Chapter Five:
Twilight Sky's POV
Nakaupo na kami sa isang restaurant at nakapag-order na sila Jacob kaya hinihintay na lang namin. Napapansin ko na kanina pa ako tinitignan ni Ate Ai at kapag nahuhuli ko sya nginingitian niya lang ako. Ate Ai na lang daw ang itawag ko sa kanya, pakiramdam ko rin na matagal na kaming magkakilala dahil magaang ang loob ko sa kanya.
"Kilala na ba kita dati?" napatingin silang lahat sa akin at napatingin kay Ate Ai.
"Yes" tango niya.
"Anong tunay mong pangalan?"
"Amber Ice Hollis" sagot niya at tumingin kanila Jacob.
"Paano tayo nagkakilala?" napatingin siya kanila Zhynly at tiniklop niya ang kanyang bibig at ngumiti. 'Ayaw niya bang sagutin?'
"Dahil kay Zhynly" tingin niya sa akin mga mata ko. Tumango ako "Sorry" sabi ko.
"Para saan?"
"Kasi hindi kita maalala"
"Don't say sorry. Hindi mo naman kasalanan na hindi mo ako maalala. Ang importante maayos na ang kalagayan mo ngayon" ngiti niya. Ngumiti rin ako sa kanya, dahil tama naman siya. Sisiguraduhin ko na maaalala ko ang alaala namin dalawa kung sino man siya.
~~~
Pagkatapos naming kumain, naglibot-libot muna kami sa loob ng mall. Nasa isang shop kami at nagtitingin-tingin sila Zhynly ng mga damit. Napatingin ako sa labas at nakita kong may ilan nakatingin sa shop at kung minsan napapatingin rin sa akin. 'Ano kaya ang mga hindi ko naalala? May iba pa bang taong nakakakilala sa akin, na hindi ko na kilala ngayon? Tulad nalang ni Ate Ai'.
"Twilight!" napatingin ako sa lalaking kumayaw. Si Lourd. Siya 'yung dumalaw sa akin sa hospital.
"Lourd" tingin ko sa kanya.
"Sinong kasama— Miss Amber, nandito ka pala" tingin ni Lourd sa likod ko.
"Kilala mo siya, Twilight?" napalingon ako sa kanya dahil parang nag-iba ang tono ng boses ni Ate Ai.
"Oo. Si Lourd, bakit magkakilala rin ba kayo?"
"Paano mo siya nakilala?"
"Noong dumalaw siya sa hospital, doon ko siya nakilala. Pero mukha matagal na rin kaming magkakilala, tulad mo"
"Ganun ba?" tumingin siya kay Lourd at ngumiti sa akin. 'Kakaiba siya. Ano kayang meron?. Magkaaway ba sila?'
"Talaga! Matagal na tayong magkakilala no?" sabi naman ni Lourd.
"Pre, nandito ka pala. Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Jacob na may pinuntahan sa labas.
"May binili lang ako. Pwede bang sumama sa inyo?" tingin niya sa akin at ngumiti.
"Sige" sagot ko. Tumingin siya sa akin at ngumiti, napansin ko nga rin na namula siya. "May sakit ka ba?"
"Ha?. Wala naman"
"Kinikilig lang yan, Bella" sabi ni Jacob.
Natawa ako nang mahina. "Bakit ka naman kinikilig? May nakita ka bang artista o crush mo?" napatingin ako sa likod dahil baka meron nag-mall show sa kinaroroonan namin.
"Mas kinikilig ako kapag nakikita ka" sabi ni Lourd.
"Ang corny, pre!." sabi ni Jacob. "Wag mong intindihin ang mga sinasabi niya ni Lourd." iling-iling pa ni Jacob.
"Wag mong gagamitin 'yun sa girlfriend mo" sabi ni Lourd.
"Hindi ko talaga gagamitin, ang corny"
"Ako na lang ang magtutulak kay Twilight, tutal pinayagan naman niya akong sumama sa inyo." sabi niya.
"Bahala ka" sabi ni Jacob at pumunta sa likod ko.
"Nandito ka pala, Lourd. Sinusundan mo yata kami eh!. Ay! si Cous lang pala". Umiling naman si Lourd at ngumiti.
