JAYSON'S POV:
Ginagap ko ang kamay ni Jazz na nakapatong sa lamesa. Pinaglaruan ko yun habang abala ang babae sa pagrereview sa calculus. Hindi pa ako nakuntento, ipinatong ko ang ulo ko sa balikat nya habang tinuturuan ito kung paano isolve ang isang math problem na nakasulat sa notebook nito.
"See, you just need to differentiate this part here..."
Nakikiliting ipinilig nito ang ulo. Sinubukan ni Jazz magconcentrate sa inaaral pero hindi makapagfocus dahil nakikiliti sa ginagawa ko, namumula ang pisngi nito sa lapit namin sa isa't-isa at nahihiyang pinagtitinginan ng ibang mga estudyante sa cafeteria. Halos nakayakap na din kasi ako. Kung may isa itong hindi masyadong gusto ay PDA, pero kapag naman nasa private ay mas manyakis pa ito sakin.
"Uh-huh," she murmured, trying to focus on the derivatives I was explaining, but finding herself distracted by the way I looked into her eyes.
"Imagine it like this," pagpapatuloy ko. My hand brushing hers lightly as he adjusted her grip on the pen. "You're tracing the curve, feeling every twist and turn it takes..."
Tumango ito, sinusubukang magfocus ulit pero halatang hirap dahil sa presence ko. Suave ang boses kong humahagod at tumatama sa batok nito at pisngi, almost hypnotic, habang tinuturuan ko siya at ginaguide sa pagsosolve. "And when you reach this point," sabi ko na tumigil saglit, tinitigan ito sa mga mata at saka ngumiti. "it's like finding the perfect balance..."
Ramdam ko ang pagtibok ng puso ko habang nakatitig sa mga mata ni Jazz. Sobrang lapit namin sa isa't-isa at alam kong kanina pa ito naiilang, hindi lang matanggihan ang advances ko.
"Got it," sabi nito kahit halatang hindi makapagconcentrate sa kagagawan ko. Hindi ko naman din kasi mapigil sarili kong hindi dumikit sa babae. Pakiramdam ko sa dami ng mga lalaking halos hubadan na ito sa katitingin ay kailangan kong bakudan ito.
Umupo ako ng tuwid, hindi ko inaalisan ng tingin ang mukha nito.
"You're doing great, I have a feeling you'll ace that exam." ginulo ko ang buhok nito na parang pusang nilalambing.
Nalukot ang mukha nito.
"Stop it already." nakasimangot na anito sakin.
Nakakaunawang tinigil ko na ang ginagawa ko. Baka mamaya topakin na naman si Jazz at hindi ako makascore dito. Pumayag pa naman magpahatid ang babae sa apartment nito pagkatapos ng klase. At yun naman ang talagang hinihintay ko. I'm looking forward to be with her privately, yung malaya nitong pinapakawalan ang sarili at nagagawa ko din ang gusto ko sa kanya. Walang kahit anong restrictions.
Tumunog ang cellphone ko. May nagtext. Pagcheck ko ng inbox ko, nakita ni Jazz yung pangalan ng nagtext. Babae. Si Chloe.
Kinakapatid ko si Chloe. Kung minsan ay bigla na lang itong nagpupunta sa bahay ng mga magulang ko ng walang pasabi. Matagal ko nang alam na malaki ang pagkagusto nito sakin. Mga bata palang kami ay may crush na ang babae sakin. Napagkatuwaan nga kaming imatch ng mga parents namin sa isa't-isa at kinalakihan na namin na tinutukso ng mga ito.
Si Chloe daw ang mapapangasawa ko, aware ako na pinagkasundo kami. Pero hindi ko naman siniseryoso yun. Para sakin, papakasalan ko kung sino ang gusto ko, ang mahal ko. Walang makakapigil sakin. Ang kaso, si Chloe masyadong dinidibdib yun, ang dami na nitong hinarass na naging girlfriend ko.
Yung iba, nagpapasalamat ako at siya na ang dumispatsa sa mga babaeng aaligid-aligid sakin. Pero madalas nakakainis ang pagiging possessive ng babae. Akala mo may pinaghahawakan na papel na nagsasabing asawa ko siya. Eh hindi ko naman kahit kelan niligawan ito. Mga magulang lang namin ang nagkasundo, hindi kami.
"Hey, 'sup? Galing ako sa bahay nyo, nasa school ka pa pala." basa ko sa text nito.
Inaasahan ko na magtatanong si Jazz kung sino si Chloe pero hindi ito nagtanong. Iniiwas lang ang tingin sakin. Ipinamulsa ko ang cellphone ko. Hindi ko nireplyan.
Kakalagay ko palang sa bulsa ko ay nagring na ito ng nagring. Mukhang walang balak tumigil ang babae sa pangungulit sakin ngayon.
"Answer it." tila wala sa mood na utos ni Jazz.
Tinitigan ko lang ang cellphone hanggang huminto ito sa kakaring. Pagdaka'y sinwitch off ko na ang cellphone. Kilala ko si Chloe, di talaga ako titigilan nun kaya para manahimik, pinatay ko ng tuluyan ang aparato.
"Why did you do that? Just answer it. It's ok." kunwa'y walang pakialam na sabi ni Jazz pero halatang nawala sa mood.
Ang cute magselos nito.
"Ok lang ba talaga? Ba't nawala ka sa mood dyan? Nagseselos ka ata eh." pang-aasar ko dito.
Inirapan ako nito.
"Ako? Magseselos? Seriously, Mr. Angeles?"
"Uhumm. Yes, ikaw nagseselos... Future Mrs. Angeles." nakatawang sabi ko dito.
Naningkit ang mata ng babae sakin. Pero nakita kong dumaan sa mga mata nito ang katuwaan sa nadinig. Kinilig ba ito? Ewan. Pero ako kinikilig kapag naiisip kong ito na ang babaeng pakakasalan ko. Sa ayaw at sa gusto ng mga magulang ko. Ang problema ko na lang ay kung gusto din ba kong mapangasawa nito. At yun naman ang dapat kong trabahuhin.
Nauna pa kasi ang honeymoon namin kesa sa kasal.
"Hi, babe." biglang pagsulpot ni Chloe sa harapan namin. "Who's this girl? May bago ka na namang flavor of the month?" dugtong nito. Nakangiti pero halata ang parunggit sa mga binitiwang salita.
"Chloe, will you stop?" pigil ko dito.
Tawa ni Jazz ang pumutol sa tensyon na bumabalot sa paligid.
"So you must be Chloe? The Chloe who texted him and kept on calling him awhile ago?" mapang-asar din ang ngiti ni Jazz sa babae.
"I don't really care who you are and whatever your relationship with Mr. Angeles is. But I am assuring you that I AM NOT his flavor of the month. I'm not the kind who"ll let anyone label me as one. Not the one who's running after a man who doesn't seem interested to be with me..." pagak itong tumawa.
"If you'll excuse me, pakitali sa leeg mo ang boyfriend mo para hindi sunud ng sunod sakin." yun lang at tumalikod ito bitbit ang mga gamit.
"Wait, Jazz!" habol ko sa babae pero parang walang nadinig na dire-diretso ng lakad.
Binalingan ko si Chloe.
"Stop acting that you are my girl. We both know that you aren't." nilayasan ko si Chloe at humabol kay Jazz. Sigurado akong inis na inis na naman ito sakin.
Hinihingal na inabutan ko ang babae.
"Wait, baby. Hindi ko naman girlfriend si Chloe. Feeling nya lang girlfriend ko siya." paliwanag ko.
Tinitigan lang ako nito. Ikom ang bibig. Parang pinipigil ang sarili kung anuman ang gusto sabihin sakin. Nagpakawala ito ng buntung-hininga bago nagsalita.
"Kagaya ng sinabi ko, wala akong pakialam kung magkaano-ano kayo. Ayoko ng ganitong drama. It's kinda pathetic fighting over a man. Ang daming lalaki sa mundo at sure akong hindi ako mauubusan."
Totoo ang sinabi nito. Madaming lalaki ang nakapila para pagtuunan nito ng pansin. Ikinaiinis ko nga na ang daming nakatingin dito sa tuwing magkasama kami.
"Pero para sakin kahit madaming babae dyan, ikaw lang ang gusto ko. Masaya ko kapag ikaw ang kasama ko. Ramdam kong masaya ka din pag kasama mo ko. Hindi ba pwedeng tayo hanggang dulo?" maramdaming sabi ko.
She smiled wearily.
"Jayson, ako at ikaw... walang tayo."
Para akong tinamaan ng bola sa tiyan ng ilang beses. Hindi ko na hinabol si Jazz at tuluyan na itong nakalayo sakin. Di natupad ang usapan namin na ihahatid ko siya sa bahay.