JAZZMINE'S POV:
Paglabas ko ng kwarto ay naabutan kong mahimbing na natutulog si Jayson sa sofa. Medyo awkward ang posisyon nito sa pagkakahiga dahil sa laking mama ba naman nito, hindi kasya sa hinihigaan. Lagpas-lagpasan ang mga binti nito doon.
Nagkaroon ako ng chance para pag-aralan ang kabuuan ng lalaki. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit may prejudice akong nararamdaman sa lalaki. Well, the fact that he is labeled as playboy is really well-known sa buong campus pero wala naman itong ginagawang masama sa kanya bago pa man sila magkakilala.
Well, of course hindi kasali dun yung pagte-take advantage nito sa katawan ko recently.
Para kong nahihipnotismo na tinitigan ang binatang natutulog malapitan.
"s**t! Bakit ba ang gwapo nito kapag ganoong tila ang bait-bait na tulog?"
Kinuha ko ang cellphone ko at pinicturan ko siya habang natutulog. Remembrance.
Nakapangalumbaba akong titig na titig sa adam's apple ng lalaki na bukol na bukol. Lalaking-lalaking tingnan ito. Kinilig ako ng konti aaminin ko sa pagluluto nito ng food para sakin. Never in my life did it ever happen to me. Nobody ever did the same sweet gestures that this arrogant man has ever done, karaniwan na kasi sakin na ang gusto lang sakin ng mga lalaki ay makascore. Maikama ako.
Hinahayaan ko din naman dahil usually, wala akong maramdamang spark o connection sa mga lalaking nakakaulayaw ko, tamang libog lang all the time. Kahit pa kay Mr. Gonzales na crush na crush ko.
Pero di ko talaga maintindihan ang sarili ko kung bakit tila ako naglilihi na naiinis kapag nakikita ko si Jayson lalo na kapag nakangiti ng todo, tila ba nang-aasar.
"He looks dangerously handsome. Ang tangos ng ilong nito, makapal ang kilay, malamlam ang mga mata at naaasar man ako, makamandag kasi talaga ang ngiti nito. Killer smile ika nga. Makalaglag panty."
Di naman nakakapagtaka na madami na itong pinaiyak na babae. Sa isiping yun ay nakaramdam ako ng inis. Napasimangot ako.
Sakto namang pagmulat ng mata ng lalaki, huling-huli ako na nakapangalumbabang nakatitig sa harapan nito. Tatayo sana ko sa pagkakasalampak ko sa gilid ng hinihigaan nitong sofa, pero di ko na nagawa dahil hinila ako nito. Pabagsak akong naglanding sa dibdib nang binata. Napayakap ako sa kanya.
"Did I pass?" nakakalokong ngiti nito sakin. "Kanina mo pa ata ako ineeksamin." nakakalokong iniangat nito ang mukha ko. Nakipag- eye to eye ako.
Akma akong kakalas sa pagkakayakap niya sakin pero lalo lang akong piniid nito sa pagkakakulong sa braso.
"Relax, baby. Let me charge." anitong hinigpitan ang yakap sakin. Wala naman ginawa maliban dun.
Ewan pero bakit para akong nadidismaya. "Nasan na yung playboy na sabik na sabik manyakin ako." napatanong ako sa sarili.
Nanatili kami sa ganoong posisyon ng ilang minuto. Wala lang, nakayakap lang ito, nakapikit itong nakangiti. Nagchacharge.
Maya-maya ay kusa na itong kumalas sa pagkakayakap sakin. Muli para kong nakaramdam ng pagkadismaya. "Yun na yun??"
Ngali-ngali kong tanungin ito kung bakit? Di na ba ko agad kaakit-akit sa paningin nito? Naubos agad charm ko?? Pero nanatili akong walang kibo.
Umayos ako ng upo nang pakawalan ako nito. Tumayo na din ito at mukhang ngawit na sa pagkakahiga. Tumabi lang si Jayson sa pagkakaupo ko. Tumingin sa wristwatch na suot nya.
Gabi na kasi. Alas nueve y medya na. Mahaba din ang naging tulog nito.
Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip nito. Nakakapanibago lang kasi na di kami nag-aasaran. Parang naging ibang tao ito in a span of few hours, "natulog lang ito sa sofa...paggising ibang tao na? Magic?" Sarkastikong tudyo ko sa sarili.
"Nakapagpahinga ka na ba? Bakit parang pagod na pagod ka kanina?" basag nito sa katahimikan.
Paano ba naman akong di mapapagod eh nakailang round kami ng sexy time ni Mr. Gonzales bago ako nito pakawalan kanina. Naisip ko, pero di ko syempre pwedeng sabihin sa lalaki yun. Hindi naman ako kiss and tell at napaka-inappropriate naman ata sabihin nun.
"Di kasi ako nakatulog ng maayos sa pagrereview. Ilang days na din." palusot ko.