"Let's go home na. Mukhang pagod na si Cous" sabi ni Zhynly makalipas ang ilang minuto.
"Uuwi na kayo? Pwedeng sumama muna ako?"
"Oo naman" tingin ko sa kanya. "May mga itatanong rin kasi ako sa'yo"
"Kung single ako? Oo. Kung pwede kitang maging girlfriend?. Oo naman. Gusto mo ba?"
Napanganga ako sa sinabi niya. "Hindi kita type" diretsong sabi ko sa kanya.
Tumingin lahat ng mga kasama ko sa akin at kay Lourd kasabay ng paghagalpak nila sa pagtawa. "Ang sakit, Twilight" hawak ni Lourd sa dibdib nya.
"Biro lang naman 'yun" ngumiti na lang ako, kahit totoo ang sinabi ko.
"Alam ko naman yun"
"Sus!. Tara na nga. Mahirap umasa, Lourd" tapik ni Jacob sa balikat ni Lourd.
"Guys, hindi na ako makakasama sa bahay nila Twilight. May kailangan pa akong gawin" sabi ni Ate Ai at tumingin kay Lourd.
"Ganun ba, Ate Ai?. Kita na lang tayo next time" sabi ni Zhynly.
"Ingat ka, Ate Ai. Salamat sa cupcakes na binigay mo, sana turuan mo rin ako kung paano magbake" sabi ko sa kanya.
"You're welcome, Dear. And sure, tuturuan kita magbake, kapag naging maayos na ang kalagayan mo." ngiti niya sa akin.
"Sige!. Promise yan ha?"
"Yup. I need to go." nagbeso na siya sa mga kasama ko pwera kay Lourd. " Bye. Be safe, Twilight" beso niya sa akin at mahigpit pa akong niyakap. Tumango naman at ako habang nakatingin sa kanya na papaalis. Bigla ko tuloy naalala 'yung lalaki kanina na may hawak na baril na natutok sa amin. Napalingon ako kasi parang may nakatingin sa akin at nakita ko nga 'yung lalaki na iniwas niya rin yung hawak niyang baril. Baka may nakita siyang ibon na malapit sa akin.
"Pero ang sama niya kung ginawa niya yun sa ibon" I pouted.
"Cous, anong pinagsasabi mo dyan?"
Tinakpan ko ang bibig ko. "Ha? Kumakanta lang ako no? 'Ibon mang malayang lumipat'" tinaasan ako ng kilay ni Zhynly.
"Kumakanta?. Tss!. Ayaw pang sabihin"
"Nasaan sila Athan at Kelly?" pagbabago ko sa usapan.
"Nasa van na daw sila."
"Kasama nyo sila?"
"Kilala mo rin sila Athan at Kelly?" lingon ko kay Lourd na napatingin kanila Jacob at Zhynly.
"Oo, kilala ko sila"
"Talaga?. Hindi ko akalain na marami ka palang kaibigan, Zhynly? At magkakakilala pa sila."
"Nagkakilala kasi kami, Cous dahil sa isang tao" paliwanag niya.
"Ang friendly naman ng taong 'yun. Sana ganun din ako, pero masaya na naman ako kanila Jacob at Homer."
"How about me? how about me?" tanong ni Zhynly habang tinuturo ang sarili nya.
"Syempre, kasama kana dun... pinsan kita eh!"
"How about me?" tanong ni Lourd. Napatingin naman ako sa kanya.
"Tara na" aya ni Zhynly at naglakad sila. Tinulak naman ako ni Lourd palabas ng boutique.
"Kasama kana rin, syempre. Sabi mo naman kaibigan kita eh!" lingon ko sa kanya at nakita kong ngumiti siya kaya ngumiti rin ako sa kanya. Mukha naman mabait si Lourd at nakakabiruan nga siya ni Jacob. Kaya siguro panatag din ako na maging kaibigan siya.
* * * * * *
Amber Ice's POV
Nang makauwi na ako, nakita ko ang sasakyan ni Cloude na ginamit niya kanina kaya dali-dali akong bumaba ng sasakyan ko, para pumasok ng bahay. Nang makapasok ako nakita ko siya sa living room na nakaupo at napatingin sa akin.
Lumapit ako sa harapan niya at hinagis ko sa kanya ang bag ko. "What the—" hindi na niya tinapos ang sasabihin niya dahil sinampal ko na siya. Hindi na ako nakapagpigil sa nararamdaman ko kanina pa. Nakita ko ang panlalaki ng mata niya habang nakatingin sa akin.
"Bakit hindi ka umanggal? Bakit hindi ka nagalit sa ginawa ko?" tingin ko sa mukha niya pero nakaiwas lang ang mata niya sa akin. "So? Totoo?"
Tumingin siya sa akin, tumayo sa kinauupuan niya at naglakad palayo. "Saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos mag-usap! Wag kang bastos!" huminto siya sa paglalakad. "Bakit mo nagawa 'yun sa kanya, Cloude?. Ilang beses kitang sinabihan na alamin mo muna ang lahat ng nawala sa alaala mo bago ka kumilos, dahil kilala kita. Ayokong magkamali ka... Pero bakit gusto mong ipapatay si Twilight?!" pumiyok ako at hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko dahil sa nararamdaman.
"Ai, hindi ako ang nag-utos sa kanya!" tingin ni Cloude sa mata ko. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya, pero bakit hindi siya nagalit sa pagsampal ko sa kanya. "Hindi ako ang nag-utos para patayin si Twilight Sky sa park"
"H–Hindi rin naman ikaw ang nag-utos na patayin siya sa hospital nila, 'di ba?" tingin ko sa mga mata niya pero umiwas siya ng tingin sa akin. "Cloude, hindi naman ikaw 'yun 'di ba?. Please, tell me, na hindi mo inutos 'yun?" tingin ko kay Cloude at tumingin siya sa akin.
"Sorry" kita ko ang lungkot sa mga mata niya habang nakatingin sa akin. Mabilis akong kumilos at sinipa siya.
Natumba siya pagkaharap ko sa kanya at nakatingin pa rin siya sa akin habang hawag niya ang kaliwang braso niya. "Ang sama mo!. Bakit mo nagawa sa kanya yun, Cloude?!" napahawak ako sa noo ko.
"Bakit ba alalang-alala ka sa kanya? Anak siya ng ibang grupo! Yes, she's your friend, but you know what is more important in our world. Our family member, Ai! Not your friend!"
"You mean, kahit mga kaibigan mo kaya mong patayin? Para lang sa orgnisasyon? " tingin ko sa kanya. "Kaya mo?!"
"Y—Yes!"
"No, you won't do that. Hindi mo kaya, Cloude. Hindi ka ganun, at alam kong hindi ka magiging ganun" sabi ko.
"Sana nga, hindi umabot sa ganun"
"Cloude, please! I'm begging you, know everything... bago ka gumawa ng desisyon at aksyon na pwede mong pagsisihan sa huli... Please, tigilan mo na rin si Twilight... At wag kanang gumawa na desisyon na makakasakit sa kanya, dahil sigurado ako pagsisihan mo ang lahat kapag may nangyari sa kanyang masama"
"Gano ba siya ka-importante sa'yo? parang siya pa ang kapatid mo kaysa sa akin. Masyado mo syang pino-protektahan"
"Because of you! 'cause she's important to you! that's why I protect her from you. Ayokong masaktan mo siya, dahil ayokong masaktan ka at pagsisihan mo ang pwede mong magawa sa kanya"
"I don't care about her, Ai. Wag mo na siyang protektahan dahil mas lalo akong naiinis! Mas lalo akong nakakaroon ng dahilan para mawala siya sa buhay ko!" hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya. Hindi ko mapigilan na hindi maiyak sa sinabi niya, nasasaktan ako para kay Twilight. Nasasaktan ako para sa kanya dahil nagagawa niyang sabihin 'yun sa taong mahal niya o minahal niya. "I hate you!" talikod ko sa kanya.
"Ai" mahinang tawag niya sa akin kaya lumingon ako sa kanya. "I'm warning you, don't protect her. Mas lalo mo lang akong binibigyan ng dahilan para patayin siya" tinignan ko siya ng masama. "Siguro nga tama si Sky, napapaikot ka ng magpinsan na 'yun"
Pinunasan ko ang luha ko. "Wag mo ang pinagmumukhang tanga, Cloude!. Alam ko ang pinagsasabi ko!. Ikaw kilala mo ba kung sino talaga ang pino-protektahan mo? Alam na alam mo ba ang sinasabi mo ngayon?!. I'm warning you too! FYI, alam ko rin kung paano pumatay... Alam ko rin kung paano patayin si Althea Skyler. Baka nga matuwa ka pa kapag nawala siya sa buhay mo"
"Don't do that" mahigpit na hawak niya sa magkabilang braso ko.
"Nasasaktan mo na ako!" tulak ko sa kanya. "Magiging ganyan pa sa ang galit mo sa akin kapag nalaman kung sino talaga siya?!"
"I'm sor–" tingin niya sa braso ko na namumula dahil sa mahigpit na hawak niya sa akin. Nakita ko ang pagsisisi sa mukha niya, pero hindi ako makakapayag na hindi gumanti sa ginawa niya sa akin.
"Sumunod ka sa akin" mahinang sabi ko at alam kong narinig niya ako. Lumabas ako at sumakay sa sasakyan ko.
Nakarating kami sa warehouse at nakita kong lumabas si Cloude sa sasakyan niya. "Ai!" hindi ko siya pinansin at naglakad lang ako papasok sa warehouse. Nakita ko ang gulat sa mga mata ng mga tao na nandoon.
"Ate—Miss Ai, anong ginagawa mo dito?" tanong ni Mike o ni Jordan . Nakita ko rin sila Travis, Grayson at Rexie na nakaupo sa couch habang nakatingin sa akin.
"Ihanda nyo ang boxing ring" lumingon ako sa likod ko. "May kailangan lang akong turuan ng leksyon" napatayo si Rexie ng makita nila si Cloude. "Dalian nyo!" sigaw ko. Naglakad na ako papunta sa may comfort room para makapag-bihis.
Pagkalabas ko nakita ko si Cloude na nakatayo sa may gilid. Huminto ako at tinignan siya. "Come here!. You want to hurt me, right?. Dito tayo, kahit masaktan mo ako o mamatay ako sa kamay mo. Don't worry hindi ako magagalit sa'yo. Sumunod ka!"
"Amber Ice... I did not mean to hurt—"
"Susunod ka ba o kakaladkarin pa kita?" lingon ko at nakita ko na napailing lang siya.
"Miss Ai, sigurado ba kayo sa gagawin nyo?" tanong ni Mike habang nakasunod sa akin.
"Umakyat ka dito, Cloude!" sigaw ko nang makaakyat ako sa ring. Tumahimik ang kapaligiran at alam kong ramdam nila ang tensyon sa paligid. "Kapag hindi ka lumaban, ako ang papatay sa'yo. Kahit kapatid pa kita!"
* * * * * *
Mike Winz/Jordan's POV
"Umakyat ka dito, Cloude!" sigaw ni Miss Ai nang makaakyat na siya sa ring. Tumahimik ang paligid at ramdam namin ang tensyon sa magkapatid. "Kapag hindi ka lumaban, ako ang papatay sa'yo. Kahit kapatid pa kita!" napatingin kaming lahat kay Cloude na naglakad naman papunta sa ring.
"Hoy! Hindi nyo ba sila aawatin?" tingin ko kanila Travis.
"Edi ikaw ang umawat. Tignan mo mukha ni Miss Amber, mukhang naghahanap talaga ng ponching bag. Kung gusto mo, ikaw ang umawat, gago ka!" sabi ni Travis. Mukhang galit na galit si Miss Ai. 'Ano ba kasing ginawa ni Cloude?'. Napatingin ako kay Grayson na nakatingin lang din sa dalawa, pati na rin si Travis. 'Manonood lang talaga sila? hindi man lang ba nila aawatin ang dalawa?'.
Napalingon ako sa may ring nang makita kong tinulak ni Miss Ai si Cloude. "Ano na Cloude?! Gusto mo akong saktan diba? Go! Let's fight, para naman makaganti ako sa ginawa mo sa akin kanina!"
Nagkatingin kaming tatlo dahil sa sinabi ni Ate Ai, habang si Grayson nakatingin lang sa dalawa pero ang isang kamay biglang tumiklop. 'Wag niyang sabihin? Hindi pa rin siya nakakamove on kay Ate Ai?.' "Grayson—"
Napatingin ako sa may ring at nakita kong nakatumba na si Cloude at nanlilisik pa rin ang mata ni Miss Ai sa galit. 'Ano bang ginawa ni Cloulde?'.
"Papatayin ko si Althea Skyler kapag hindi ka lumaban!" 'Wag niyang sabihin magbubugbugan sila ni Cloude? Baka mas lalong walang maalala si Boy Amnesia dahil sa gagawin nila'.
"Ate Ai—"
"Wag mo kong tawagin Ate! Hindi mo ako nagawang respetuhin dahil sa babaeng 'yun? Sinaktan mo ako dahil sa babaeng 'yun?!" sigaw ni Miss Ai at ramdam na ramdam ko ang sakit sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya. Napatingin ako kay Grayson at masama na ang tingin niya kay Cloude. 'Oh! Boy!'. "Ipakita mo sa kanila na kaya mong saktan ang ate mo dahil sa babaeng 'yun!. Diba ganun ang ginawa mo sa akin? Labanan mo ako ngayon, kung hindi papatayin ko si Althea Skyler ngayong araw at ako mismo ang gagawa!"
"I did not mean to hurt you"
"But you did!. Hindi mo ba ako lalabanan? Hahayaan mo nalang na patayin ko siya?"
"If you do that I will kill your friend" umamba ng suntok si Miss Ai at agad naman itong nailagan ni Cloude. Alam kong may ingat ang bawat galaw ni Cloude at kabaliktaran naman ito ni Miss Ai sa kanya. Naglayo silang dalawa habang tinatantiya ang bawat galaw ng bawat isa.
"Kapag ginawa mo 'yun sa kanya, pagsisihan mo 'yun! At ang mga sinabi mo ngayon tungkol sa kanya, pagsisisihan mo lahat 'yun!" sabi ni Miss Ai. 'Sinong kaibigan ba ang tinutukoy ni Miss Ai kay Cloude?'
Mabilis na nasipa ni Miss Ai si Cloude at natumba naman ito. "Wala ka bang naalala na ganitong pangyayari, Cloude?. Nangyari na 'to dahil sa mga ginawa mo noon hindi mo pinag-iisipan!" nakatingin lang si Cloude sa kanya.
Nakita ko ang pag-ikot ng mata ni Cloude sa paligid. 'May naalala na kaya siya?' Napahawak si Cloude sa ulo niya. "Damn! My head" nakita namin ang pagtulo ng luha sa mga mata niya.
Lumapit sa kanya si Miss Ai at nag-cross legs sa tabi ni Cloude. Nang kumalma si Cloude naupo siya at tinignan ni Miss Ai. "Tama na, Ai... Wag mo nang ipagpilitan sa akin na alalahanin ang nawala sa alaala ko. Masaya ako ngayon, kaya sana maging masaya ka sa desisyon ko" tumayo si Cloude at nalakad pababa ng ring. Naiwan si Miss Ai habang nakasunod ang tingin nito kay Cloude na dire-diretsong umalis.
Napatingin ako kay Miss Ai na inalalayan ni Grayson na bumaba ito sa ring. "Miss Ai, ano bang nangyari?" tanong ko.
"Sa ibang araw ko na ipapaliwanag sa inyo, kailangan ko nang umalis. Sundan nyo siya" utos niya. Naglakad na rin siya palabas dala ang gamit niya.
"Ano kayang nangyari sa magkapatid na yun? Sakto pang wala sila Boss" napatingin ako kay Rexie. "tyaka sino bang kaibigan ang sinasabi ni Cloude?"
"Malamang si Miss Twilight" sagot ni Travis.
"Bakit mo naman nasabi?"
"Tss!. Sino ba ang pinagpipilitan natin na maalala niya? At sino bang ang kaibigan ni Miss Amber?" tingin sa amin ni Travis.
"Si Miss Twilight nga yata?"
"Nagyata ka pa talaga?" kamot ko habang nakatingin kay Rexie.
"Eh? Hindi pa naman tayo sure kung siya talaga?" sabi niya pa.
Napailing na lang ako. Wala akong gana ngayon na kausapin ang tanga. Napatingin ako kay Grayson na kanina pa tahimik. "Pre, anong iniisip mo dyan?" Umiling siya at naglakad paalis. 'Nak nang! Siraulo 'yun ha?'
"Jordan, saan ka pupunta?" tanong ni Rexie. Hindi ko siya pinansin, makabawi man lang ginawa sa akin ni Grayson. Haha!.
* * * * * *
Lourd Zhon's POV
Nakaupo kami ni Twilight sa sala habang kasama namin sila Jacob at Zhynly na nag-uusap at sina Athan at Kelly ay nasa kusina.
"Cous, punta lang ako sa room ko. Ikaw, tulungan mo doon sila Kelly." sabi ni Zhynly kay Jacob.
"Maiwan ko muna kayo" Tumayo naman si Jacob at naglakad papunta sa kusina.
"Lourd.." napatingin ako kay Twilight na nakatingin sa kung saan.
"Bakit?"
"P–Paano pala tayo nagkakilala?"
"Dahil sa kapatid ko"
"Sinong kapatid?"
"Si Lora, isa sa mga gossip girls. Sabi niya sa akin, ikaw daw ang nagtawag sa kanila ng ganun sa grupo nila"
Tumango ako dahil naalala ko ang araw na 'yun. "Oo yata. Sino naman ang kapatid mo sa kanila?" tumingin siya sa akin. "Yung leader ba? magkamukha kasi kayo"
Ngumiti ako at tumango. "Siya nga"
"Eh? Paano mo naman nakilala si Ate Ai?" natigilan ako. 'Dahil siya ang kapatid ni Cloude'.
"Girlfriend kasi siya ng kuya ko. Tinatanong nga ni kuya kung okey kana ba?" napaiwas ako ng tingin ng makita ko ang pagkunot ng noo niya.
"Kilala rin ako ng kuya mo?" nanlaki ang mata niya tanong niya sa akin.
"O-Oo naman, pinakilala ka ni Ai sa kanya" sagot ko.
Tumango-tango siya at parang pinoproseso ang mga sinabi ko. "Hindi ko matandaan ang mukha niya" mahina niyang pinalo ang ulo niya.
"Wag mong gawin yan. Mas gwapo ako doon, wag mo nang isipin ang itsura ni Kuya." biro ko at napangiti naman siya.
"Bakit pa kasi ako nagka-amnesia? nahihirapan tuloy ako ngayon. Hehe! Nakakahiya sa mga taong hindi ko maalala"
'Mas okey na yun, kaysa naman makita mo silang magkasama at hindi ka niya maalala. Masasaktan ka lang'
"Ha?. Anong sabi mo? Bakit naman ako masasaktan?" hindi ko alam na nasabi ko pala ang nasa isip ko.
'Narinig niya pala.' "Kumakanta lang ako. Hehe!" ngiti ko.
"Akala ko naman para sa'kin 'yung sinasabi yun. Kilala mo si Homer?"
"Oo naman"
"Paano kayo nagkakilala?"
"Dahil sa'yo,at kanila Jordan." napakunot ang noo niya.
"Sino si Jordan?" 'Ano ba 'tong bibig ko! para mas lalo ko lang pinapalala ang sitwasyon'.
"Ha? Sinong Jordan? May sinabi ba akong ganun?" tumingin ako sa relo ko. 'Kailangan ko nang makaalis, baka kung ano pa ako ang masabi ko sa kanya. Mayayari ako nito kay Zhynly' "Kailangan ko na palang umalis" tatayo na sana ako nang hilahin ako Twilight pabalik.
"Hindi pwede, may gusto pa akong itanong sa'yo" hawak niya sa kamay ko.
"Twilight, kasi ano... kailangan ko na talagang umalis, next time nalang tayo mag-usap ulit" ngiti ko sa kanya. Inalis naman niya ang pagkakahawak sa kamay ko dahil paparating na si Jacob.
"Sorry!. Masyado lang siguro akong maraming tanong at salamat sa mga sagot mo kahit nalalabuan pa ako" tingin niya sa akin.
Ngumiti ako. "Wala yun. Pero mas maganda kung ikaw ang makakaalam ng dati mong alaala, Twilight. Pwede kasing magsinungaling ang mga tao na nasa paligid mo"
Nakatingin siya sa akin. "Nagsinungaling ka ba sa akin?" tanong niya.
"Aalis na ako" tayo ko. "Jacob, pakisabi na lang kay Zhynly na aalis na ako"
"Dapat dito kana kumain" sabi ni Jacob. "Nagluto pa naman sila Athan"
Tumingin ako kay Twilight. "Next time na lang. Wala kasing kasama si Lora, nakauwi na siguro yun ngayon" tingin ko sa relo ko. "Alis na ako" ngiti ko at naglakad.
"Ingat na lang, Pre" sabi ni Jacob.
Tinaas ko ang kamay ko. "Salamat" sagot ko at naglakad na ako palabas ng bahay nila.
~~~
Papasok na ako nang bahay at alam kong nasa loob na si Lora. "Saan ka galing? Akala ko nandito kana, nauna pa ako sa'yo?"
"Sumama ako sa bahay nila Twilight, nakita ko kasi sila sa mall. Ito sa'yo na lang" hagis ko sa isang paper bag.
Kinuha naman niya at tinignan ang laman. "Thanks. Anong naisipan mong, bakit mo ako binilhan? at bakit sumama ka sa bahay nila Twilight?"
"Lora Zonia, pwede bang wag kang parang nanay ko?. Okey?" tingin ko sa kanya.
"Nagtatanong lang naman ako. Nainis ka agad? Kumusta naman si Twilight? Akala ko ba bawal siyang dalawin ngayon?" naglakad ako palapit sa kanya at tumabi sa pagkakaupo sa kanya.
"Ayos naman siya. Cute pa rin" ngiti ko habang nakatingin sa chandelier. "Bawal siyang dalawin dahil marami siyang tanong" tingin ko kay Lora. "Na-hot seat nga ako sa kanya!. Buti nalang hot ako" pinalo niya ako sa braso.
"Ang feeler mo no?. Baka naman ma-attached kana naman kay Twilight?. Tandaan mo Lourd Zhon, may gusto siyang iba. At, iwasan mo muna siya dahil marami pala siyang tanong sa'yo, alam kong marupok ka pagdating kay Twilight" paalala sa akin ni Lora.
"Pwede pa naman sigurong magbago ang nararamdaman niya para kay Cloude, tyaka nasaan na ba si Cloude ngayon? wala naman sa tabi nya"
"Hays!. Ang kulit mo talaga. Doon kana lang kasi sa dalawa kong kaibigan. Kay Faiy or kay Aiyda. Wala pa 'yung boyfriend or sa iba... wag ka kay Twilight."
Pinitik ko siya sa ilong niya ng mahina. "Hays! Nagpapaka-Ate ka na naman, baka kapag naranasan mo 'tong nararamdaman ko, mas malala ka pa sa akin"
"Aray ha?. Hindi ako magiging tanga no? Hindi ako tutulad sa'yo, marupok na lalaki" tingin niya sa akin mula ulo hanggang paa.
"Mangyayari rin 'to sa'yo" sabi ko na parang ginagamitan siya ng magic. Nakakatuwa talaga ang mukha ng kambal ko. Nanlalaki kasi ang mga habang nakatingin sa akin, halatang natatakot sa pinagsasabi ko.
"Parang kang tanga!. Tigilan mo na nga yan!" inis na layo niya sa kamay ko.
"Yun! Eepekto na yan sa'yo. Ilang araw na lang at mangyayari yan sa'yo" seryosong sabi ko.
"Ewan ko sa'yo!." hagis niya sa akin ng unan at tumayo.
