KABANATA 29

1122 Words
Nagsimula na ang pagtuturo ni Aleeza sa kanyang kapatid. Gusto naman niyang matuto agad at nararamdaman niyang kailangan na ng ate niya na magpagamot. Nakikita na niya ang paghihirap nito. Nagsimula na din ang pangangayayat nito. Ate kaya mo pa ba? Sambit niya dito kinabukasan na bumalik ito para turuan siya. Oo kaya pa. Sana huling araw na natin ito at bukas kailangan mo ng pumunta sa bahay bilang ako. Magsisimula na ang chemo ko bukas Ada. Hindi na kinakaya ng katawan ko ang basta gamot lamang. Sa isang araw pa naman ang dating ni Apollo kaya hindi ka pa maiilang sa bahay. Kaya ko na ba ate na harapin ang mga anak mo? Tanong nito sa kakambal. Kasalukuyan siyang tinuturuan kung paano siya mag-ayos. Ang pananamit at pag make-up niya pati na rin pag-ayosnng buhok. Kakayanin mo Ada. Isipin mo na ginagawa mo ito dahil sa pagmamahal mo sa akin. Huwag mo ng isipin ang ibang bagay at isipin mo na muna ang makakabuti sa ating lahat. The more na maaga akong makakahanap ng magpapagaling sa sakit ko, mas maige para magkaroon ka na din ng sarili mong buhay. Pasensya ka na at naging sagabal pa ako sa kaligayahan mo. Hindi ko naman sana gustong magkasakit pero ito ang bigay ng panginoon sa akin at sana matulungan mo ako. Sambit nito na namamalibis na ang luha sa pisngi. Pinunasan naman ni Ada ang luha ng ate niya. Ate naman huwag mo ng sisihin ang sarili mo. Wala namang may gusto na magkasakit ka. Magiging ok din ang lahat. Kakayanin ko lahat para sayo. Niyakap na nito si Aleeza at niyakap din naman siya pabalik. Naging mabilis naman ang pagtuturo sa kanya ng ate niya kaya ready na siyang maging ito sa pamilya ng kakambal. May alinlangan lang pagdating sa asawa nito at hindi niya alam paano ang gagawin kapag sila na lamang dalawa sa kwarto. Iwinaksi na lang ni Ada muna sa isip ang mga bagay na iyon. Saka na lamang niya poproblemahin kapag dumating na ang panahong iyon. Ada ready ka na ba bukas? Hindi na makakabalik sa bahay nila si Aleeza at sinusumpong na siya ng kanyang sakit. Ikaw na din ang gagamit ng cellphone niya. Ikaw na ang makakausap ng asawa niya. Oo ma. Nasabi na ni ate sa akin. Kakayanin ma. Sagot naman niya dito kahit mukhang hindi talaga niya alam ang kanyang gagawin. Basta humingi ka lang ng tulong sa amin kung hindi mo na alam ang gagawin mo. Salamat ma. Saan na po si ate? Tanong niya sa kanilang ina at hindi niya napapansin ito kanina pa. Sa kwarto niya. Nakatulog na. Uminom na kasi ng gamot niya. Padating na yung doktor na mag-aalaga sa kanya. Ito ang napili ng ate mo kasi kaibigan niya iyon at napakiusapan niya itong huwag sasabihin sa asawa niya na may malubha siyang sakit. Mabuti naman kung ganun Nay. Maaari ko ba siyang makita? Oo naman anak. Samahan kita sa kwarto niya. Halos madurog ang puso ni Ada na makita ang kalagayan ng kakambal na nakahiga sa kama na natutulog. Ang pipis na ng katawan nito. Hindi mo na basta lang makikilala dahil pagkahulog ng katawan nito. Ma ang bilis naman ng pagkahulog ng katawan ni ate. Saad niya dito. Mama ang tawag ni Aleeza sa kanilang ina kaya sinasanay niyang tawagin itong mama. Oo nga anak eh. Nakakaawa ang ate mo. Sana maging ok siya sa mga susunod na araw. Magiging iba pa ang katawan niya kapag nagsimula na ang chemotherapy niya. Sana nga Nay maging ok na ang lahat. Sana maging maganda ang response ng gamot sa kanya. Yun ang tanging panalangin ko. Sagot naman ng kanyang ina. Kinagabihan dumating na ang doktor na mag-aalaga kay Aleeza. Isa itong kaibigan ng mag-asawa. Ada meet Dr. Marcus Delarea. Our dear friend. Pakilala ni Aleeza sa kanya. Aleeza siya pala ang kakambal mo. Nabibighaning sambit ng doktor sa kanya. Oo siya nga Marcus. Sagot naman ni Aleeza dito. Nice to meet you dok. Alagaan mo ang ate ko. Kiming saad ni Ada dahil sa tagal na ayaw bitawan nito ang kamay niya. Ang kamay ko po dok. Saad niya uli dito. Sorry, I was just mesmerised by your beauty. Saad naman uli ng doktor sa kanya. Namula ang pisngi ng dalaga dahil sa papuri ni Dok Marcus sa kanya. Kumain na ba Marcus? Ipaghahain ka namin. Putol ni Aleeza sa pagtitig nito sa kakambal at napapansin niyang naiilang na si Ada dito. Dumaan lang naman ako para kamustahan ang kalagayan mo. Babalik ako bukas para sa chemotherapy mo. Busog pa ako at may dinner akong pinuntahan kanina. Another date na naman ba yan dok? Biro nito sa kaibigan. Hindi naman. Kaibigan lang naman iyon. Sagot naman nito na kinamot pa ang ulo. Asus if I know nagbibilang ka din ng babae. Huwag mo naman akong ibuking sa kapatid mo at baka maturn off sa akin yan. Huwag mo isali ang kakambal ko sa kalokohan mo Marcus. Paalala ni Aleeza dito. Hindi ko naman talaga isasali at liligawan ko yan. Saad naman nito sa kanya na kay Ada nakatingin. Huwag kang magkamali at hindi na kita ituturing na kaibigan. Pabirong pagbabanta ni Aleeza. Oo na. Ito naman hindi mabiro. So paano I'll be back tomorrow here. I have to go. May lakad pa ako with my friends. Nice to meet you Ada. Sambit na nito at nagpaalam na sa kanila. Sige mag-iingat ka. Saad naman ni Aleeza at kumaway na dito ng nakapasok na ito ng sasakyan at pinaharurot ang sasakyan nito. Huwag mo na lang pansinin ang mokong na iyon at babaero iyon. Paalala ni Aleeza sa kanyang kakambal. Oo naman ate. Importante pa ang gagawin ko kesa magpaligaw. Mabuti naman kung ganun anak. Saad naman ng kanilang ina na nakikinig pala sa kanila. Anong oras ako uuwi sa inyo bukas ate? Tanong niya dito. Umaga ka uuwi kasi ibabalik na din sina Samantha at Andrei after lunch. Ikaw na din ang gagamit ng cellphone ko. Baka tumawag si Apollo. Hindi ko din alam ang oras ng pagbalik niya kinabukasan kaya sana handa ka ng harapin siya. Biglang kumabog ang dibdib ni Ada sa antisipasyon ng pagkikita nila ng asawa ng kanyang ate. Hindi naman ipinapakita ng kanyang ate ang larawan nito at ayaw naman niyang magsabi na kung pwede ba niyang masilayan ang mukha nito kahit sa litrato lamang. Tawagan mo na lang ako kapag may kailangan kang malaman. Ito na pala ang cellphone ko. Ikaw na ang gagamit. Tinanggalan ko na ng password yan para magamit mo. Saad ni Aleeza at ibibigay na kanya ang cellphone nito. Wallpaper ang mga anak ni Aleeza sa cellphone nito at natutuwa siyang siya muna ang magiging ina ng mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD