JAZZMINE'S POV:
May apat na araw pa kong natitira para magstay sa Baguio. Kinalimutan ko na yung tungkol sa fake taxi incident ko. Hindi ko ikinwento kay Jayson dahil baka pandirihan ako nito. Sino ba namang lalaki ang nasa matinong pag-iisip ang makakatanggap sakin pag nalaman nito ang sexcapades ko? Hinayaan ko ang sarili ko na magenjoy na lang, enjoyin ko na lang ang natitirang mga araw ko sa Baguio, kasama ang binata.
Hindi namin napag-usapan pa ang tunngkol kay Chloe. Wala akong karapatan magtanong sa lalaki. Ayoko din kasing tanungin ako nito tungkol sa buhay ko. Ano naman ang sasabihin ko sa kanya? Na pati asawa ng mama ko, hinayaan kong asawahin ako ng paulit-ulit dahil sa kamanyakan ko?
Si Uncle Art at ang ugnayan namin ang pinaka-pinagsisisihan kong kabanata ng buhay ko. Kung hindi lang sana ako nacurious about sa s****l experience na kaya nito iparamdam sakin. Kung hindi lang ako nagpadala sa init ng katawan. Baka hindi ako manyakis ngayon. Baka hindi ako kung kani-kaninong lalaki nagpapakantot.
Dapat ko bang palakpakan ang sarili ko na at least lahat ng body counts ko ay puro gwapo? Kahit yung fake taxi driver na may pagkasadista?
Nasa ganoong akong pag-iisip nang yakapin ako sa likod ni Jayson at halikan sa pisngi. Galing siya sa labas, bumili ng kape sa Starbucks dahil naglambing ako dito na ayoko ng 3 in 1 coffee.
"What are you thinking, little kitty?"
"Nothing." nakangiting yumakap din ako dito paharap. "Tagal mo lang, I miss you."
Kumislap ang mga mata nito sa pag-amin ko. Hinahayaan ko na ang sariling maging vocal sa nararamdaman ko sa kanya. Sa isip ko ay huli naman nang mga pagkakataon iyon. Bago ako tuluyang lumayo dito. Nakaplano na kong magtransfer ng ibang university, tatapusin ko lang itong semester na ito. After that, goodbye Jayson... Goodbye Mr. Gonzales... gooodbye every f**k buddies that I had for the past three years.
I've managed to smile and laugh habang kasama ko ang binata sa Baguio.
Inenjoy ko ang company nito. Nagpunta kami sa iba't-ibang lugar sa Baguio, namitas kami ng strawberry sa isang kilalang farm doon. Sobrang lamig. Puro pa naman revealing ang dala kong damit kaya ipinamili ako ng lalaki ng sweater at pants. Pati nga undies bumili na din siya. At in all fairness sa lalaki, kabisadao nya ang sizes ko kahit hindi ko sabihin.
Pinalaya ko ang damdamin ko. Hindi ako natakot magmahal at mahalin. Jayson never tried to have s*x with me. Bukas na ang alis namin sa Baguio pero nakuntento ito sa mga halik at yakap lang. Nakakapanibago dahil ramdam ko naman ang pagnanasa nito na nakikita sa mga mata nya, pero he really didn't take advantage of the situation. Naappreciate kong hindi ako ginalaw ng lalaki kahit na kung hihingi ito ng s*x ay ibibigay ko naman.
Para lang kaming nasa Baguio as a friend. Kissing friends. Hugging friends. No more, no less.
Pagkatapos namin kumain kinagabihan, nakatayo ako sa veranda. Tinatanaw ko ang liwanag ng gabi sa City of Baguio. Ang ganda pagmasdan ng mga ilaw dito sa gabi. Idagdag pang malamig. Napakaromantic ng ambience. Nakangiting inakbayan ako ng lalaki.
"Here's your hot choco, baby." iniabot nito sakin ang puswelo. May laman iyong mainit na inuming tsokolate.
Nanatili lang kaming nakatayo sa veranda. Panaka-naka ay hinahalikan niya ako sa noo. Umaamoy sa buhok ko.
"Why aren't you asking me anything." di ako nakatiis magtanong dito.
Nag-isip ito ng sasabihin sakin. He let out a sigh.
"It's because I'm afraid I will lose you if I asked you." kita sa mga mata nito ang sinseridad ng mga sinasabi.
Nangilid ang luha ko. Natumbok kasi nito. Tama naman. Pag nagsimula itong magtanong ay siguradong ilalayo ko ang sarili. Takot ako maungkat kung bakit ba ko ganito.
"Thank you." ang nasabi ko.
"I'll be forever here for you, no matter what. No questions asked." sabi nito.
Dalang-dala ko sa sitwasyon kaya ako na ang tumawid sa nalalabing pagitan namin. Hinalikan ko siya sa mga labi. Tumutugon naman ang lalaki. Banayad ang halikan namin. Waring ninanamnam ang mga nalalabing sandali. Sa isip ko, last na namin ito. Hindi ko naman alam na sa isip ni Jayson ay takot din ito sa nakabadyang pagpapakasal nito kay Chloe sa nalalapit na panahon.
Hindi ko na malalaman. Dahil lalayo na ako.
--------
JAYSON'S POV:
Naging masaya ako kasama si Jazz sa Baguio. Pagbalik namin sa lungsod ay naging sweet pa din naman kami sa isa't-isa. Naging abala kami sa exam week. Nasa isip ko na pagkatapos ng linggong ito ay semestral break na, mas madami na kaming time sa isa't-isa habang bakasyon. Nasa isip ko pa din ang pakikipagkasundo sakin ng mga magulang ko kay Chloe pero mas malinaw na ang isip ko after namin magBaguio ng dalaga. Hindi ako papayag makasal kay Cloy. Hindi ko basta isusuko ang feelings ko para kay Jazz.
I smiled immediately nang matanawan ko ang babae palabas ng Chemistry lab. Practical exams ang ginawa nito sa klase ni Mr. Gonzales. Tila nagulat siya nung bigla akong lumabas sa pinagtataguan kong poste.
"Kanina ka pa dyan?" tanong nito.
"Hindi naman," sagot ko. "Kadarating ko lang din, coffee tayo?"
Kung may nalaman akong hilig ng babae ay kape at pizza. Bukod sa mga libro nito. May pagkabookworm ang dalaga kaya naman pala matalino din, sa math lang ito pumalya. May kahirapan naman sadya ang math kaya understandable yun. Isa pa, andito naman ako willing ako maging tutor nito.
Umorder kami ng pizza at kape sa cafeteria. Tila wala sa sarili si Jazz. Kumibo-dili ito sa mga sinasabi ko at itinatanong.
"Is something bothering you, baby?"
"Wala, I'm sorry. Pagod lang siguro utak ko." sagot nito na tinanggap ko naman. Ginagap ko ang palad nya at dinali sa labi ko. Touching her like that gives a shrill down in my spine to my crotch. Lakas talaga ng tama ko sa kanya.
"Jayson, what if I'm not teling you something... like a secret, I mean a dark and deep secret about me?" bigla ay naitanong nito.
"Hindi ka naman siguro nakapatay or what ano?" sagot ko sa kanya.
Tumawa ito.
"Hindi naman."
"Well, I don't know. Maybe magugulat ako if you say it is dark secret of yours. But no judgment, baby. Basta hindi ka lang nakapatay." biro ko dito na nakapagpatawa sa kanya ng tuluyan.
Ang saya ko nitong mga nakaraang araw kasama si Jazz kaya wala naman akong maisip na makakapagpabago din sa isip ko at sa nararamdaman ko sa kanya.
Not knowing na kaya pala ganun ang tanong nya sakin. May malalaman ako tungkol sa kanya na talaga namang ikakagimbal ko.