KABANATA 16

1050 Words
Napagpasyahan nila Aleeza at mama niya na puntahan na lang si Ada sa Cebu para personal na makausap. Si Aling Martha na lang ang pupunta sa Cebu para hindi makahalata si Apollo sa binabalak nila. Kailangan nilang ilihim ang kanilang gagawin. Hindi nito dapat malaman ang kanilang napag-usapan. Importante kay Aleeza na magpagaling ng lihim sa pamilya niya kaya dapat si Ada muna ang hahalili sa kanya. Alam ni Aleeza na hindi madali para mapapayag ang kakambal niya pero gagawin niya ang lahat para pumayag ito sa gusto niya. Masakit sa kanya na hindi makasama ang pamilya pero kailangang mangyari iyon dahil na rin sa kagustuhan ni Aleeza na dugtungan pa ang buhay niya. Ayaw niyang makita siya ng pamilya niya na naghihirap siya. Ma mag-iingat ka doon ha. Kailangan na maisama mo si Ada dito. Kailangan muna natin siyang turuan na maging ako ma. Hindi siya dapat sumabak na hindi alam ang tungkol sa akin. Basta ang importante ma, maisama mo siya dito sa atin. Please ma, do everything. I wanna heal ma. I want my family to be with me na magaling na ako kaya sana mapapayag mo siya na maging ako kahit pansamantala lang. At sana nga gumaling ako para sa pamilya ko. Naluluhang sambit ni Aleeza sa ina ng ihatid niya ito sa Airport. Gagawin ko ang lahat anak para maisama ko siya dito. Huwag ka muna mag-isip ng kung ano anak. Magiging ok din ang lahat. Sana nga ma. Sana nga. Saad naman ni Aleeza na niyakap na ang kanyang ina na papasok na sa loob ng Airport dahil boarding na ang pasahero papuntang Cebu. Hindi nila sinabi kay Apollo na papuntang Cebu ang kanyang ina bagkus sa Davao ang punta nito sa isang kaibigan nito noong college na nakapag-asawa doon. Kumaway pa ang kanyang mama ng tuluyan na itong nakapasok sa loob. Umuwi na din si Aleeza sa kanila pagkatapos niyang maihatid ang kanyang mama. Dumaan muna siya ng simbahan para makadasal na din at humingi ng lakas ng loob sa pinagdadaanan. Balak niya din bilhan ng pasalubong ang mga anak. Dumaan muna sa isang kilalang bakeshop si Aleeza bago umuwi. Gustong-gusto ng mga anak niya ang cake na bibilhin niya kaya iyon na ang ipapasalubong niya. Pagdating sa bahay niya ay sinalubong siya ng mga anak. Mommy saan ka pumunta? Tanong ni Sabrina sa kanya na agad siyang niyakap. Hinatid ko lang ang lola ninyo. May pinuntahan lang siya anak. Sagot naman ni Aleeza dito. Ilang araw pong wala si lola mommy? Patuloy na tanong ni Sabrina sa kanya. Uhhmmm, hindi ko pa alam baby. Kapag natapos na ang aayusin niya doon ay makakauwi na siya dito. Itong baby ko matanong talaga. Saad ni Aleeza na bahagyang ginulo ang buhok ng anak niya. Mom huwag mo namang guluhin ang buhok ko. Sambit ni Sabrina na nakanguso. Nakangiti namang niyakap ni Aleeza ang anak. Itong baby ko para ng dalaga, ayaw ng magpagulo ng buhok talaga. I have a pasalubong pala baby. Yung paborito ninyong cake ni Andrei ang binili ko. Yehey mommy, cheese cake po mommy? Tanong ni Sabrina na tumatalon pa. Yes baby. Nakangiting sagot naman ni Aleeza sa anak. I love you mommy. I will always will. Saad ni Sabrina kay Aleeza at pinugpog ito ng halik na kinatuwa naman ng huli. I love you more my baby. I will always love you kayo ng kuya mo. Huwag kayong mag-aaway ng kapatid mo anak ha. Lagi kayong magmahalan. Nalulungkot na saad ni Aleeza dahil alam niyang mapapalayo siya sandali sa mga ito kapag napapayag ng kanyang mama si Ada na magpanggap na siya. Tara na mom. Gusto ko na po makatikim ng cake na dala mo po. Nakangiting sambit ng kanyang prinsesa. Yes baby. Tawagin mo na si kuya. Utos niya kay Sabrina na agad namang tumalima para tawagin si Andrei na pumanhik sa kwarto nito. Pumunta na sa kusina si Aleeza para ipaghanda ng merienda ang dalawang anak. Sinusulit niya ang araw na makasama ang mga anak. Ngayon pa lang ay nalulungkot na siyang isipin na mapapawalay siya sa dalawang anak. Mom andito na po kami ni kuya. We are ready for our yummy merienda. Pagpapacute ni Sabrina na lalong nagpalungkot sa aura ni Aleeza. Winaglit na muna niya sa isip ang scenario na mapapalayo siya sa mga anak. Hindi pa siya handang mangyari ang bagay na iyon kaya pinasaya na lang niya ang mood niya. Babies ko, kain na tayo. Saad na lang niya sa mga ito umupo na sa kanya-kanyang pwesto. Pagkatapos pakainin ang mga anak. Tinawagan ni Aleeza ang asawa. Alam niyang pauwi na ito. Love asan ka na? Tanong ni Aleeza sa asawa pagkasagot ng tawag nito. Love I will be going home late. May tinatapos lang ako. Sambit naman niya dito. Ay ganun ba. Akala ko makakasabay ka namin sa dinner. But it's ok love. Mag-iingat ka pag-uwi. I love you. Saad na lang niya sa asawa. I love you more my love. Sagot naman ni Apollo sa kanya. Naalala ni Aleeza na anniversary nila kaya bumili din siya ng regalo para sa asawa kanina bago siya dumaan sa cake shop. Nalulungkot lang siya na hindi man lang naalala ni Apollo ang mahalagang araw nilang mag-asawa. Lingid sa kaalaman ni Aleeza, may inihandang sorpresa si Apollo sa kanya. Kakutsaba nito ang mga kasambahay niya. Ang ginawa nila ay nagdecorate sila sa library ng surprise ni Apollo para sa asawa. Nagkunwari lang si Apollo na malelate ng uwi kasi may inihanda siyang sorpresa sa mahal na asawa. Alam ni Apollo na nagtatampo ang asawa dahil sa hindi niya pagbati ng anniversary nila pero alam din niyang masosorpresa ito sa inihanda niya. Pauwi na siya at dadaan sa isang flower shop para makabili ng bulaklak para kay Aleeza. Nakabili na siya ng regalo para dito kaya ang bulaklak na lang ang dapat pa niyang bibilhin. Hi sir, dati pa rin po ba? Tanong ng tindera pagdating niya sa flower shop. Yes Mae, dagdagan mo na lang ng white rose para mix. I want it something different this time. I also need a card because I will be writing something on it. Salamat. Ang sweet naman talaga ni sir. Ang swerte naman po ng asawa ninyo. Swerte din ako sa kanya. Sagot naman ni Apollo dito ng nakangiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD