LUCIFER'S POV: Ihininto ko ang kotse sa tapat ng babaeng kagagaling lang sa shift bilang waitress ng kinainan kong restaurant. Mukhang naghihintay ito ng taxi base sa itsura nito. Hindi na maayos ang pagkakasuot nito ng uniporme. Yung kaninang nakatuck-in na white long sleeves nito ay hindi na nakaparagan pa nakabukas ang dalawang butones nito dahilan para maging kaakit-akit ito lalo, bahagyang lumilitaw ang cleavage nito. Hindi na din nang babae ang scarf sa leeg, nakatali na yun sa buhok nya, paitaas. "Want to share a ride with me?", simpatikong tanong ko sa waitress. Nginitian ko siya ng akala mo normal akong lalaki na walang iniisip na masama tungkol dito. Hindi man lang ito nagpakipot at sumakay agad sa kotse ko. Malakas kasing makapogi ang sasakyan kong yun. Dagdag karisma kumbag

