JAZZMINE'S POV: Paggising ko kinabukasan ay walang Jayson sa tabi ko. Hinanap ko ito sa buong kabahayan pero wala talaga ni anino ng lalaki. Nakasalubong ko ang padating na si Aling Marta. Ang sabi ay nasa kabilang parte ng isla si Jayson. Malayo lang pala ang bahay sa karamihan pero may mga residente na ding naninirahan sa islang yun. May mga private cottages daw kasing itinayo dun ang pamilya ni Jayson at iba pang mga establisimyento na umaangkat ng paninda sa lungsod para ibenta sa mga residente dito na nagbibigay din naman ng kabuhayan sa ibang mga nakatira sa naturang lugar. Puro tagaisla daw kasi ang kinukuhang staff ni Jayson. Humahangang napatango ako. Hindi masamang idea yun. Nakapagbigay pa ng trabaho sa mga tao. Naiinip na tinulungan ko sa kusina si Aling Marta. Nagkatay da

