KABANATA 33

1101 Words
Nakapagluto na si Ada kaya aakyat na siya sa kwarto para sana magbihis ng dumating si Apollo. Love I'm home. Saad ni Apollo na kinatigil ng paghakbang ni Ada. Love maaga ka pala dadating akala ko mamaya pa. Sambit naman ni Ada ng bigla siyang halikan sa labi ni Apollo at yakapin. Love amoy kusina ako. Nagluto kasi ako. Pigil sana nito sa pagyakap ni Apollo pero hindi na niya naiwasan ang pagpulupot ng kamay nito sa bewang niya. Malagkit din ang pagkakatingin nito sa kanya. Ang sexy naman ng asawa ko. Bulong ni Apollo sa kanya. Ikaw talaga love. Maliligo muna ako para makapaghain na. Iwas nito sa lalaki. Samahan na lang kita. Ako magkukuskos. Saad nito sa kanya. Magtatagal pa tayo eh gutom na ang mga bata. Tampal niya sa kamay nito na lalo pang humigpit ang pagkakakapit sa bewang niya. Love naman eh. Lalo akong nanggigigil sayo eh. Sambit ni Apollo kay Ada na hinahalik-halikan na ang kanyang leeg. Ang bango mo pa rin kahit hindi ka pa naliligo. Nakangiting sambit nito sa kanya ng bitawan siya. Sige love maligo ka na habang kaya ko pa. Kindat pa nito sa kanya kaya mabilis na siyang umakyat. Ang hindi alam ni Ada. Sinundan pala siya ni Apollo sa kwarto para makapagpalit muna ito. Hindi naman niya nadala ang susuutin kaya lumabas siyang nakatapis lang ng tuwalya. Love bakit ka andito? Takang tanong niya. Ano namang klaseng tanong yan love eh kwarto natin to. Unless ayaw mo akong makasama. Nagtatampong saad ni Apollo kaya lumapit na si Ada dito para amuin. Love naman, nagulat lang naman ako. Sorry. Saad nito sa lalaki na hindi siya pinapansin at naghahanap ng maisusuot kaya niyakap niya ito mula likod kahit sobrang kaba na siya sa kung ano ang magiging kahihinatnan ng ginawa niya. True enough nakangiting mukha na ni Apollo ang sumalubong sa kanya pag-ikot nito. Gotcha. Saad nito at hinalikan na siya ng marubdob na kinagulat naman ni Ada pero hindi naman niya pinahalatang hindi talaga siya ganun eksperto sa paghalik. Sinundan na lang niya ang galaw ng labi ni Apollo. Love we have to stop baka hindi na tayo makalabas sa kwarto at hindi na makakain. Bulong ni Apollo sa kanya na nagpapula sa mukha. My blushing wife. Saad pa uli ni Apollo at kinintalan siya ng mabilis na halik bago ito lumabas. I'm gonna see the kids love. Bihis ka na at baka hindi na ako makapagpigil talaga. Sige na. Labas ka na. Nais palakapakan ni Ada ang sarili dahil nasabi niya ang katagang iyon without stammering. Ipinilig na lang niya ang ulo ag sinalat ang labing hinalikan ni Apollo. Ang sarap humalik ng asawa niya este asawa ng ate niya kaya dapat hindi siya kiligin. Saad na lang niya sa sarili bago maghanap ng bestida na susuutin. May nahanap naman siya na damit na hindi katulad kanina na lumuwa ang kanyang dibdib pero nakikita pa din ang magandang hubog ng kanyang katawan. Nagpulbo na lang si Ada at bumaba na. Natural na mapula ang labi niya kaya hindi na niya kailangan maglagay ng lipstick o kung ano man. Pareho naman sila ng ate niya na mapula ang labi. Bumaba na siya at dumeretso na sa kusina para tumulong maghain ng pagkain nila. Ma'am ang ganda mo talaga at ang sexy. Saad pa ni Idang sa kanya