KABANATA 5

967 Words
Hindi makapaniwala si Aleeza sa resulta ng tests sa kanya. Para siyang nabagsakan ng langit at lupa. Iniisip na niya ang mga anak na maiiwan niya. Paano na ang mga anak niya na bata pa, ang asawa niya. Matatanggap ba nito na may malubha siyang sakit na maaari niyang ikamatay. She was crying so hard when she gets in the car. Hindi na muna siya nagsalita pagpasok niya sa sasakyan para hindi mapansin ng driver ang pamamaos ng boses niya. Nakarating na sila ng bahay na magulo pa din ang utak ni Aleeza kaya inulit pa ng driver ang pagtawag sa kanya para bumaba na. Ma'am andito na po tayo. Dalawang beses na sambit ni Mang Ambo dito na nagpabalik sa diwa nito. Andito na pala tayo. Saad na lang ni Aleeza at bumaba na din. Pagpasok niya sa bahay, sinalubong agad siya ng dalawang anak. Mommy where have you been? Tanong ni Sabrina sa kanya. Ang babaeng anak niya. I just have my check up baby. Simpleng sagot niya dito. What do you mean po? Dagdag tanong pa nito. Nagpunta ako ng ospital pagkatapos ko ihatid ang daddy ninyo sa airport. Sagot uli nito. Ok mom. I just miss you. Sagot uli ni Sabrina at yumakap na sa ina. I miss you too baby. Where's my hug Andrei sweetie? Baling niya sa anak na nakangiti naman. I miss you too mom. And also dad. Saad naman ni Andrei dito at yumakap sabay halik na din sa ina. I just have the sweetest kids in the world. Naluluhang saad ni Aleeza habang yakap ang mga anak. Ang sweet naman ninyo. Ako din payakap. Nakangiting sambit ng mama Ni Aleeza na nakalapit na pala sa kanila. Ma andito ka na pala. We need to talk later ma. Saad na lang ni Aleeza dito pagkatapos magmano sa butihing ina. Ok anak. Kumain ka na ba? Hindi pa kumakain ang mga anak mo at gustong kasabay ka kumain. Magbibihis lang po ako at kakain na tayo. Sagot naman ni Aleeza at umakyat na sa kwarto nilang mag-asawa. Pagpasok niya sa kwarto, bumalong uli ang masaganang luha sa mata niya dahil sa nalaman niya tungkol sa kanyang sakit. Tumunog ang cellphone niya at hinanap niya ito sa bag na dala. Tumatawag ang asawa niya kaya huminga muna siya ng malalim bago sagutin ang tawag nito. Love kanina pa ako tumatawag pero hindi mo naman sinasagot. Are you home? Ok ka lang ba love? Bungad na tanong ng asawa niya. I'm ok love. Kakarating ko lang din galing sa ospital at natagalan ang pag-uusap namin ng doktora. Hindi ko namalayan ang tawag mo. Sorry. It's ok love. How's the kids? Saad naman ni Apollo dito. They're ok. Inaantay nga ako kumain at gusto akong kasabay kaya ito magbibihis na ako para samahan sila. I miss them love. I will just call again later para makausap sila. Magbihis ka na din at kumain para makapagpahinga ka. Mag-usap na lang tayo mamaya about the tests result of your heath. I love you. I wish you are here love. I love you more love. I will just wait for your call. Bye. Binaba na ni Apollo ang tawag sa asawa at pumunta na din ito sa resto para kumain. Pagliko niya ng pasilyo, nagulat siya sa babaeng nakasalubong kaya nabunggo niya ito. Oopps I'm sorry miss. Nagulat lang ako. Saad niya dito ng inaalalayan niyang makatayo kasi natumba ito. It's ok. I wasn't looking also. Kiming sagot naman ng babae at tumingin sa kanya. Nagulat si Apollo sa pagtingin sa mukha ng nakabangga. Kamukhang-kamukha ito ng asawa ngunit wavy ang buhok nito na may kulay pa. Ang sa asawa niya ay itim na matuwid. Mister ang braso ko po. I'm ok. Don't worry. I'm just in a hurry pasensya na. Saad naman nito sa naiiritang boses nito pero hindi naman mataray pakinggan. I'm sorry too. I just mistook you for a person dear in my heart. Sagot na lang ni Apollo na hindi naman pinansin ng dalaga at nagmamadali ng pumasok sa isang kwarto doon. Ada what took you so long. Ikaw na lang inaantay ng barkada. Inis na sambit ni Jessa dito na barkada niya. Ito naman masyadong high blood. I just accidentally bumped into a handsome guy in the hallway kaya medyo natagalan ako at nabatubalani ata sa kagandahan ko. Napagkamalan akong kakilala niya. Syempre tiyak maganda yung kakilala nun. Paliwanag naman ni Ada sa barkada at ngumiti ng matamis dito. Whatever. Kain ka na at ng makatagay na tayo. Saad na lang ni Jessa at kumuha na ng plato para sa kaibigan. Meron silang kaunting salo-salo dahil na rin sa birthday ng isa pa nilang barkada. Masayang kasama ang barkada niya kaya naiibsan ang pagkaburyong niya sa bahay nila na bunganga na lang ng kinagisnang ina. Hindi naman siya pinapagalitan nito basta may maiabot siya. Ito kasi ang nag-alaga sa kanya nung bata pa siya dahil barkada din ito ng tita niya na kapatid talaga ng biological mother niya. Namatay lang kamakailan ang tita niya kaya nagluluksa pa rin siya. Sinabi na sa kanya ang pangalan ng totoong nanay niya kaya kahit papano nasagot ang mga tanong niya kung sino ba talaga ang nanay niya. Wala naman siyang sama ng loob dito at naipaliwanag sa kanya ng itinuring niya na nanay na pinaalagaan muna siya sa kanya at kukunin din naman siya paglaki niya. Ngunit sa kagustuhan na magkaanak din ay itinakas pala siya nito at dinala sa Cebu. Hindi na ito makipag communicate sa Nanay niya para isipin na nitong wala na siya kaya hindi naman siya nagagalit sa totoong nanay niya. Nais pa rin niyang makita at mayakap ang ina na siyang nagluwal sa kanya at natutuwa siyang malaman sa ina-inahan na meron siyang kakambal. Gusto niya din itong makasama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD