Hindi na muna pumunta si Apollo malapit sa kabaong ng asawa dahil alam niyang naiinis siya kay Ada.
Hindi niya alam kung bakit naexcite siya na makita ito after almost two months na umalis ito. Nagpasalamat pa siya sa isip lang ng pakiusapan siya ng biyenan na sunduin ito sa airport. Ang kinainis niya lang ang sweet ito at ang lalaking kakakilala pa lang sa Airport. Hindi niya alam sa sarili kung bakit ganun na lamang ang pagkagusto niyang hilahin na ito sa lalaking kasama. Gusto pa nga niyang suntukin ang lalaki dahil sa inis niya. Inis nga ba o selos ang nararamdaman niya. Naguguluhan din siya sa nararamdaman. He was torn between hate at ang pagkamiss niya sa dalaga. Nawewerduhan siya sa sarili.
Nakita niyang magkasama si Ada at anak na si Sabrina na mukhang nahulog na agad ang loob sa dalaga. Lumapit siya dito.
Huwag kang masyadong maging close sa mga anak ko kung aalis ka lang din naman. Saad niya dito ng pabulong kaya kumunot ang noo nito.
Just this once maging civil naman tayo Apollo. Para lang sa ate ko. I know may kasalanan ako sayo pero huwag mo naman ulit-ulitin kasi alam ko naman na mali ang ginawa ko. Sagot naman ni Ada sa kanya.
Bigla siyang naguilty sa mga sinabi sa dalaga dahil sa nakikita niyang sakit sa mga mata nito.
Tumahimik na lang din si Ada kaya hindi na niya ito kinausap. He was torn between hate at pagkamiss sa dalaga. Hindi na niya alam kung tama pa ba ang nararamdaman dito.
Dad galit ka ba kay tita? Inosenteng tanong nito kay Apollo.
No baby. May pinag-uusapan lang kami ng tita mo. Don't worry. I'm not mad.
Liars go to hell. Pabulong na saad ni Ada.
Ano sinabi mo? Kunot noong tanong ni Apollo pero narinig naman niya iyon.
Ewan ko sayo. I just wanna rest. Pagod ako sa byahe. Meron ba ditong pwedeng pagpahingahan at may pagkain. Tanong na lang niya dito para ibahin na ang paksa nila. Baka magkasagutan pa sila ng lalaki.
Meron resting area sa gilid. May pagkain din doon. Simpleng sagot na lang ni Apollo.
Pumunta na muna si Ada sa kanyang mama para magsabi na magpapahinga siya.
Ma can I eat? Meron po bang pandesal? Tapos peanut butter? Tanong niya dito.
Wala atang pandesal pero papabili tayo. Bakit ka naghahanap nun anak?
Gusto ko lang po kumain. Ganun kasi ako ma kapag malapit na magkaroon. Sagot na lang niya dito. Ayaw na muna niyang ipaalam na buntis siya.
May panaderya naman na malapit. Papabili na lang ako. May gusto ka pa bang iba?
Yun lang po muna ma. Gutom na talaga ako.
Pagkadating ng inutusan ni Aling Martha na bumili ng pandesal at peanut butter ay agad na nilantakan ni Ada ito.
Anak mukhang gutom na gutom ka ah.
Oo ng ma eh. Ang sarap po. Gusto po ba ninyo?
Ok lang ako iha. Bukas na pala ang libing ng ate mo.
Ganun po ba ma? Napabilis ata. Akala ko po sa makalawa pa. May kaibigan sana ako na pupunta dito. Nakilala ko lang po sa eroplano ng papunta na ako dito.
Papuntahin mo na lang siya dito mamaya iha. Sa makalawa nga dapat kaso may importanteng convention na dadaluhan si Apollo. Isang araw lang naman kaya sana papakiusapan kita na bantayan mo muna ang mga anak niya. Babalik din naman agad si Apollo after ng convention kasi madami pa siyang aasikasuhin dahil sa madami siyang araw na nawala sa trabaho.
Mag-eextend na lang ako ma. Huwag kang mag-alala.
Salamat anak. Kailangan ko din kasing asikasuhin ang ibang ari-arian natin na napabayaan ko na. Ipaalam mo na lang muna sa Nanay Mercy mo na hindi na agad makakauwi.
Huwag kayong mag-alala ma. Ako na ang bahalang magsabi sa kanya. Magpahinga na po kayo. Sabihan ko na lang ang kaibigan ko na pumunta na dito mamaya.
Ikaw ang bahala anak. Magpapahinga na muna ako anak.
Sige ma. Ako na muna ang bahala dito.
Magpahinga ka na din mamaya ha. Pagod ka din.
Oo ma. Iidlip lang din ako mamaya.
Kumakain si Ada ng pumasok si Apollo doon.
Gusto mo bang kumain? Ipaghahanda kita.
Hindi ako gutom. I just wanna drink water. Sagot ng lalaki at kumuha lang ng bottled water at lumabas uli.
Nangangalumata ito pero hindi naman nabawasan ang kagwapuhan.
Biglang pumintig ang sinapupunan ni Ada kaya napahawak siya dito.
Anak naramdaman mo talaga ang tatay mo ano. Masungit lang siya sa ngayon kaya intindihin na muna natin. Magiging ok din ang lahat anak. Basta ang importante sa akin na blessing ka na dumating sa buhay ko. Hinimas pa niya uli ang kanyang tiyan.
Sino ang kausap mo? Tanong ni Apollo ng bumalik ito sa lugar kung saan siya kumakain.
Wala naman akong kausap. Baka guni-guni mo lang. Nininerbyos na sagot ni Ada.
Ok. Sabi mo eh. Pahinga ka na muna. Mahaba pa ang araw. Alam kong pagod ka. May kama naman na pwede mong tulugan. Andun na ang mga gamit mo.
Sige. Matatapos na din itong kinakain ko. Namiss ko lang kumain nito.
Kung may gusto kang kainin magsabi ka lang sa mga kasambahay natin. Bibili naman ang mga iyon.
Cravings ko lang ito. Sagot naman niya kay Apollo.
Ok. Ako na muna ang bahala dito. Pahinga ka na. Mas madami ang bisita mamaya ag huling gabi na ng lamay ng ate mo.
Sige, Magpapahinga na muna ako. Paalam niya kay Apollo pero nagulat siya ng inaalalayan siya nito.
Salamat. Saad na lang siya ng makapasok sa loob ng kwarto. Nakita kitang nakahiga din ang kanyang mama at si Sabrina kaya tumabi na lang siya doon.
Kapag may kailangan ka nasa labas lang ako. Dagdag pa ni Apollo at hinalikan siya sa noo na kinagulat niya.
Umalis na agad ang lalaki dahil sa gulat din kung bakit nito ginawa ang paghalik sa noo ni Ada.
Napangiti na lang si Ada sa ginawa ni Apollo. Kumislot din ang tiyan niya pagkatapos ng halik sa noo na ginawa ni Apollo. Napahaplos naman siya sa pipis pa niyang tiyan. Nararamdaman ng anak niya ang presensya ng ama nito na siyang kinatuwa niya.