Maagang nagising kinabukasan si Ada dahil gusto niyang magsimba kasama si Aling Mercy at pupunta din sila ng mall pagkatapos. Anak ang aga mo ata nagising. Nay aayain sana muna kita magsimba pagkatapos pupunta na po tayo sa mall. Mabuti pa nga anak. Maganda yang naisip mo. Kain ka na muna. Nagluto ako ng sinangag at tuyo. May itlog din at hotdog. Wow naman Nay. Talagang lulubo nga ako nito. Huwag mo na muna iisipin ang paglobo mo anak. Kailangan mo lang kumain ng madami para sa pinagbubuntis mo. Oo nga Nay kaya nga po kakain na ako. Pagsasakay na lang niya sa ina-inahan. Tumunog ang telepono ni Ada kaya sinagot niya ito ng makitang si Zane ang tumatawag. Good morning Zane napatawag ka? Tanong ng dalaga dito. Lumuwas kasi ako baka wala ka namang ginagawa kaya nagbakasakali ako na m

