Chapter Twelve

917 Words
Chapter Twelve: Twilight Sky's POV Lumabas na ako nang sasakyan at tumingin kay Kuya driver. "Itetext na lang kita, Kuya" "Sige, Young Lady" sagot niya kaya naglakad na ako papasok ng school. Wala si Zhynly at Jacob kaya ako lang mag-isa ang pumunta. Kaya ko na rin naman ang sarili ko, at ayos din 'yun dahil walang maingay. Pinatawag kasi kami ng Professor namin para sabihin sa amin kung kailan ang schedule ng defense namin. Kumatok na ako sa bukas na pinto ng office ng professor namin. Binuksan ko ang pinto at sumilip sa loob. "Excuse me. Nandito pa si Mr. Dizon?" tanong ko sa babae na nakatingin sa akin. "Miss Smith, pasok kana. Tatawagin ko lang si Mr. Dizon. Wala pa 'yung partner mo?" "Wala pa yata... Tenext ko na naman siya baka dumating na rin yun" sagot ko. "Okey, maupo ka muna. Tatawagin ko lang si Sir" sabi niya at naglakad na siya palabas ng pinto. Naupo naman ako sa isang upuan at tumingin-tingin sa paligid. 'Wala pa pala si Yuan Ramos. Ngayon ko lang siya makikita ng personal.' Narinig kong may nagbukas ng pinto at nakita ko ang Professor namin. Naalala ko siya dahil nakikita ko siya sa school. Tumayo ako at tumingin kay Mr. Dizon na napatingin din sa akin. "Miss Smith, nandito kana pala. Wala pa si Mr. Ho—" "Sir!" napatingin ako sa likod ni Mr. Dizon at nakita ko ang lalaking tumawag sa kanya. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, biglang bumilis ang t***k ng puso kom Napahawak ako sa dibdib ko dahil kitang-kita ko ang lakas ng t***k sa dibdib ko. "Mr. Ho—" "Yuan Ramos, Sir" sabi niya at nakita kong napakunot ang noo ni Mr. Dizon. Siya pala si Yuan Ramos. Nakatingin lang si Mr. Dizon kay Yuan. 'May problema ba?'. "Okey!... Mr. Yuan Ramos, right?" tanong ulit ni Mr. Dizon sa kanya at tumango naman siya. "Magkakilala na ba kayo ulit sa personal?. Parehas kayong nagkaroon ng amnesia, diba?" 'Wala rin siyang maalala?. Magkakilala kami noon?. Kaya siguro ganun na lang ang kaba ko ng makita ko siya. Hindi naman siguro kami magkaaway? Sana hindi.' Ngumiti ako. "Ngayon lang—" "Nagkikita kami, Sir. Kapag ginagawa namin ang feasib." singit niya kaya tumahimik na lang ako. "Buti naman. Sige, maupo muna kayo" umupo na ako at tumingin ako kay Yuan Ramos na nakatingin sa kung saan. Umupo siya sa isang upuan na nakaharap sa akin kaya parehas kaming nakaharap kay Mr. Dizon. "Nabasa ko na ang pinasa ninyo sa akin, at nakakatuwa dahil napahanga ako sa ginawa ninyo. Nanghinayang din ako dahil pwedeng maging best in feasibility study ang gawa ninyo kung hindi lang kayo na-late. Pero umasa kayong magiging maganda ang grade na makukuha ninyo." sabi ni Mr. Dizon. Ilang minuto rin kaming kinausap ni Mr. Dizon para sa schedule ng defense namin. "Sasabihin ko pa ba na galingan ninyo sa defense day nyo?" ngiti ni Mr. Dizon sa amin. Tumingin siya sa relo niya. "May klase pa pala ako" sabi niya. "Magkita na lang tayo sa defense day ninyo, Miss Smith and Mr. Hollis" tingin niya kay Yuan Ramos. "Hollis?" tanong ko. Napatingin sila sa akin at nakita ko ang pag-inda ni Yuan Ramos sa ulo niya. "Sino si Hollis?" "Sorry. Mr. Ramos pala. Are you okey?" tanong niya kay Yuan. Kahit ako nakatingin din sa kanya. "Yes, I'm okey, Sir." nakita ko ang paggalaw ng adams apple niya. Tinanggal niya ang pagkakahawak sa ulo niya at tumingin kay Mr. Dizon. "Okey, you can go. Baka kailangan ninyo pang magpahinga" tayo ni Mr. Dizon at tumayo na rin ako, ganun din si Yuan. "Thanks, Sir Dizon" ngiti ko. Tumango naman si Sir Dizon at naglakad na palabas. "Teka!" pigil ko sa paglabas ni Yuan Ramos. "Pwede ka ba makausap?" "No." sagot niya, na kinagulat ko. Lumabas siya sa pinto kaya sumunod ako sa kanya. "Teka!.." hawak ko sa braso niya pero tinanggal ang kamay ko. Tinignan niya ako ng masama. "Sorry, gusto ko lang naman magpasalamat sa'yo." "Then, you're welcome" sarcastic na sagot niya. "Okey!" ngiti ko at nauna na sa kanya. Lumingon uli ako sa kanya at nakatingin siya sa akin. "Thank you uli" kaway ko pa. Ngumiwi lang siya at nauna pang maglakad sa akin. Kaya sinundan ko na lang siya ng tingin. Napahawak ako sa dibdib ko dahil bumilis na naman ang t***k ng puso ko. Napahawak ako sa ulo ko ng bigla akong nakaramdam ng kirot kaya napapikit ako. "Twilight!" rinig ko sa pagtawag ng pangalan ko. Nakita ko ang isang lalaki sa harap ko at nakikita ko na may luha sa mata niya. Hindi ko maaninag ang mukha niya. Nakikita ko may mga sinasabi siya pero hindi ko 'yun maintindihan o marinig. Nakikita ko ang sarili ko na nasa sa isang park, may lalaking nakahawak sa kamay ko habang nakangiti siya. Nakarinig ako ng putok ng baril at magkahawak kamay kaming tumakbo. Nagtago kami at nakita kong may hawak na siyang baril. "Hey!... Are you okey?" napadilat ako at napatingin ako sa mukha niya. Napalunok ako habang nakatingin sa mga mata niya. 'Magkaparehas sila mata nung lalaki sa alaala at panaginip ko'. Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko. Napakunot ang noo ko dahil napansin kong ang lapit niya sa akin. Nanlaki ang mata ko ng makita kong nakapulupot ang braso niya sa bewang ko. Kaya pala ang lapit niya sa akin. Tinulak ko siya at tinignan niya ako ng masama. "Anong nangyari?" takhang tanong ko. "Ask yourself" sabi niya at bumuntong hininga siya. "Muntikan ka nang matumba. Gusto mo bang pumunta sa clinic?" "W-Wag na... Okey na ako. Salamat, Yuan" ngiti ko sa kanya. "Are you sure?. May magsusundo ba sa'yo? Gusto mong ihatid na lang kita sa inyo?" Napatingin ako sa kanya na parang may iniisip siya pa. "Hindi na, salamat na lang. May magsusundo naman sa akin, okey na ako. Bigla lang sumakit ang ulo ko" tingin ko sa kanya. "Gusto ko rin maglibot sa school, habang wala pa ang sundo ko. Gusto ko na rin kasing makaalala, baka sa paglibot ko dito kahit paano may maalala ako" ngiti ko sa kanya. Nang bigla kong maalala ang sinabi ni Mr. Dizon kanina. "Narinig kong wala ka rin maalala? Ikaw, gusto mo bang maalala ang mga nakalimutan mo?" "Hindi ko na kailangan malaman pa ang mga nakalimutan ko because I'm happy to what I have now. I have my family and also my girlfriend" Ngumiti ako sa kanya at tumango. "Good for you, hindi mo nalimutan 'yung girlfriend mo, hindi tulad sa mga palabas na 'yun pa yung nalilimutan nila" natawa ako sa sinabi ko. "Pasensya kana, sa kakapanood ko lang 'to ng drama" tawa ko ulit. "Teka, hindi ka pa ba aalis? Baka may pupunta ka pa? Pasensya na kanina, naabala pa kita, Yuan" "Sasamahan muna kita" nanlaki ang mata ko at bigla akong kinabahan. "Okey lang ba sa'yo?" "Yes" "Baka magselos na naman ang girlfriend mo diba? Sabi mo sa text solosa yun" "Don't worry about her." ngiti niya at naglakad na siya kaya sumunod na ako. Nagkibit-balikan na lang ako habang sumusunod sa kanya. * * * * * * Cloude Yule's POV Nakita kong papasok si Mr. Dizon sa opisina niya kaya sumunod na ako. "Miss Smith, nandito kana pala." 'Nandito na siya?' "Wala pa si Mr. Ho—" "Sir!" tawag ko kay Mr. Dizon. Nakita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin siya sa akin. Napatingin ako sa kanya at nakaramdam ako ng kakaiba pakiramdam. Guilt? Nervous? Hindi ko alam, hindi ko na lang pinansin ang mga iyon. "Mr. Ho—" "Yuan Ramos, Sir" pagtatama ko. Nakakunot ang noo ni Mr. Dizon habang nakatingin sa akin. "Okey!... Mr. Yuan Ramos, right?" tanong ulit ni Mr. Dizon sa akin at tumango naman ako. "Magkakilala na ba kayo ulit sa personal?. Parehas kayong nagkaroon ng amnesia, diba?" Ngumiti siya. "Ngayon lang—" "Nagkikita kami, Sir. Kapag ginagawa namin ang feasib." singit ko at nakita ko ang pagtataka niya pero nanahimik lang siya. "Buti naman. Sige, maupo muna kayo" umupo na siya at ramdam kong nakatingin siya sa akin. "Nabasa ko na ang pinasa ninyo sa akin, at nakakatuwa dahil napahanga ako sa ginawa ninyo. Nanghinayang din ako dahil pwedeng maging best in feasibility study ang gawa ninyo kung hindi lang kayo na-late. Pero umasa kayong magiging maganda ang grade na makukuha ninyo." sabi ni Mr. Dizon. Ang daming sinabi ni Mr. Dizon tungkol sa feasibility study namin at sinabi niya na rin ang schedule kung kailan ang araw ng defense namin. "Sasabihin ko pa ba na galingan ninyo sa defense day nyo?" ngiti ni Mr. Dizon sa amin. Tumingin siya sa relo niya. "May klase pa pala ako" sabi niya. "Magkita na lang tayo sa defense day ninyo, Miss Smith and Mr. Hollis" tingin niya kay Yuan Ramos. "Hollis?" she asked. Napahawak ako sa ulo ko. Naririnig ko ang boses ng babae sa panaginip ko. 'They have the same voice'. "Sino si Hollis?" "Sorry. Mr. Ramos pala. Are you okey?" tanong ni Mr. Dizon sa akin at ramdam ko pa rin ang tingin niya sa akin. Huminga ako ng malalim. "Yes, I'm okey, Sir." napalunok ako. Tinanggal ko na ang pagkakahawak ko sa ulo ko at tinuon ang atesyon ko kay Mr. Dizon. "Okey, you go a head. Baka kailangan ninyo pang magpahinga" tayo ni Mr. Dizon at tumayo na rin siya, ganun din ako. "Thanks, Sir Dizon" ngiti niya. Tumango naman si Sir Dizon at naglakad na palabas. "Teka!" rinig kong sabi niya. "Pwede ka ba makausap?" "No." sagot ko ng hindi siya nililingon at lumabas na ako, pero nakasunod pa rin siya sa akin. "Teka!.." hawak niya sa braso ko na agad kong tinanggal dahil para akong napaso siya hawak niya. "Sorry, gusto ko lang naman magpasalamat sa'yo." "Then, you're welcome" sakrastikong sagot ko. "Okey!" ngiti niya at nauna na siya sa akin maglakad. Napakunot ako ng noo, dahil sa inasal niya. Lumingon pa siya sa akin. "Thank you uli" kaway pa niya. Napangiwi ako at naglakad na ako pauna sa kanya. Ramdam ko ang pagsunod ng tingin niya sa akin na ikina-ngisi ko. Napansin ko na hindi pa rin siya naglalakad pasunod sa akin kaya napalingon ako upang tignan siya. Nakita kong nakawak siya sa ulo niya habang nakapikit. I see her pain. "Twilight!" tawag ko sa kanya. Agad akong tumakbo para lumapit sa kanya dahil nakita kong malapit na siyang bumagsak. Nakahinga ako ng maluwag ng masalo ko siya. Kita ko sa mukha niya ang sakit na nararamdaman niya. Ramdam ko ang sakit na 'yun dahil ganun din ako sa mga nagdaang araw simula ng lumabas ako sa hospital. Narinig ko ang pagbutok ng isang lobo, ramdam ko ang pagkapit niya sa damit ko. Ilang sigundo lang nakita ko lumipas nakita ko na medyo kumakalma na siya. "Hey!... Are you okey?" tanong ko at dumilat naman siya. Nakatingin siya sa akin, titig na titig siya sa akin. Nakita ko pa ang paglunok niya habang nakatingin sa akin. Bumilis ang t***k ng puso ko na hindi ko alam ang dahilan. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya at nanlaki ang mata niya. Nagulat ako ng bigla niya akong tinulak palayo kaya tinignan ko siya ng masama. "Anong nangyari?" tanong niya. "Ask yourself" sabi ko at bumuntong hininga ako. 'Stupid answer' "Muntikan ka nang matumba. Gusto mo bang pumunta sa clinic?" tanong ko dahil kita ko na hindi maganda ang sakit na ininda niya. "W-Wag na... Okey na ako. Salamat, Yuan" ngiti niya. "Are you sure?. May magsusundo ba sa'yo? Gusto mong ihatid na lang kita sa inyo?" 'Damn! Cloude? What are you doing? Nagiging mabait ka sa kanya! You look worried huh?'. "Hindi na, salamat na lang. May magsusundo naman sa akin, okey na ako. Bigla lang sumakit ang ulo ko" tingin niya. "Gusto ko rin maglibot sa school, habang wala pa ang sundo ko. Gusto ko na rin kasing makaalala, baka sa paglibot ko dito kahit paano may maalala ako" ngiti niya. "Narinig kong wala ka rin maalala? Ikaw, gusto mo bang maalala ang mga nakalimutan mo?" bigla tanong niya. "Hindi ko na kailangan malaman pa ang mga nakalimutan ko because I'm happy to what I have now. I have my family and also my girlfriend" 'Are you sure, Cloude? Are happy to your life?. Hindi ba dahil sa kanya kaya ka naguguluhan?' Ngumiti siya at tumango. "Good for you, hindi mo nalimutan 'yung girlfriend mo, hindi tulad sa mga palabas na 'yun pa yung nalilimutan nila" natawa niya. "Pasensya kana, sa kakapanood ko lang 'to ng drama" tawa niya ulit. "Teka, hindi ka pa ba aalis? Baka may pupunta ka pa? Pasensya na kanina, naabala pa kita, Yuan" "Sasamahan muna kita" nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Nagulat din ako sa inaasal ko ngayon, dapat umaalis na ako at hindi na ako nakikipaglapit sa kanya. 'Pero ano 'tong ginagawa ko?' "Okey lang ba sa'yo?" "Yes" sagot ko kahit hindi talaga ako sigurado sa ginagawa ko. "Baka magselos na naman ang girlfriend mo diba? Sabi mo sa text solosa yun" "Don't worry about her." ngiti ko at naglakad na ako. Sumunod naman siya sa akin. -- "Madalas ka ba dito noon?" tanong niya habang nakaupo. "Yes?. I don't know, baka... maganda ang view dito eh" "Kilala mo ba ako?" "Slight" sagot ko. "Hmm! Anong naalala mo sa akin? Close ba tayo?" "We're not that close" sagot ko. "Hehe!. May amnesia ka nga rin pala." tingin niya sa akin. "Naalala ko madalas lang ako dito, kapag absent ang pinsan ko nandito ako. By the way, kilala mo rin ba si Zhynly? Nasabi ko naman sa'yo o niya, sa'yo, na siya ang katext mo bago ako, diba?" 'She's so talkactive huh?' "Yes." sagot ko habang nakatingin sa malayo. "Ang tipid mong sumagot" sabi niya kaya napatingin ako sa kanya at sumandal siya sa sandalan ng bench. Tumingin siya sa langit habang nakangiti. "Bakit ka nakatingin at nakangiti? Ang cute ko ba? Hehe. Joke!" sabi niya at nagpeace sign pa. Hindi ko rin napansin na nakatingin pala ako sa kanya. "Yung mga kaibigan mo, kilala mo pa ba?" "Yes, bata palang naman kami we know each other. Pero sa ngayon, tingin nila nagbago na ako" tingin ko sa kanya. "Ayoko lang naman na ipinagpipilitan nila sa akin ang bagay na ayoko" "Anong ibig mong sabihin?" "Pinaparamdam nila... ng mga taong sa paligid ko na mali ang desisyon ko, na mali ang taong minamahal ko ngayon. May isang tao silang pinipilit sa akin na maalala ko" 'And that's you' "Bakit naman nila pinipilit na maalala mo 'yung taong 'yun?" Tumingin ako sa malayo. "They said she was special to me, pero dahil sa sinasabi nila, mas lalo ako nagagalit sa kanya" tingin ko sa kanya. Nakatingin siya sa akin at hindi ko alam kung bakit wala akong nararadaman na galit o inis man lang sa kanya tulad ng sinasabi ko kanila Ai kapag naririnig ko sa kanila ang pangalan niya. Siguro dahil hindi siya tulad noon, hindi niya pinagpipilitan ang sarili niya na maalala ko siya. "Nasaan na 'yung taong 'yun?" tanong niya at nakatingin lang ako sa kanya. 'Nandito sa harapan ko.' "Hindi ko alam, wala na rin naman siya pakealam sa akin. Mas okey na 'yun, kaysa pinagpipilitan niya ang sarili niya sa akin. I love my girlfriend and I don't really care about her." "Mukha nga wala kang pakialam sa kanya" ngisi niya. "Mas kinukwento mo pa siya sa akin kaysa sa girlfriend mo" Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. "Siguro dahil galit ka nga sa kanya, kahit tulad ng sabi mo wala na rin siyang pakealam sa'yo." "Mahal ko ang girlfriend ko, iyon lang ang alam ko, at iyon lang ang naalala ko. Anong gagawin ko kung hindi ko maalala 'yung taong yun?" "Hehe! Chill!" pagpapakalma niya sa akin. "Sobrang mahal mo ang girlfriend mo, no?" "Of course, nawala na siya sa akin at ayokong mawala pa ulit siya" Tumango siya. "Kung ano ang sa tingin mo tama, iyon ang sundin mo. Pero sa palagay ko, dapat mo munang malalaman kung sino ba ang tao 'yun sa'yo.... o 'yung mga nawalang alaala mo. Kasi sa tingin ko, kahit wala na siyang pakialam sa'yo, she still on your mind. May nagawa ka bang mali sa kanya?" nakatingin lang ako sa kanya. 'May inutusan lang naman para patayin ka. Mali na yun?. Siguro nga, mali 'yun... dahil hindi ko pinag-aralan ng maayos ang desisyon ko at nagalit pa sa akin si Ai.' Bumuntong hininga siya. "Hindi mo nga pala alam. Mahirap ang wala maalala 'no?" nakita ko ang lungkot sa mata niya habang nakatingin sa akin. "Naka-experience kana ba ng may taong tumawag sa pangalan mo, at pagkakita mo sa kanya, hindi mo siya kilala?. Ganun ang na-experience ko ng mga nakaraan araw, pagkatapos kong magising sa hospital at nalaman kong may nawala pala akong alaala." Ramdam kong may mga nakatingin sa amin pero hindi ko sinabi sa kanya. Malayo naman sila at alam kong hindi nila maririnig ang pinag-uusapan namin. Ayoko rin na matapos ang araw na 'to na hindi nalalaman kung sino ba si Twilight Sky Smith. "Hindi ko alam kung bakit kinukwento ko 'to sa'yo o bakit parang ang komportable ko sa'yo, kahit ang sabi mo we're not that close. Siguro kasi, nalaman ko na parehas tayong may nawalang alaala. Kaya pakiramdam ko, parehas lang tayo nang pinagdadaanan ngayon." Siguro kaya hindi ako naiinis o nagagalit sa kanya dahil naiintindihan ko ang nararamdaman. Halata ring nahihirapan siya sa sitwasyon niya ngayon. "Alam mo bang nalulungkot ako kapag nakikita ko ang mga taong kilala ako, pero ako, hindi ko man lang sila kilala. Kahit nga pangalan nila, hindi ko alam, para sa kanila okey lang 'yun, kasi naiintindihan nila ako. Pero para sa akin, hindi okey, nakikita ko ang lungkot sa mga mata nila. Mukha naman silang mababait at handa nila akong tulungan, pero sa tingin ko may mga tinatago sila sa akin... Hindi ko alam, pero ramdam ko, meron talaga. Naguguluhan ako." tingin niya sa akin. Nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya. "Kahit maaaring masaktan ka lang sa mga maalaala mo?" "Hmm?!... Oo, siguro... kasama naman siguro ang masaktan kapag nalaman mo ang katotohanan. Pero diba, mas better to get hurt by the truth than being happy by the lie, because the truths are not meant to make you happy always." tingin niya sa akin. 'Damn! she's right!' "Kaya kahit masaktan ako, sa mga alaala ko noon, siguro magiging ayos lang naman ako sa huli. Kasi, ginusto ko naman malaman ang lahat at gusto ko talaga 'yun, para sa sarili ko at para sa mga taong nakalimutan ko" ngiti niya sa akin. 'Ito ba talaga ang totoong Twilight Sky Smith?' "Ikaw, hindi mo ba talaga gustong malaman ang mga nawala sa alaala mo?" "I don't know" sagot ko. Tumango naman siya at tumingin sa malayo. Nakatingin lang ako sa kanya habang iniisip ko kung ano ang mga nasa isip niya. 'Siguro, kung maalala niya ako, at ang ginawa ko sa kanya sa hospital. She will be angry with me and she will curse me for what I did to her.' "Hoy!.. Yuan! Okey ka lang?!" kaway niya. Nakatingin na pala siya sa akin. "Naiilang na ako sa tingin mo. May gusto ka bang sabihin?" "Wala naman." sabi ko pero nakatingin pa rin siya sa akin. "Mukha ka talagang may sasabihin sa akin. Sabihin mo na" Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng guilty habang nakatingin siya. Naaalala ko kung paano ko siya pinagtabuyan at nasaktan habang pinipilit niya sa akin na maalala ko siya. "I'm really sorry to what I did to you." "Ha?. Bakit ka nag-sorry?. Hindi ba dapat ako ang mag-sorry sa'yo, kasi hindi ako masyadong nakatulong sa feasib natin. Nakakahiya nga sa'yo." "Don't mind that. Basta I'm really sorry. I hope you forgive me someday" nakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. 'Alam kong naguguluhan siya sa sinabi ko pero sana maalala niya ang sinabi ko kapag naaalala na niya ang lahat. Alam kong hindi sapat ang sorry sa lahat ng nagawa ko sa kanya.' "Hindi kita maintindihan, pero sige... hindi ko kakalimutan ang sinabi mo sa akin ngayon" sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko. Narinig kong tumunog ang cellphone niya nasa loob ng gamit niyang bag. "Your phone" turo ko sa bag niya. "Gusto mo ng bag ko? o phone ko?" takhang tanong niya. Napangiti ako sa inosenteng itsura niya habang nakatingin sa akin. "May tumatawag sa'yo" sabi ko at lumingon naman siya sa paligid. "Sa phone mo" nakita ko na nataranta siya habang kinukuha niya ang cellphone niya sa bag niya. "Hello, Sino 'to?" kununot ang noo niya. "Whaa?!... Ikaw pala yan, kuya. Unknown kasi sa phone ko, akala ko unknown ang pangalan mo... Ha? Nandito pa ako sa school... Okey, papunta na ako... Sige po" binaba niya na ang cellphone niya at tumingin sa akin. "Kailangan ko nang umalis, Yuan. Salamat sa pag-sama sa akin dito, sana hindi kita naabala ng sobra" "No worries. Sana maalala mo na ang mga nawala alaala mo" "Salamat, ikaw din sana" ngiti niya sa akin. Nakatingin pa rin sila sa amin. "Tss! Masyadong silang nakabantay" "Ha?" "Nothing... go!. Baka, hinihintay kana ng sundo mo" I said. "Sige. Thank you uli ha?.. Sana magkita uli tayo lalo na kapag may naalala na ako, Yuan Ramos. Malay mo may maalala ako na tungkol sa'yo. Sige bye!. Ingat ka ha?" "Take care!" taas ko sa kamay ko at naglakad na siya palayo. 'Ngayon ko lang na-realize na marami pala akong nasabi sa kanya at ganun din siya sa akin. Hindi ako ganun sa ibang tao, anong meron sa kanya?. Hindi man lang ako nagalit o nainis sa kanya tulad ng lagi kong nararamdaman kapag nababangit nila ang pangalan niya.' napahawak sa ulo ko at napasambunot sa buhok ko. Lumingon ako sa kinaroroonan ng mga taong nakatingin sa amin kanina pa, pero nawala sila kung saan sila naka-pwesto. * * * * * * Aiyda Kim's POV "Look girl?" turo ni Faiy sa may garden may nakaupo doon na dalawang tao. "Si Cloude at Twilight pa yun?" tanong niya. "Oo. Sila nga." walang ganang sabi ko. "Nagbreakfast kana ba, girl? Bakit ganyan ka?. Sabagay, lagi ka naman ganyan kahit kumakain ka" sabi niya at tumawa pa. "Ewan ko sa'yo. Pero bakit magkasama sila? Hindi nila maalala ang isa't-isa hindi ba?" tumingin siya sa akin at nanlaki ang mata niya. Alam kong may naisip siyang dahilan kaya magkasama sila Twilight. "Hindi kaya wala talaga silang amnesia?" tanong niya. Tinakpan niya ang labi labi niya habang nanlalaki yung mata niya. "Imposible yun no?. Tyaka masamang biro kaya yun sa pamilya nila." depensa ko habang nakatingin pa rin kanila Cloude at Twilight. Natingin at nakangiti si Cloude kay Twilight, at mukhang hindi niya 'yun pansin. "Puntahan kaya natin sila?" sabi ni Faiy. "Wag na, baka magalit pa sa atin si Cloude..." "Sus?.. Wag mo nga akong niloloko.. Crush mo lang yan si Cloude kaya ayaw mong lapitan" nag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. "Wag nang mag-deny 'te? Kahit ikaw ang pinakamahihin sa grupo natin, may harot ka rin sa katawan. Alam ko ang kilos mo kapag may gusto sa boy" asar sa akin ni Faiy. "Tama na nga yan.. Grabe ka sa akin.. Tyaka crush lang naman, don't tell me hindi mo naging crush si Cloude?. Ang pogi at cute kaya n'ya" nag-init yata ang pisngi ko. "Yes, naging crush ko siya. Cute, gwapo at may pagkamisteryoso. Akala ko nga siya na ang destiny ko. Pero walang eh! Hindi pala" sagot niya tumingin sa akin. Tinignan ko siya mula paa hanggang ulo. "Sa sagot mo parang mas crush mo pa si Cloude sa akin." She rolled her eyes. "Nagtanong ka diba? sinagot ko lang na may honest na sagot.." hawi niya sa buhok niya. "Tara nga... Punta na tayo sa resto bar ninyo nagugutom na ako eh!" "Sus? Affected ka lang sa dalawa" tingin niya sa akin ng may pang-aasar. "Excuse me? Hindi no? Mukhang nga ang mas affected" "Chill kalang girl!. Nawawala ang pagka-dalagang Pilipina mo. Nasaan na ang hinhin mo?" tingin ni Faiy sa akin. "Tara na nga kasi!" sabi ko at naglakad na ako pauna sa kanya. * * * * * * Faiy Song's POV "Hey! Girl wait!.." habol ko sa kanya. 'Ang bilis talagang maasar.' Napalingon ako sa may halaman dahil may nakita akong dalawang lalaki na parang nakatingin din kanila Twilight at Cloude. 'Si Grayson ba yun?. Omy! Ang hot niya talaga, lalo na kapag seryosong ang mukha niya'. Bakit ako lagi ang nakakakita ng gwapo sa paligid ko? pero wala naman doln 'yung taong destiny ko. Sad lang talaga!. "Faiy Song!" iritang tawag sa akin ni Aiyda. 'Grabe siya ha?. May iniisip pa ako eh!'. "Wait! Tara dito" pinapalapit ko siya sa akin. Lumapit naman siya sa akin na parang walang gana sa lahat ng bagay. "Look who's there" mahinang sabi ko. "Sino?" "Duh?!. Si Grayson Vega, kaibigan nila Twilight. 'Yung nakasama natin sa resort noong birthday ni Cloude. Duh?. You don't know him?" "Duh? Ka dyan?. Kilala ko siya no?. Si Travis ba 'yung kasama niya?" "Si Travis, diba playboy 'yun?" tanong ko at nagkibit-balikan lang siya. "Gwapo rin sana no? But playboy nga lang" sad face ko. "So? Ano naman kung playboy siya?" "Duh?!. Tinatanong pa ba yan? Syempre kung sinu-sinong kasamang girls ng taong 'yan. Kahit hindi naman kagandahan" I rolled my eyes. "O? tapos?" tingin niya sa akin na parang hindi niya alam kung ano ang pinupunto ko. "Duh?!.. Ayoko nang topic natin na 'to. Lalo na kung hindi naman saklaw sa kaalaman mo ang sinasaad ko" I flipped my beautiful hair. "Whoo?!. Saklaw at sinasaad ang lalim mo ngayon ha?. Pero changed topic na talaga. Gutom na ako eh!" hawak niya sa tiyan niya. "Punta na tayong resto bar nyo" "Fine!." I rolled my eyes. "Pero ano ba talaga kasing ginagawa nila?" nagtataka lang ako. "Baka binabantayan lang nila si Cloude. Diba nga, pinagtulakan ni Cloude si Twilight sa hospital. Bago siya naaksidente" paliwanag ni Aiyda. Noong nakaraang linggo lang namin nalaman dahil sa may nagpakalat ng video ni Twilight na kinuha pa sa Cctv ng hospital. 'Walang puso ang nagpagkalat nun. Siguro nga wala pang alam sila Twilight sa kumakalat ng video.' "Tara na nga" kapit ko sa braso ni Aiyda. May dinaanan muna kami sa locker namin dahil nag-aalis na kami ng mga gamit dahil malapit na kaming umalis ng school. Papunta na kaming park ng makasabay namin si Twilight. Lalapit ko sana siya pero pinigilan ako ni Aiyda. "Diba nga bawal pa tayong lumapit sa kanya? Sinabihan na tayo nila Lora at Zhynly" paalala niya sa akin. "Kaya punta na lang tayo sa resto nyo" "Sige na nga.. Mukhang gutom ka na rin talaga, at parang gusto kong kumain ng leche flan." "Ako rin!.. Pero wag muna dessert. Mag-oorder ako ng pasta carbonara.." "Ginugutom lalo natin ang sarili natin. Itext mo si Lora. Tara na nga!." lakad namin papunta sa may sasakyan ko. Takot kasi si Aiyda mag-drive kaya nagpapa-drive lang siya. * * * * * *
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD