Dumating na si Apollo sa bansa. Hindi niya sinabi sa asawa at nais niya itong sorpresahin. Hindi na rin siya nagpasundo sa kanilang driver para hindi malaman ng kanyang asawa. Magtataka iyon kapag sinabi ng driver na may susunduin ito. Kaarawan na din niya kinabukasan kaya masaya siya na natapos ang problema ng isa sa Hotel chain nila sa ibang bansa.
Naksakay na siya sa taxi papuntang bahay nila. Habang binabagtas ang daan papuntang bahay nila lalong lumalapad ang ngiti niya at makikita na niya ang kanyang pamilya. Lalo na ang asawa niya na sabik na sabik na niyang yakapin at halikan.
Manong sa tabi lang po. Saad nito sa driver at bumaba na siya bitbit ang maleta. Binigyan niya ng malaking pera ang driver na tuwang tuwa naman dahil kailangan nito ng malaking halaga. Natuwa pa itong lalo ng inabutan niya uli ng pera at sinabi niyang tulong na din niya ito.
Masayang nag doorbell si Apollo sa gate ng bahay nila.
Sir kayo pala. Hindi man lang kayo nagpasundo sa Airport. Saad ni Idang na siyang nagbukas ng gate para sa kanya.
Huwag kang maingay at gusto kong sorpresahin ang mag-ina ko. Masayang tugon naman ni Apollo dito.
Ako na po ang magbitbit nitong maleta ninyo sir. Nasa sala po silang tatlo. Saad naman nito sa kanya.
Salamat Idang. Madami akong pasalubong sa inyo.
Salamat naman sir at makakatikim na ako ng imported.
Ikaw talaga. Sige, miss ko na ang mag-ina ko.
Pagdating sa pinto. Kumatok kunyari si Apollo.
Sino yan. Tanong ni Ada dito.
Pagbukas ni Ada. Nagulat siya na si Apollo na malaki ang ngiti ang sumalubong sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
I miss you so much love. Saad pa ni Apollo at binigyan siya ng halik naarubdob.
Pinakawalan na siya ni Apollo kaya namula bigla ang mukha ni Ada.
Love you blushing and I love it. Saad pa nito at kinintalan siya ng mabilis na halik uli dahil tumatakbo na si Sabrina papunta sa kanya.
Daddy you are home. Sigaw ni Sabrina sa kanya.
Hi baby. Yes, I'm home. I miss you baby. Saad nito sa anak habang niyakap ito ng mahigpit at niyakap na rin si Andrei na nakasunod naman dito.
Hi son. How are you. Hindi ba kayo naging pasaway ng kapatid mo?
Hindi naman po daddy. I am behave. Hindi ko lang alam kay Sab.
I am behave also dad. Si kuya ang suplado. Ako po mabait ako.
Hindi na lang kumibo si Andrei. Alam naman ni Apollo ang ugali ng mga anak kaya hindi na siya nagtataka kung hindi magkasundo ang mga ito sa ibang bagay.
Dad I will be sleeping in your room tonight please. Samo nito kanya.
Ayaw sanang pagbigyan ni Apollo ang anak at gusto niyang masolo ang asawa kaso marami pa namang pagkakataon at sa resort naman sila bukas. Sa ibang kwarto na lang niya patutulugin ang anak para solo na nila ng asawa niya ang kwarto.
Ok baby. Sa kwarto ka matutulog.
Yehey. Thanks dad. Tonight lang po. Bukas hindi na po. Nakangiting saad naman nito sa kanya.
Ok baby. Just for tonight para magkaroon ba kayo ng baby brother or baby sister ng kuya mo.
Really dad? Magiging ate na po ako soon? Inosenteng tanong nito sa kanya.
Itanong mo sa mommy mo kasi siya ang makakasahod niyan. Pilyong tugon naman ni Apollo.
Mom magiging ate na po ba ako? Baling naman nito kay Ada.
Uhmm. Siguro baby kapag hindi ka na tumabi sa amin. Kiming sagot naman ni Ada.
Bukas mom. Hindi na po ako tatabi. Ngayong gabi lang po. Sagot naman nito kay Ada.
Ok. Magbihis ka na baby para makapanhik ka na sa taas. Saad naman ni Ada kay Sabrina.
Ok mom. Daddy aakyat na po ako.
Sure baby. Kakausapin ko lang ang mommy ninyo.
Ok po. Tara na kuya. Let's go upstairs. M and dad will talk first. Sabi ni Sabrina sa kuya niya na sumunod naman dito.
Good night mom and dad. Saad na lang ni Andrei kina Ada at Apollo at umakyat na din sa taas.
Hindi na naman kita masosolo love ngayong gabi at may tatabi na naman sa atin. Di bale bukas wala ka na talagang kawala sa akin. Hindi na ako papayag na hindi kita masolo after ng birthday celebration ko bukas. At syempre hindi ka dapat umayaw love. Usapan na natin yun nung nasa ibang bansa pa ako kaya walang ayawan ha.
Yes love. Nauutal na sagot ni Ada dito habang yakap siya ni Apollo mula sa likod.
I miss you so much love. Bulong ni Apollo kay Ada habang hinahalikan ito simula sa tenga pababa sa leeg.
Love baka may makakita sa ginagawa mo. Mamaya na yang kiss na yan love. Kapag nasa kwarto na at madami pa namang oras bukas. Sabi mo nga bukas ka babawi diba.
Yes love. I just can't help it, I just wanna kiss you like this.
Hmmmm. Love akyat na tayo para makapagpahinga ka na. Maaga pa tayo aalis bukas so kailangan maaga din tayo magpahinga.
Gusto ko nga sana walang pahinga today kaso may katabi tayo eh. Pakindat na saad ni Apollo kay Ada.
Kinurot ni Ada si Apollo dahilan para bitawan siya nito at dali-dali na siyang umakyat sa taas para sumunod na din ito sa kanya.
Ang daya mo naman love. Naglalambing pa ako eh. Lagot ka sa akin mamaya love.
Umakyat na din si Apollo pagkatapos ibigay sa mga kasambahay ang pasalubong niya sa mga ito. Kuntodo pasalamat ang mga ito sa kanya at kasama naman sila lahat sa birthday celebration nito sa resort sa Batangas.
Naliligo na si Ada pag-akyat ni Apollo kaya inantay na lang nito na matapos ang "asawa" para makaligo na din siya.
Pagkalabas ni Ada ay nakita niyang nakaabang na si Apollo at nakangiti ng pilyo habang lumalapit sa kanya.
Love lagot ka mamaya sa akin. Kiss lang naman at yakap kasi andito ang anak natin. Saad pa nito habang tinitingnan ang anak na nakatulog na.
Ikaw talaga. Maligo ka na at amoy kung ewan ka na. Pabirong turan ni Ada kaya inamoy naman ni Apollo ang sarili.
Hindi naman ah. Sige na nga maliligo na ako para mabango na ako at ng matabihan na din kita.