"Matulog ka na kaya? Uwi na din ako." may pag-aalalang sabi nito.
Umakbay ito sakin at masuyong hinaplos ang buhok ko. Pakiramdam ko para akong pusang hinihimas nito sa ulo.
"Bat di ibang ulo ang himasin nito sakin?!" sigaw ng utak kong may kamanyakan talaga.
Nawiweirduhan din ako sa sarili ko. Bakit biglang naging ganito? Hindi ko inaangilan ang lalaki. Pinakain lang ako nito ng adobo eh nagkakaganito na ko.
"Teka! Yung adobo?! Di kaya ginayuma ako nitong damuhong ito?"
Nandidilat na kumawala ako sa pagkakaakbay nito at inalis ang kamay na humahaplos sa ulo ko.
"Ginayuma mo ba ko?" walang anu-ano ay nasabi ko ang nasa isip.
Napatawa ito ng malakas. I don't know why, but my heart started to beat fast when I hear his laughter. Hindi ito kumibo, bagkus ay hinapit ako palapit at niyakap muli. Nananantyang tinitigan ako nito sa mata. Hinalikan ako sa noo... sa ilong... at saka sinakop nito ang aking mga labi. Banayad, masuyo. Hindi nagmamadali.
Ako pa nga ang nakukulangan. Gusto ko mas higit dun. Gusto ko yung minamanyak ako! Tili ng utak ko.
Ginawan ko ng paraan yung nararamdaman kong kakulangan. I unbuttoned his shirt. Kinapa ko ang matipuno nitong dibdib. Pababa...pababa... hinihimas ko lahat ng madaanan ng kamay ko hanggang makarating sa tunay na pakay ko. TARGET LOCKED. HAKDOG NA MASARAP!! Ako na maniac! Sige!
Nabuksan ko ang zipper ng pantalong suot ng lalaki. Kinapa ko yung p*********i nya na mukhang nabuhayan dahil pumipintig-pintig si Junjun. Nanatili lang ang kamay ko sa labas ng brief nito. Naalala ko naman na medyo masakit pa ang kepyas ko sa pinagsaluhan naming s*x ni Mr. Gonzales kanina. Tinestesting ko lang kumbaga kung hanggang saan kaya magtimpi nitong si Jayson.
Napalalim ang halikan namin. Tumutugon ako. Sa isip ko ay ginawa kong rason na ginayuma ako nito kahit alam ko naman na niloloko ko lang ang sarili ko.
Hinihingal na tumigil ito sa paghalik sakin. Pinigil din ang talipandas kong kamay na kung saan-saan na humagod.
"It seems we both know that I don't need to bewitched you with love potion, just to get in your pants." kumikislap ang matang tukso nito sakin.
Para akong binuhusan ng tubig sa pagpapamukha nito na kaya naman nya ko makuha kung gugustuhin nito, hindi na kailangan gumamit ng gayuma. Which is true, eto nga ako at nauna pang talupan ang lalaki. Napapahiya sa sariling kamanyakan na bumitiw ako sa pagkakapulupot nito sakin.
"Don't be mad, baby. I'm happy that you want me too. Pero gabi na, at alam kong pagod ka. Baka kung san pa tayo dalhin ng kapusukan natin eh isang linggo kang di makabangon kapag inano kita dyan." di masabi ng lalaki ang word na s*x na ikinatawa ko.
Di kasi bagay sa playboy image nito na parang nahihiya sabihin ang salitang iyon.
"Kapag inano?" gagad ko dito.
"Inano... kuwan...alam mo na yun!" natatawa din na sabi nito.
It feels so surreal na may lalaking tatanggi sa katawan ko despite knowing that I am willing to give myself to him right at that moment. Ako pa ang nabitin.
"Ano nga? Sabihin mo!" nangungulit na sabi ko.
"This and this too."
Nagawa akong kubabawan nito sa isang iglap. Sa isip ko, "heto na ba yun? Itutuloy ba namin yung di namin natapos kanina?"
Nanunuksong hinalikan ako nito ulit, pabitin. Hindi kasi nito pinapalalim pa muli ang paghalik sakin. Pero ramdam ko ang kaumbukan ng Junjun niya na kumikislot kislot na akala mo may sariling buhay sa ibabaw ng kaselanan ko. Nakasuot lang kasi ako ng loose tshirt at boxer shorts na manipis. Di ako nagpanty kasi patulog naman na ako mamaya. Mas trip ko ang boxers isuot kahit sabihin na panlalaki talaga ito ginawa.
"I want you but I know you're tired, baby. I will stop right now. But I promise you... the next time this happens. Hindi ka makakalakad ng isang linggo." nakakalokong umalis ito sa ibabaw ko. Inayos na ang mga damit namin.
Nagpaalam na itong uuwi at gabi naman na daw. Magpahinga na ko. s**t! Buset ba't ako pa ang nabitin??