Maaga silang nagising ni Flame para dumeretso sa Ford General Hospital dahil may scheduled check-up siya ng morning. Mabuti na lang talaga ay hindi siya malala mag morning sickness, ang ayaw niya lang talaga ay ang pabango ng sasakyan kaya pinaalis niya kay Flame ang mga pampabango ng sasakyan. Dahil maaga pa naman ay wala namang traffic kaya mabilis silang nakarating sa hospital. Deretso na sila sa ob-gyn room at hinintay lang nila saglit ang doctor dahil may kinuha lang ito. Pagkabalik nito ay chineck-up na siya at in-ultrasound. Hawak-hawak niya ang kamay ni Flame dahil kinakabahan siya. "Hmm... tama nga ang hinala niyo, you have a twins," nakangiting sambit ng doctora at tinuro pa iyong nasa monitor. Napatakip siya sa bibig nang marinig ang heartbeat ng babies nila. "Healthy nama

