CHAPTER 8

1258 Words
Busy siya sa paggagawa ng exclusive drinks nang mag-ring ang cellphone niya. Actually, kanina pa iyon ring ng ring pero wala siyang oras para sagutin dahil naka-focus siya sa ginagawa niya. Marami ang customer niya ngayon at marami ring order ng exclusive drink niya. She has 50 orders of summer exclusive drink. Nagpakuha na nga siya ng extra cart para roon na ilatag kaagad ang mga nagawang drinks. Sa ngayon ay 30 pa lang ang nagagawa niya at nai-serve naman na. Pinagpapawisan na nga siya dahil aligaga siya sa ginagawang drinks. "Madam kanina pa po ring ng ring 'yan ah," ani ng isang bartender niya. "Hayaan mo na, busy ako!" tawa niya. Ina-assist naman siya ng mga ito sa mga ingridients pero siya kasi mismo ang nagtitimpla ng drinks dahil siya lang ang nakakaalam ng tamang way sa pagtitimpla kahit alam ng mga ito ang listahan ng ingridients. "Ito na 'yong sampu," sambit niya nang mailagay sa isang cart ang sampung drinks. Sakto rin kasi sabay-sabay ang orders ng exclusive drink kaya nahirapan din siya. Tumunog ulit ang cellphone niya pero hindi niya na pinansin iyon. Bahala na kung sino ang tumatawag, wala siyang time sagutin iyon. After 30 minutes ay natapos niya na lahat ng order. Doon lang siya nakapagpahinga dahil wala pang um-order ulit ng exclusive drinks. Punong-puno ang first floor ng HBC at iilan din ang occupied na rooms sa 2nd floor. "Summer!" Napabaling siya ng tingin sa tumawag sa kaniya at si Shawn iyon. Shawn is Flame's friend and one of the 'The Hunks'. "Oh, hi, Shawn!" bati niya rito at ngumiti. Pinunasan niya ang pawis sa noo at sa leeg. "Maraming orders ng exclusive drinks? Mukhang pagod ka ata ngayon," he chuckled and leaned on the bar counter. "Oo, 50 orders." "Woah, 11pm pa lang ha. Napansin ko rin ang dami sa baba, halos puno ang dance floor." Napalinga naman siya at tinitingnan kung may kasama ito. "Wala kang kasama?" tanong niya rito. "I have... nasa room na sila kanina pa. Late lang ako nakarating. Mga highschool friends ko kaya hindi ko matanggihan," sambit nito at ngumiti muli. Shawn looks like a gentle and a kind person kaysa kay Flame na fierce at intimidating. Naiwaksi niya ang nasa isip dahil talagang hinantulad niya pa ito sa binata. "I guess I can't order your exclusive drink tonight," he pouted. Napangiti naman siya rito dahil para itong nagpapa-cute. "Why? It's available!" "You're already tired to do it—" "Of course not! You're my guests so if you want it, I'll make it for you! May bayad naman eh," biro niya pa sa huli. Tumayo ito sa pagkakaupo at inilabas ang credit card. "Can you make 15 drinks? Pinagmamalaki ko kasi sa highschool classmates ko kaya nga kami nandito." "Of course! 50 nga nagawa ko, 15 pa kaya! Maliit na bagay," nagkibit-balikat siya. Her cashier staff get his credit card. "Thank you po sir!" "What room number? Ipapa-serve ko na lang doon," tanong niya para makapunta na ito roon. "Sa room 10 daw sila." She nodded and smiled. Nagpaalam na ito na pupunta na roon sa room 10 kaya nagpasalamat siya. Muli siyang kumilos at para gawin ang drinks. Mabilis niya lang nagawa iyon at pina-serve niya na rin kaagad. Dumeretso siya sa staff room at doon umupo sa sofa dahil sumakit na ang paa niya. Grabe ang nagawa niyang drinks ngayon, wala pang madaling araw pero ang dami na. Friday rin naman kasi kaya maraming gumigimik ngayon. Bigla niyang naalala ang cellphone niya kaya kinuha niya sa bulsa ng apron niya. Nakita niya puro missed calls ni Flame. Ang alam niya ay nasa date ito kasama si Cynthia. She read his message and she almost laugh out loud. 'Busy?' 'Damn... answer your goddamn phone, Summer.' 'I'm bored...' 'Date is not my thing, f**k!' 'Should I not marry your cousin?' 'f**k. Dating is no fun at all.' "Hindi ka masaya kasi hindi mo naman siya gusto! Tama 'yan, mag-isip ka na 'wag na ituloy para naman hindi na ako mahirapan sa'yo," sambit niya sa sarili. Pipindutin niya sana ang call nang biglang bumukas ang staff room. "Oh? okay ka lang?" natatawang tanong niya. It was Flame who opened the door. Mukha itong badtrip at na bored. "I called you—" "I know, kakabasa ko lang. Tatawagan na sana kita eh bigla ka naman dumating." Lumapit ito sa kaniya at tumabi sa sofa. "I'm tired... Dating is no fun. Your cousin love to shop luxury stuff... it was nonstop." Nanlaki ang mata niya. "Did you pay for it?" tanong niya kaagad. "Of course. That's my gift," he said while closing his eyes and leaned on her. Mukha talaga itong pagod na pagod. Naikuyom niya ang kamao niya. Nakita niya ng mag-shopping si Cynthia at ilang oras ito sa mall, halos mapuno ang kotse na sinasakyan dahil sa pamimili ng mga mamahaling bagay na hindi naman lahat nagagamit, o kaya naman isang beses lang magagamit tapos maii-stock na sa mansyon. Alam niya rin na milyon ang ginastos ngayon ng binata at kahit barya lang ito para rito ay umiinit pa rin ang ulo niya. "Kung ayaw mo, 'wag mo siyang pakasalan!" bulyaw niya rito. Napaupo ito ng maayos at napadilat sa sinabi niya. "Are you mad at me?" "Hindi sa'yo! Hindi ako galit— ah basta! Magrereklamo ka na hindi masaya makipag-date tapos itutuloy mo pa rin 'yang arrange marriage na 'yan? Anong kagaguhan 'yan?" Okay. She's mad as hell. Naiinis siya sa ina niyang abnormal at kay Flame na hindi man lang inisip na pineperahan siya ni Cynthia. "It's for the company, Summer." "The heck! For the company mo ulo mo!" Tumayo siya at kinuha ang gamit niya. Uuwi na siya, wala na siya sa mood. "It's a business marriage so it will be fine—" "No! Hindi magiging mabuti ang sarili mo at ang kompanya mo pag— argh!" Hindi niya tinuloy ang sasabihin at nag-walk out na lang. Lumabas siya ng staff room at bumaba para makalabas. "Why are you so damn mad today?" seryosong tanong nito habang sinusundan siya. Papunta na siya sa kotse niya nang hinatak siya ng binata. "You're coming with me." "Ano ba!" "f*****g calm down, Summer." Inirapan niya ito. Mukhang hindi niya ito makukuha dahil lagi niyang nasusungitan. Hindi niya rin kasi maiwasan dahil iyon ang nararamdaman niya. "Don't you like your cousin? that's why you reacting that way?" he asked. "Obvious bang gusto ko siya?" "You suddenly get mad, I'm just sharing what happened today—" "Don't share it with me because we're not that close! Wala rin akong balak alamin ang mga ginawa niyo sa dates niyo!" Hiyang-hiya na siya sa kaloob-loob-an niya dahil ang ina niya ay napaka walang kwenta. Doon siya nagagalit kaya siya nagkakaganito. "What's wrong with you? I might think that you're jealous, Summer," he said in low baritone voice. "Jealous? Why am I getting jealous? I don't even like you! Naaasar lang ako sa ginawa ng babaeng 'yon. Anong klaseng date ang puro shopping lang at alam kong siya lang ang nag-enjoy. She loves luxury things and she spend a lot of money on unnecessary things." Nakipagtitigan siya sa binata dahil hindi ito nagsalita. She thinks that Flame is reading what's on her mind. Inalis niya ang tingin nito at tiningnan ang relo niya. "I'm going home now, I'm tired—" Pinutol nito ang sasabihin niya at muling hinawakan ang kamay niya. Binuksan nito ang sasakyan at pinapasok siya. "Yeah, let's go home... Let's go to my house."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD