Naiayos na lahat ni Apollo ang gamit at magcheck out na din siya sa Hotel para makapunta na sa Airport. Hindi naman siya nagmamadali kasi maaga pa naman pero sa Airport na lang siya mag-aantay ng flight para wala na siyang alalahanin at baka matraffic din kapag rush hour.
Nakapag check out na siya sa Hotel na tinutuluyan at papunta ng Airport. Napangiti na lang siya ng maalala ang babaeng kahawig ng asawa. Hindi naman niya nalaman ang pangalan ng babae pero mabuti na din yun para hindi na niya maisip pa ito. Lalo lang siyang magugulo kapag marami siyang alam dito. Naisip na lang niya na isa iyong test sa kanya ng panginon kung talaga bang magkakagusto pa siya sa iba. He was faithful to his wife and family. Yan ang laging sinisiksik ni Apollo sa utak niya. Nagkasya na lang siya na tumingin sa dinadaanan niya papuntang paliparan.
Tinawagan muna ni Apollo si Aleeza pagdating niya sa Airport at maaga pa para pumasok sa loob.
Love, bungad ni Aleeza sa kanya ng sagutin nito ang tawag.
Love I'm in the airport already. Tumawag lang ako to check on you and the kids.
We are OK love. Masyado ka namang excited sa pag-uwi. Huwag kang mag-alala pinaghandaan ko na ang pagdating mo. Tudyo ni Aleeza sa asawa.
Talaga love. Parang gusto kong magpabook ng mas maagang flight ah. Biro pa ni Apollo sa asawa.
Huwag na love at sayang ang pamasahe mo. Aantayin ka naman namin eh. Hindi kami mawawala. Nakatawang saad ni Aleeza dito.
Biro lang love, alam ko naman na hindi kayo mawawala sa akin. Madamdamin nitong sambit sa asawa.
Oo naman love. We will always love you. Kumain ka na ba? Tanong nito kay Apollo.
Nagkape lang ako kanina love habang may meeting ako. I will be eating after this call love. Gutom na din ako. Sagot naman ni Apollo.
Kain ka na love at maaga pa naman. We will be waiting for you. I love you.
I love you too love. See you later. Saad ni Apollo at binaba na ang telepono. Nagpalinga-linga siya para makahanap muna ng makakainan at gutom na talaga siya.
May nakita siyang isang fine dining resto at napansin niyang madaming kumakain kaya alam niyang masarap ang pagkain. May nakita naman siyang bakanteng upuan kaya nilapag na niya ang gamit at may lumapit naman ng waitress para kunin ang order niya.
Magandang araw sir. Ito po yung menu namin. Tawagin niyo lang po ako kapag may napili na po kayo. Magalang na sambit ng waitress sa kanya na mukhang nagkacrush ata sa kanya dahil mukhang nagpapacute ito sa kanya kaya ngitian naman niya ito na nagpapula sa mukha nito.
Huwag ka ng umalis at mag-oorder na ako. Hindi naman ako magtatagal at may flight ako. Nag-aantay na ang miss at mga anak ko sa bahay. Sambit na lang niya para hindi na ito magkainteres sa kanya na lumaki naman ang mata sa pagkarinig na may asawa't anak na siya.
Taken na pala kayo sir. Nahihiyang sambit ng waitress sa kanya.
Yes, I am very much married. Pinakita pa niya ang palasingsingan niya na mag wedding bond nila ni Aleeza.
Ay, pero ang pogi mo pa rin sir. Nahihiyang saad na lang ng babae.
Thanks for being honest. Nakangiting saad naman ni Apollo na nagpakilig naman sa waitress base sa kinikilos nito.
Nagbigay niya ng order sa babae at sinabihan na gutom siya para magmadali ito.
Ok sir. Pabibilisan ko na lang po.
Salamat. Tipid na sagot naman ni Apollo at binuksan na muna ang laptop para pag-aralan kung pwede na sa sila makapag-expand ng business niya.
Dumating naman agad ang inorder niya kaya nilantakan na niya agad iyon.
Enjoy your meal sir.. Saad naman ng waitress na nginitian niya kaya para na namang natuod ang babae.
Napailing naman si Apollo at pinagpatuloy na ang pagkain.
Pumasok na sa loob ng paliparan si Apollo at malapit na din ang pag-alis nq eroplano.
Nakasakay na sa eroplano si Apollo ng may matatanggap itong mensahe sa asawa.
Ingat ka love. Anito sa text.
Thanks love. I will sagot naman nito sa asawa at ipinikit muna ang dalawang mata para makatulog.
Napamulat ng mata si Apollo ng malamang malapit na umalis ng eroplanong sasakyan pabalik ng Manila.
Binigyan niya pa ng isang sulyap ang Cebu bago pumikit.
Kakalapag lang eroplanong sinasakyan ni Apollo. Paglabas ng Airport sumakay na siya ng taxi pauwi ng bahay. Hindi na siya nagpsundo pa driver nila.
Hindi na siya nag doorbell at napagsabihan naman niya si Mang Ambo na iwanang bukas ang gate para hindi malaman ng mag-ina niya na nakarating na siya. Tinawagan niya kanina ang driver ng malapit na siya sa bahay. Hindi na din siya nagpatigil sa mismong tapat ng Gate para hindi mapansin ng pamilya ang pagdating niya. Gusto niyang masorpresa ang mga ito kahit alam ng mga ito na parating na siya.
Dahan-dahan niyang binuksan ang main door.
Surprise. Saad niya na kinalingon ng mga anak at dali-daling sumugod sa kanya.
Daddy, andito ka na. Sabay sigaw ng dalawa na tumatakbo para salubungin siya.
Kids, be careful. Mahinahong saway naman ni Aleeza sa mga anak.
Hi my beautiful wife. Saad naman ni Apollo dito na kumindat pa. Namula naman si Aleeza na tumingin dito.
You still blush love. Panunudyo nito sa asawa.
Ikaw kasi, saad naman ni Aleeza na kinurot ng bahagya ang asawa.
Ouch love. Mapanakit ka na. Natatawang sambit naman ni Apollo.
Ikaw talaga. Ang pilyo mo pa rin. Mahinhing saad uli ni Aleeza.
Sayo lang naman love at wala ng iba.
Dapat lang love na sa akin lang. Sagot naman ni Aleeza na nakangiti.
Of course you are the apple of my eye. Bulong ni Apollo dito at hinapit pa siya sa bewang at hinalikan ng magaan sa labi.
I love you my wife. Bulong uli nito sa asawa at hinalikan ito sa labi.
I love you too my husband. Sagot naman ni Aleeza ng pabulong.
Dad what did you brought us. Agaw pansin naman ni Sabrina sa kasweetan ng mag-asawa.
Meron naman akong pasalubong sa inyo kids pati na din sa iyo love. Saad ni Apollo na kinalundag ng dalawang bata.
Yehey.. May pasalubong si daddy.
Tinawag ni din ni Apollo ang mga kasambahay para ibigay na din ang pasalubong niya para sa mga ito.