Umalis na si Ada sa bahay nila para maaga ding makapunta sa Airport. Kinakabahan siya na hindi maintindihan ang nararamdaman. Halos dalawang buwan din siyang umuwi galing Manila dahil sa natuklasan na ni Apollo ang pagpapanggap niya.
Hindi pa naman oras ng flight niya kaya bumili muna ng makakain si Ada. Naglilihi ata siya sa French fries kaya bumili siya ng large. Takam na takam siya ng kinakain niya iyon.
Opps baka mabulunan ka miss. Saad ng baritonong boses na siyang kinaangat ng ulo niya.
Ang sarap kasi. Kiming sagot na lang ni Ada dito.
I'm sorry I interrupted your eating. I'm Zane. You are?
Ada? Sagot niya at tinanggap ang nakalahad nitong kamay.
Where are you heading to? Tanong pa uli nito sa kanya.
Uhhmmm , Manila. Pupuntahan ko ang ate ko. She died.
I'm sorry about that. Condolence.
It's ok. Hindi mo naman alam.
Pabalik na din ako ng Manila. I just have my vacation sa lolo at lola ko dito. Taga dito kasi ang grand parents ko father side. Mothers side ko naman is nasa Manila so once in a while bumibisita talaga ako dito. Nakangiting saad ni Zane na nagpakita ng dimples nito.
Ang cute naman ng dimples mo. Nakangiting sambit ni Ada dito.
Really you like it.
I find it cute. Sagot naman ni Ada.
Anong eroplano pala sasakyan mo baka magkapareho tayo.
Uhhmm. PAL ang nabook ko. Ikaw?
Same pala tayo. Sana magkatabi ang upuan. Dagdag naman uli ni Zane.
Ngiti na lang ang itinugon ni Ada.
Saan ka pala sa Manila.
Actually nakaburol na kasi ate ko so sa Chapel na ako dederechu. May susundo naman sa akin.
Ok. I wish magkita pa tayo. Can I get your number if you don't mind?
Sure. Para may ka-text naman ako paminsan. Saad na lang ni Ada.
I have to tell you something. Dagdag pa ni Ada.
Ano yun? Takang tanong ni Zane.
I am going to be a mom soon. Sabay himas ni Ada sa pipis pang tiyan.
Really? Huli na pala ako. Nalulungkot na Saad ni Zane sa kanya.
Hindi kami in good terms ng tatay nito pero siya pa din ang ama kaya hindi ko naman ipagkakait na makilala niya ang anak namin.
That's good pero it will not stop me from being a friend. Ninong na ako niyan ha.
Oo naman. Sagot na lang ni Ada.
May gusto ka bang kainin? Tanong na ni Zane dito.
Wala pa naman. Pero may gusto sana akong gawin pero baka magalit ka.
Ano yun? Kunot noong saad ni Zane.
Pakurot ng mukha mo. Ang cute kasi ng dimples mo.
Sure, huwag lang matagal ha. Baka masakit. Pagbibigyan kita para maging cute ang anak mo.
Talaga? OK lang sayo?
Oo nga. Ang kulit naman. Kunyaring naiinis na saad ni Zane.
Biglang nag-iba ang timpla ng mukha ni Ada.
Huwag na nga lang. Paismid na sambit ni Ada.
Babe naman. Nagtampo agad. I was just kidding. Ito oh you can touch it. Kinuha na nito ang kamay ni Ada at pinahawak sa mukha niya.
Bigla naman umaliwalas ang mukha ni Ada at kinurot-kurot ang mukha niya.
Ang cute talaga. Gigil pa nito sa mukha ni Zane.
Ang cute mo babe.
Salamat. You let me touch your face.
Picture tayo para kapag nanggigil ka sa face ko. Tingnan mo lang ang picture.
Sige. Excited na sambit ni Ada.
Nakailang shots din sila bago nila tigilan ang pagkuha ng litrato.
Nag-announce na din na boarding na kaya si Zane na ang nagbitbit ng bag ni Ada.
Ako na ang magbitbit niyan. Awat niya sa binata.
Babe ako na. Kawawa si baby. Nahihirapan si Mama.
Ikaw talaga. Sige na nga.
Kinuha na din ni Zane ang kamay ng dalaga at inilagay sa braso nito.
Para mas sweet. Kindat pa nito kay Ada.
Ikaw talaga. Salamat Zane. I will surely never forget na nakilala kita.
Aba parang wala ka ng balak na makita ako ah. Eh ninong pa ako ng anak mo. Alalahanin mo yan.
Oo nga pala. Basta salamat.
Surprisingly magkatabi sila ng upuan kaya masaya si Zane na makasama si Ada sa byahe nilang iyon.
Babe you want to eat or drink something?
Water na lang muna. Baka wala kasi dito ang gusto ko.
Ano ba yun. Baka meron sila.
Manggang hilaw tapos bagoong. Naglalaway na sagot ni Ada.
Oo nga no. Pagdating na lang sa Manila bili tayo.
Sumimangot si Ada kaya nataranta na naman si Zane. Ang alam kasi niya dapat pagbigyan ang buntis kapag may gustong kainin.
Nakapag take off na ang eroplano kaya naghanap muna ng flight attendant si Zane.
Miss, tawag niya sa flight attendant. Siya na ang lumapit dito.
Can I ask a little favor. Binulong na lang niya dito ang sasabihin. Nakita niya kasing nakatingin si Ada sa kanila.
Sure po. Naiintindihan ko po. Sagot naman ng FA na kausap niya. Nagsabi na din ito sa mga kasama at sumang ayon naman ito sa kanya.
Ladies and gentlemen, pwede po ba ako magtanong. Saad ni Zane sa microphone na ginagamit ng attendant ng eroplano.
Nakatutok na kay Zane ang atensyon ng mga pasahero.
I have my wife with me who is craving for mangga with bagoong. I know na walang tinda nito sa plane so if meron sa inyong may dala. Pwede ko po bang bilhin. Baka kasi awayin ako ng asawa ko kapag hindi ako makakita ng mangga. I will triple the price po. I just wanna give the cravings of my babe.
Namumula na ang mukha ni Ada sa mga sinabi ni Zane kaya dinidilatan na niya ng mata ito para umupo na.
Ayan na po nandidilat na po ang mata niya. Natatawang saad ni Zane.
Kinilig naman ang lahat ng nakasaksi ng ginawa ni Zane.
I have with me. Saad ng isang ginang na binigay kay Zane. Wala nga lang akong kutsilyo at bawal yun. May kasama na ding bagoong yan. Nakangiting sambit pa ng ginang dito.
Babayaran ko po. Saad ni Zane dito.
No need iho. That's a gift for being so loving husband.
Ayan babe ha. Meron na. Kaya huwag mo na ako aawayin.
Nagpalakpakan naman ang lahat sa ginawa ni Zane. Pulang-pula naman ang mukha ni Ada.
Si Zane mismo ang nagbalat ng mangga at binigay na ito kay Ada na hindi maipinta ang mukha.
Oh bakit babe. Ayaw mo na nito.
Hindi sa ayaw. Ang kulit ng ginawa mo. Sinabi mo pang asawa mo ako. Kinurot pa niya si Zane.
Umilag naman si Zane sa kurot ni Ada.
Syempre para sa inaanak ko yan at para naman magbigay talaga sila eh di dapat asawa kita.
Salamat talaga Zane. Kinurot na naman nito ang pisngi ng binata at hindi naman ito umilag.
Nilantakan na ni Ada ang mangga at naglalaway na talaga siya dito.