na naabutan niyang naghahain na. Ikaw talaga Idang napakabolera mo. Sagot naman niya dito. Totoo naman talaga ma'am. Maganda ka, gwapo si sir kaya bagay talaga kayo. Talaga bagay kami ng asawa ko. Saad ng baritonong boses ni Apollo na hindi namalayan ni Ada na nasa likod na pala niya. Love ang bango mo talaga. I love your smell more. Saad pa nito na sinisinghot-singhot siya kaya pinigilan niya ito dahil pasimpleng tumitingin si Idang sa kanila na nakangiti na parang kinikilig. Love naman eh. May tao kaya. Pinanlakihan na niya ng mata si Apollo kaya tumawa na ito. Nilalambing lang kita. Bulong pa uli nito at hinalikan siya sa noo. Saan na ang mga bata. Pag-iiba niya ng usapan nila. Pababa na ang mga yun. May pinapanood kasi kanina. Mommy. Tawag ni Sabrina sa kanya habang tumatakbo ito. Baby dahan-dahan. Saway niya dito. I'm hungry na mommy. Sambit pa nito ng makalapit sa kanila. I cook food baby. Sana magustuhan mo. Nakangiting sambit niya dito at pinugpog ito ng halik na kinahagikgik nito. Mom what did you cook? Seryosong saad naman ni Andrei pagbaba nito. Chicken nuggets and fried chicken. Meron ding buttered veggies. Sagot niya dito na bahagya namang ngumiti. Love what about for me. Tanong naman ni Apollo sa kanya. It's a surprise love. Sagot naman ni Ada. Wow may surprise ka pala love. Mamaya may surprise din ako sayo. Saad naman nito at kumindat pa. Kinabahan si Ada sa surprise na sinasabi ni Apollo kaya bigla na lang siyang tumahimik. Love bakit tahimik ka. Bulong nito sa kanya. Are you ready for my surprise later. Ikaw talaga love. Tara na kain na tayo. Gutom na kayo tiyak mga babies ko. Pagdating sa hapag kainan, nagulat si Apollo sa nakahain. Love marunong ka na magluto nitong paborito ko? Tanong pa nito kay Ada. Love napanood ko lang. Sana magustuhan mo. Let's eat para mahusgahan na ang luto ng love ko. Kindat pa nito sa kanya na kinataba ng puso niya. Pagsubo ni Apollo. Ninamnam niya ang lasa ng kare-kare. Napakasarap nito pero gusto niyang biruin muna ang asawa kung ano ang magiging reaksyon nito. Love fake ata ang napanood mo eh. Wala namang lasa. Hindi nakuha ang gusto Kong lasa. Sana pala nag-order na lang ako. Saad pa nito na yumuko muna para hindi makita na nagbibiro lang siya. Inangat niya ang mukha at nakitang namumula na ang mata ng asawa dahil sa pagpigil nito sa pag-iyak. I'm sorry. Hindi na ako magluluto sa susunod. Hindi mo pala nagustuhan. Saad ni Ada sa basag na boses dahil sa pagpigil sa pag-iyak. Nabigla naman si Apollo sa reaksyon ni Ada kaya tumayo siya para aluin nito. Love nagbibiro lang ako. Napakasarap ng luto mo. Naisipan lang kitang biruin. Ang cute mo pala kapag magtampo. Saad pa nito sa kanya na niyakap siya at hinahalik-halikan. Masarap talaga love. Biniro lang talaga kita. Talaga? Tanong pa uli nito kay Apollo. Yes I swear. Baka maubos ko pa to. Saad pa nito at kumuha pa ng kanin at nasarapan talaga ito. Masaya silang pinagsaluhan ang kanyang luto na pinaghirapan na nagustuhan naman nilang lahat pati ang mga kasambahay. Sabi pa nga ng cook baka bigla na lang siyang palitan na kinatawa naman ng lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD