“I AM sorry hindi ako nakadalaw kahapon.” bungad ni Kurt kinabukasan nang dumating ito. “No need to explain to me. Kay Brayden ka mag sabi dahil siya ang nagtatanong kahapon.” malamig kong sagot. “He’s upstairs, in our bedroom. Puntahan mo na lang siya doon.” Tumango si Kurt bitbit ang isang paper bag na marahil ay laruan na naman ito na pasalubong niya kay Brayden. He’s spoiling Brayden too much na bawat pagbisita nito, palagi itong may dalang kung ano-ano. “And Kurt?” Tawag ko dito nang paakyat na ito sa hagdan. “Brayden and I are leaving tomorrow.” Pagbibigay-alam ko. “That soon? I thought sa katapusan pa ng buwan ang balik niyo. Sasabay na sana ako.” “I have work at kailangan na ako doon. Don’t worry I’ll give you our address so you can visit Brayden any time you’d like.” Simpleng

