Chapter Twenty-Two: Twilight Sky's POV Nakatingin lang ako kanila Lourd at Clyne na may hawak ng tag-isang box ng cupcakes. Nakangiti pa silang dalawa habang nakatingin sa akin at biglang nakatinginan. Binigyan ni Lourd ng masamang tingin si Clyne samantala si Clyne naman ay ngumiti lang. "Ano 'yan? puro cupcakes nalang ang kakainin ni Cous?" upo ni Zhynly sa upuan na nasa harapan ko at tumabi naman sa kanya si Jacob. "Tyaka ang dami kaya niyan?" "Dapat kasi hindi kana bumili!" sabay pa nila Lourd at Clyne. "Okey lang 'yan no? tutulungan ko naman si Twie na ubusin 'yan. Diba?" ngiti sa akin ni Jacob. "Hindi kay Twilight/Light lang 'to!" sabay naman ng dalawa. "Tss!. The two jerks!..." ngiwi ni Zhynly at tinaasan ng kilay ang dalawa. "Ibigay ninyo na nga yang mga cupcakes na binili