"Kanino ka ba nagmana, ang agad ng ulo mo?, kami naman ni Kuya hindi ganyan." lumingon siya sa akin at tumingin ng masama. Tinawanan ko lang siya at naglakad na siya papunta sa may hagdan.
* * * * * *
Twilight Sky's POV
"Kung patayin na lang kaya kita ng tuluyan? Mas maganda yun, kaysa naman na pahirapan ka pa nila" sabi niya.
"Anong ibig mong sabihin? Sinong sila?"
"Nakalimutan kong nagka-amnesia ka nga pala. Maswerte ka ba o malas?" tanong niya habang papalapit sa akin. Lumayo naman ako sa kanya hanggang nakababa na ako ng kama ko. Tinutok niya sa ulo ko ang baril habang nakangiti sa akin.
Nakita ko na ipapasok niya ang hintuturo niya sa gatilyo ng baril. Mabilis gumalaw ang katawan ko hanggang sa makuha ko ang baril niya. Tinutok ko sa dibdib niya at agad na kinalabit ang gatilyo. Nanginginig ang kamay ko at agad na binitawan ang baril. Nakita kong nakahiga na ang babae sa harapan ko habang may sinasabi siya pero hindi ko maintindihan.
"Cous?" nakita ko si Zhynly na nakatingin sa akin at napatingin sa babaeng nasa harapan ko.
"Cous! Gising!" rinig ko sa boses ni Zhynly kaya napadilat ako. "Cous!" nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya. "Pawis na pawis ka, sandali kukuwa lang ako ng towel" tayo niya sa pagkakaupo sa kama ko. Napaupo naman ako sa kama habang nakahawak sa ulo ko.
Umupo sa tabi ko si Zhynly habang hawak niya ang towel at isang baso ng tubig. "Uminom ka muna" bigay niya sa akin ng baso. Pinunasan niya ang noo ko. "Ano bang nangyari sa'yo? pagkapasok ko dito sa room mo para tignan kung tulog kana. Narinig kong umuungol ka" tingin niya sa akin.
Napatingin ako kay Zhynly na sobrang nag-aalala ang mukha niya. "Napanaginipan ko ang nangyari noong nasa hospital ako. Pakiramdam ko, totoong nangyari yun" nakita ko ang pankalaki nang mata niya. "Pero sabi mo sa akin noon, na panaginip lang 'yun... diba?" tingin ko sa may bintana.
"Kalimutan mo na lang yun, Cous. Panaginip lang yun." Pino-proseso ko ang mga sinasabi niya.
Tumingin ako kay Zhynly at ngumiti. "Tama ka nga."
"Gusto mo bang tabihan kita? Baka kasi maulit na naman"
"Sige" sabi ko at umusog ako sa pagkakaupo ko. Nahiga na ako at tumabi naman sa akin si Zhynly.
"Namiss ko 'to, Cous." napangiti ako sa kanya. "Kasi kapag umaalis sila Tita Ninang noon, sa bahay ka namin natutulog"
"Tapos doon ako matutulog sa kwarto mo, magkatabi tayo" ngiti ko at tumingin sa kisame. Nanlaki ang mata ko at tumingin ako sa kanya, nakikita ko ang mukha niya sa pamamagitan ng dim light sa kwarto ko. "Naalala ko naman yun, ano ba talaga ang mga hindi ko pa naalala?"
"Hay! Nahihirapan ako, Cous." nakatingin siya rin sa akin. "Gusto kong sabihin sa'yo lahat, pero ayokong maguluhan ka. Handa kong sabihin sa'yo lahat, pero ayokong biglain ka sa ngayon" nakatingin lang siya sa akin. "Kasi kung sasabihin ko sa'yo ang lahat, alam kong pwede kang magalit at masaktan. At, mas lalo ka lang maguguluhan"
"Zhynly..."
"Please, trust me, Cous... Hindi ko pa kayang sabihin sa'yo ngayon, pero pagkatiwalaan mo ako." hawak niya sa kamay ko.
"Sige, pagkakatiwalaan kita" sagot ko na lang.
* * * * * *
#5
#TMA2BA
#ElainahM.E