LUCAS' POV: Nandito ko ngayon sa labas ng mansion ni Zarah Elize Sinclair. Hindi naman ako inimbitahan ng babae pero kung marunong itong tumanaw ng utang na loob ay aanyayahan naman siguro ko nito sa loob ng bahay nya para sa hapunan. Tiningnan ko ang sarili sa salamin ng kotse, inayos ang suot na damit. Saka ibinaba ang salamin sa tapat ng guard house. Nakangiting binati ko ang nakaduty na guard. "Boss, nandyan ba si Ms. Sinclair?" tanong ko. Mukhang namukhaan ako ng guard. Ilang beses na din naman akong nakarating dito pero laging sa labas lang ako ng gate. "Kayo pala sir, inaasahan ba kayo ni ma'am?" magalang na pagbati nito. Iba pa din talaga kapag mayaman ka at may sinabi sa lipunan. Yung maliliit na taong kagaya nito ay automatic na nagiging sobrang galang makita palang ang mi

