KABANATA 48

1048 Words
Hindi alam ni Ada kung ano ang gagawin ng pumasok sa kwarto si Apollo. Hindi ito umimik ng nakita siyang nakabihis na. Naligo siya paglabas ng lalaki pagkatapos nilang magniig. Matagal itong bumalik kaya akala niya hindi na uli ito papasok. Who are you? Galit na tanong nito sa kanya na kinapitlag niya. Bakit hindi ka makasagot? Nasaan ang asawa ko. I know na hindi ikaw ang asawa ko. You we're a virgin. God damn it.. Who are you. Answer me. I'm sorry. Yun lang ang namutawi sa labi niya na lalong kinalisik ng mata ni Apollo. Sorry? Is that the only word you could say pagkatapos ka magpanggap na asawa ko. Nasaan si Aleeza. Bakit ka nagpanggap na asawa ko. Answer me. Huwag kang magalit kay Ate. May kailangan kang malaman kung bakit ako naging siya. What? Ate? Magkapatid kayo ni Aleeza? We are twins. Nagkahiwalay lang kami noong maliit pa kami. They just found out ng mamatay ang nag-alaga sa akin last year. Pagpapaliwanag ni Ada habang lumuluha. Akala mo maaawa ako dahil diyan sa pag-iyak mo. It doesn't erase the fact na nagsinungaling ka sa akin. Bakit ka pumayag na maging kakambal mo? Bakit mo hinayaan na magkaganito. I was a faithful husband. Anong ginawa mo? Para na akong nagtaksil sa asawa ko dahil sa nangyari sa atin. Patuloy na panunumbat ni Apollo kay Ada na lalong kimahagulgul ng dalaga. Kinailangan ko lang na magpanggap dahil sa pakiusap ni Ate. Hindi ko siya mahindian. Mahal na mahal ko ang ate ko. Patawarin mo ako Apollo. I was caught being a good sister. Kailangan ako ng ate ko kaya ko nagawa ito. Kaya nagawa mong magsinungaling? Kaya nagawa mong ibigay ang sarili mo sa akin? Ganun ba yun ha. I hate you so much that I want you to get out of this room now. I don't want to see your face anymore. Kailangan pagbalik ko dito dala mo na ang mga gamit mo at huwag ka na magpakita sa amin. Apollo madaling araw pa lang. Wala pang byahe. It's just 2 am. Maawa ka naman sa akin. Maawa sayo? Dapat ba sayo yun? Tanong nito sa kanya na lalong nagpasakit sa dibdib niya. Wala akong pakialam kung ano ang mangyari sayo basta ang gusto ko hindi na kita makita kapag bumalik ako dito. Pasalamat ka nga at binigyan pa kita ng pagkakataon na makapag-ayos dahil kapatid ka pa rin ng asawa ko. Apollo. Saad niya habang lumalapit sa lalaki para yakapin ito. Huwag kang lumapit sa aking babae ka. Wala akong pakialam sayo. Saad pa nito bago pabalabag na sinara ang pinto. Wala ng nagawa si Ada kundi ayusin ang mga gamit niya at umalis na ng resort. May pera naman siyang natabi in case of emergency kaya magpapahatid na lang siya sa terminal para doon na magpaumaga. Hindi na siya nakapagpaalam sa mga anak ng ate niya dahil baka makita pa siya ni Apollo at lalo pa itong magalit sa kanya. Alam niyang namumuhi ito sa kanya. Hindi niya ito masisisi at malaking kasalanan ang ginawa niya. Hindi na niya nasabing mahal niya si Apollo at natitiyak niyang hindi ito maniniwala sa kanya. Mabuti na at paglabas niya ng resort may tricycle na dumaan kaya nagpahatid na siya sa terminal. Ineng masyado pang maaga. Wala pang bus sa terminal. Saad ng driver sa kanya na mukha namang mapagkakatiwalaan kaya hindi na siya nagdalawang isip na sumakay dito. Ok lang po manong. Mag-aantay na lang po ako. Ikaw ang bahala. Andun naman nagtitinda ang asawa ko kaya pupwede ma muna magpahinga sa pwesto namin. Meron kaming maliit na pwesto doon. Sa kanya ako pupunta ngayon para hatiran siya ng makakain at nagugutom nga siya. May tinda naman doon kaso lang gusto niya ng luto ko kaya ito ipinagluto ko siya. Saad pa nito ng nakangiti. Ang sweet niyo naman po manong. Tay Dencio na lang iha. Yun na lang itawag mo sa akin. May pamilya na din ang ibang anak namin kaya yung munting tindahan na lang ang pinagkakaabalahan ng asawa ko at ako paminsan na lang din pumasada. Isa na lang ang binata sa mga anak ko. Sayang at wala siya dito. Nagbibigay naman kasi mga anak ko sa amin kaya hindi naman hirap sa buhay. Pagkukwento pa ni Mang Dencio. Mabuti naman po pala kapag ganun. Ang babait po ng mga anak ninyo. Ipakilala sana kita sa anak kong binata kaso nasa ibang bansa siya. Saad pa ni Mang Dencio kay Ada. Naku po Tay. Wala po sa isip ko ang magkanobyo sa ngayon. May mahal na po ako at may hindi lang po kami pagkakaintindihan sa ngayon. Sambit na lang ni Ada para hindi na siya kulitin nito. Pasensiya ka na iha at gusto ko na talaga na magkanobya ang anak kong yun. Masyadong masipag magtrabaho at nakalimutan ng maghanap ng nobya. Hayaan niyo Tay makakahanap din po siya at alam kong maganda ang pagpapalaki ninyo sa kanya. Sana nga iha. Pero kapag wala na kayo ng nobyo mo. Huwag mo lang kalimutan na inireto kita sa anak ko ha. Ibibigay ko mamaya ang numero niya o kaya f*******: niya para magkausap kayo. Dagdag pangungulit pa nito sa kanya. Kayo talaga Tay. O anak andito na tayo. Sa pwesto ka na muna namin para antayin na lang ang bus. Para makilala mo na din ang asawa kong si Leticia. Sige po. Salamat po Tay. Patianod na lang ni Ada at gusto niya rin malibang kahit papano. Leticia ito na ang pagkain mo. May kasama pala ako. Pumara kanina at nagpahatid dito sa terminal. Isinabay ko na muna at dito na lang siya sa pwesto natin mag-antay. Magandang umaga po Nay. Kiming saad ni Ada. Kay gandang bata. Bagay siya sa Lemuel natin Dencio. Sabi ko sayo iha eh. Ano nga pala pangalan mo? Kanina pa ako nagdadaldal sayo pero hindi pala kita kilala. Nakakamot sa ulong saad ni Mang Dencio. Ada po ang pangalan ko. Pagpapakilala ni Ada sa mag-asawa. Kay gandang pangalan Ineng. Halika na dito sa loob at magpahinga ka na muna. Mamaya pa ang dating ng bus kaya mabuti pang dito ka na mag-antay sa loob. Salamat po sa inyo Nay Letecia at Tay Dencio. Saad na lang ni Ada at pumasok na sa maliit na pwesto ng mag-asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD