“LADIES and gentlemen, welcome to Philippines. Local time is 6:48 PM and the temperature is 25 degree celcius.” Sumikdo ang dibdib ko nang marinig ang announcement ng flight attendant sa kinasasakyan naming eroplano. Napasulyap ako sa labas ng aircraft at kalat na ang dilim. Tumingin ako sa tabi at nanatiling tulog pa rin ang anak na si Brayden. “Rian, ako na ang magkakarga kay Brayden. Hayaan mo na siyang matulog.” Wika ni Kuya, umayos ng upo at inaayos ang seatbelt nito para sa pag-landing ng eroplano. Tahimik akong tumango at muling simulyap sa porthole. Hindi ko mapigilan na hindi kabahan ngayong literal na nakabalik na ako ng Pilipinas. Akala ko handa na ang sarili oras na tumuntong ako sa bayang iniwan ngunit hindi maikakaila na kinakabahan ako. Wala akong kaide-ideya sa kahaharap

