Pinahid niya ang luha gamit ang panyo nang tuluyan nang binaba ang kabaong ni Kanye. Masakit sa dibdib ang naririnig niyang hagulgol at mga singhot mula sa pamilya, kamag-anak, at kakilala nito. Niyakap siya ni Walter habang marahang hinahaplos ang likod niya. “Sshh, baka mapano ang baby natin…” malabot nitong bulong sa ulo niya. Hindi niya pa rin mapigil ang hikbi kasi hindi siya makapaniwala na totoong wala na si Kanye. Kahit naman may dumaan sa kanila na hindi maganda ay naging masaya pa rin siya kay Kanye. He was her happiness every time she looked out the window for too much sadness of being alone inside her house. Kahit sinusungitan lang siya nito noon ay sumaya pa rin ang bata niyang puso kapag nakikita niya ito. Hindi madaling tanggapin na ang taong naging bahagi ng kalahati n
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


