NAGULAT ako sa sinabi ni Kurt. Seryoso ba siya sa gusto niya na ayusin ang relasyon namin? “Kurt, like what I have told you, may kaniya-kaniya na tayong buhay. Ikaw sa Pilipinas, ako dito sa Canada. Hindi ko naman ipagkakait sa’yo si Brayden kung iyan ang ikinatatakot mo.” Wika ko. Wala sa loob na napahilot ako sa sentido ko. This is what bothers me since the day we left Tagaytay. “Rian, like what I also told you.” pang-gagaya ni Kurt sa tono ko ngunit bakas ang kaseryosohan sa mukha nito. “I want to have you back dahil mahal pa rin kita hanggang ngayon. No one can stop me.” “Pero tinanong mo na ba kung mahal pa rin kita? It’s been three years. A lot has changed. I am not the same Marian you used to know.” “I’ll make you fall in love with me again.” Desididong sagot ni Kurt. “And yes,

