pinaka magandang babaeng naging kaybigan ko, napaka baet mo, sobrang daling pakisamahan at masayang kasama”
Izumi: “hindi ko sina sabi to dahil gusto kong mapagaan ang loob mo o mawala lahat nang pang hihinala mo sakin, sina sabi ko to dahil un ang totoo…”
Izumi: “Hana, sana maniwala ka sakin…”
Hana: (ngumiti rin kay Izumi) “anu bang sina sabi mo jan, ayos naman ako ah, wala ka naman dapat na ipaliwanag sakin.
Izumi: (naka ngiti na rin at para bang nakahinga ng ma aus sa reaction ni Hana) “salamat Hana”
Hindi nag tagal napansin na ni Ren, na para bang unti unting na aus ang gusot na ginawa ni Girl 3 para pag awayin sina Emi, Hana at Izumi at nag salita”
Ren: “tumayo at lumapit kay Girl 3, panu ba yan, mukang talo kana, at hindi ka nag tagumpay sa bina balak mong pag awayin sila?”
Girl 3: (na inis at na irita) “haaaist, di ako papayag, ikaw! (itinuro nya si Hana) sinampal mo ako at sinaktan, mag sasampa ako ng reklamo laban sayo, Assault oh anu man, kaya mag handa ka na!” (gigil na sabi nito kay Hana)
Ren: (nag lakad at tumayo sa harap ni Hana at kinausap si Girl 3) “sigurado ka ba? Panu kung sabihin ko na, meron akong voice record dito tungkol sa pag tatangka niyo na ipa rape si Izumi, itutuloy mo parin ba ang reklamo mo? (inaharap ang kayang cellphone na animoy may isang mahabang voice record na naka save)
Girl 3: “panung… teka san mo nakuha yan?”
Ren: “hindi na yun mahalaga, ang importante may ibidensya kami at pwede namin to gamitin laban sayo”
Dustine: “ang galing mo Ren, mukang napag isipan mo na talaga lahat sa una palang”
Ren: “kaya sige mamili ka, pwede na kayong umalis ngayon at iisipin ko na walang nangyare, o tutuloy mo parin ang pakikipag talo samin?”
At sa mga sinabing un ni Ren, nawalan na nang laban ang tatlong babae bagamat gusto pa sana maka bawi ni Girl 3, naisip nyang lalo siyang mapapasama kung ipag papatuloy pa nya ang pakikipag usap kay Ren.
Girl 3: “sige aalis nalang kami” (nag lakad na papalayo si Girl 3 ramdam ang pag katalo nya kay Izumi na kasalukuyang masaya dahil hindi nag bago sakanya si Emi at Hana) Tayo na (sumama na sa kanya si Girl 1 at Girl 2 papalabas ng shop)”
At nang naka alis na ang tatlong babae, inakbayan ni Dustine si Ren at nag salita.
Dustine: “grabe Ren ang talino mo, akalain mong nagawa mo pang irecord ung usapan nila kanina, bago sila kausapin nila Emi at Hana”
Ren: “mali ka Dustine, sa totoo lang bluff lang un, at wala talaga akong record ng usapan nila”
Dustine: “ah? Anu? E anu yang record na pina pakita mo kanina pa?”
Ren: “ah eto ba? (plinay ang record) mp3. File lang to ng paborito kong kanta” (napa ngiti) “hindi ko nga alam kung anung gagawin ko kung sakaling sinabi nyang gusto nyang marinig ung record e, kaya sa madaling salita ma swerte lang talaga tayo”
Ren: “At ikaw naman Hana, sa susunod bago mo gawin un, sabihan mo muna kami, panu nalang kung hindi ako naka isip ng paraan para isalba ka, sigurado sakit ng ulo mo un”
Hana: “ah pasenya kana Ren, nadala lang ako sa emosyon ko”
Ren: (nag buntong hininga) “hais sige ayos lang, tutal tapos na, wag mo nalang ulitin un Hana”
Hana: “buti nalang ikaw ang naging bestfriend ni Akira, Ren nuh, (napa yakap kay Ren sa sobrang saya) kasi isipin mo kung wala ka lagi kaming nag kakagulo”
Ren: (namula ang muka at kumawala sa pag kakayakap ni Hana sa kanya) “wag mo nga akong yakapin Hana, arrrg”
Hana: “eto naman para yakap lang e, tagal na natin mag kakakilala nila Akira di ka pa nasanay sakin” (natawa)
Ren: “lubayan mo ako!”
Hana: "ang suplado mo Ren, kaya hanggang ngayon wala ka paring girlfriend eh" (pinag katuwaan si Ren)
Sa kabilang banda naman, habang masayang nag uusap ang lahat at nag bibiruan, tila ba may sariling mundo naman si Kazue at Akira.
Akira: (salita sa kanyang isip) “totoo kaya ang sinabi ni Izumi na hindi nya ako gusto? pero imposible un di hamak na mas gwapo ako kay Kazue at mas malakas ang dating, pero nakakainis parin!”
Akira: (tumingin kay Kazue) “bakit ako nakakaramdam ng ganito, na iirita ako, lalo akong nang gigigil tuwing na iisip ko na ang pinaka magandang babaeng nakita ko napunta lang sa loser na kayaga nya… nakaka asar!”
At dahil sa mga narinig ni Akira mula kay Izumi, lalo siyang naka ramdam ng pag katalo kay Kazue, at lalong lumalim ang nararamdaman nyang galit at selos , ka sabay nang unti unti niyang pag katakam na makuha ang pag tingin ni Izumi.
Sa kabilang banda, iba naman ang pakiramdam ni Kazue, dahil ito ang unang beses na may magandang babae na nag sabing mahal siya nito, kahit na alam nya sa sarili nya na nag papanggap lamang sila.
Kazue: (habang naka tingin kay Izumi) “alam ko na hindi ako dapat maka ramdam ng ganito pero, nung sinabi ni Izumi na hindi nya gusto si Akira at ako ang lalaking mahal nya, para akong naka ramdam ng kuryente sa dibdib ko”
Kazue: “siguro dahil hindi pa ako nag kaka girlfriend at ito ang unang beses na may nag sabi sakin ng ganun”
Kazue: “ganun pa man (napangiti) totoo man un o hindi, masarap un sa pakiramdam ko”
Kazue: “at sigurado ako balang araw, pag wala na si Izumi, mamimiss ko ang bawat sandali sa oras na to” (sabay nang mabilis na pag t***k nang kanyang puso)
At sa sandaling un, habang naka tingin si Kazue kay Izumi ay bigla naman sila nag kasalubong ng tingin, nag ka gulatan at sabay namula.
Kazue: (bumilis lalo ang t***k ng puso at na alala ang isang kasabihan) (bumulong sa kanyang isip) “sabi nila, hindi ka daw mahuhuli nang taong gusto mo, na nakatingin sa kanya, kung hindi rin siya tumingin sayo”
Kazue: (nag salita sa kanyang isip habang naka titig kay Izumi) "totoo kaya un? tini tignan mo rin ako Izumi?♥"
(to be continue)