JAYSON'S POV:
Tanghali na ko bumangon. Mamayang hapon pa kasi ang pasok ko sa school. Hindi ako nag-abalang bumangon ng kama. Hinagilap ko ang cellphone ko sa side table ng kama. Napangiti ako ng bumungad sakin ang cute na pic ni Jazz. Pagkaalala sa dalaga ay dinial ko ang number nito. Pero nakailang ring na ay wala pa din sumasagot. Naisip kong baka nakatopak na naman ito gaya dati. Pinagwalang-bahala ko lang. Sa isip ko ay papasok naman ako mamaya kaya magkikita kami nito. Sa personal ko na lang siya kukulitin.
Kumakalam ang sikmurang nagtungo ako sa kusina. Anong oras pa nga pala yung huling kinain ko kahapon sa apartment ni Jazz. Naapuhap ko ang thermos at nagtimpla ako ng kape. Nagbuklat ako ng cupboard, tinitingnan ko kung may quaker's oatmeal pa ako dun, tinatamad pa kasi ako magheavy meal kaya yun na lang sana kakainin ko. Pero wala na pala akong stock.
Nagpasya akong ubusin na ang kape at maligo. Sa campus na lang ako kakain.
CAMPUS
Sabik akong umattend ng klase ni Mrs. Antigua sa calculus dahil alam kong kaklase ko si Jazz sa naturang subject. Pero mangangalahati na ang lecture ay wala pa din ito. Hanggang sa matapos ang klase ay matiyaga akong naghihintay na baka bigla na lang itong dadating, pero wala ni anino nito.
Hindi din naman sumasagot sa text o tawag ang dalaga. Napudpod na nga kakadial ang daliri ko sa telepono. Iniisip kong baka nagdadalang-hiya ito sakin dahil sa pagsoshow nito kagabi sa video call kaya hindi ako pinapansin o baka naman like a tease that I know she is ay pinagtataguana ako nitong sadya para masabik ako lalo sa susunod naming pagkikita.
Pumunta na lang ako ng cafeteria matapos ang klase, nagbabakasaling baka andoon ang babae at nakatambay. Pero wala din doon ang prinsesa kong may kuting sa pagitan ng hita. Medyo nababadtrip na ko sa kakaisip kung nasan ito nang pumasok sa cafeteria ang ilan sa mga teammates ko kasama si Erwan. Hinihintay ko kung nakabuntot dito si Anne para dito ako magtatanong tungkol sa kaibigan nito, sa malas ay wala ang nobya nito.
Hindi na ko nakatiis. Baka naman kasi may lakad pala si Jazz at Anne kaya wala ang mga ito kaya nagdesisyon akong alamin kay Erwan.
"Bro', si Anne at Jazz ba magkasama? Kanina ko pa kasi hinahanap si Jazz para dun sa project namin sa calculus." pagkausap ko dito.
"Naku, hindi ko alam kung nasan si Jazz. Pero si Anne kakauwi lang. Masama daw pakiramdam kaya hinatid ko na sa bahay kani-kanina lang." sagot nito sa pagitan ng pagnguya ng sandwich na binili nito sa cafeteria.
"Ah ganun ba? Sige hanapin ko na lang baka nasa library. Salamat." iyon lang at umalis ako papunta sa library.
Taliwas sa inaasahan ko, walang Jazzmine na nagpakita sakin sa buong araw na nasa school ako. Nagsawa na ko kakatext dito. Sinubukan ko siyang tawagan pero out of coverage area na ang sabi ng operator.
Nababadtrip ako. Wala pang babaeng nagparamdam sakin ng ganito na pinagtaguan ako after magpakita ng motibo sakin.
"What a tease she reallly is!"
Kinabukasan ko na ulit sinubukan tawagan ang babae. Nagriring na ang cellphone nito. Pero wala pa din ata ito balak sagutin ang mga tawag ko. Nakailang beses kasi ako ng dial pero walang sumasagot. Konti na lang ibabato ko na itong cellphone ko sa inis. Walang silbi.
Nagbukas na lang ako ng wifi. Nagscroll ako sa social media, dun ko nakita na may new posted photos si Jazz 20 minutes ago. Nakangiti itong nagseselfie kasama ang ibang tao na sa hinuha ko ay mga estudyante din ng university. Medyo pamilyar kasi ang mukha ng iba sa mga ito. Nakita ko din si professor Gonzales sa likod ng isang estudyante. Zinoom ko yung nakasulat sa tarpaulin na nakasabit sa bandang likod.
"Molecular Master's Team building 2024".
Ibinalik ko ang mga mata ko sa pagtingin ng iba pang pictures na kakaupload lang. Nakacrop top si Jazz na kulay maroon na pinartneran nito ng mini skirt na maong. Nakangiti ito sa mga larawan. As usual, napakaseductive nito. May stolen shots pa ito kung san makikitang nagtatali ito ng buhok, nakaangat ang maiksing damit, lumalabas ang maputi at makinis na tiyan.
Nakaramdam ako ng selos sa kung sinuman ang kasama nito na kumuha nga mga pictures na yun. Parang gusto kong pumasok sa loob ng screen ng cellphone ko o di kaya ay kuhanin sa loob ng picture ang dalaga at itago sa mga bisig ko mula sa mga mata nang nakapaligid na sa tingin ko ay pinagpapantasyahan na ito.
Nagbasa ko ng comments.
"Ever so gorgeous!"
"Ang hot mo mimah!"
"Sakin ka na lang please?!"
"Bestfriend ko yan!"
"Pag pinansin ako nito, papagupit ko buhok ko."
Ilan lang yun sa sobrang daming comments sa picture ni Jazz. Kinlick ko yung profile nung last na nagcomment na magpapagupit daw ng buhok pag pinansin ng babae. May pagkarakista ang lalaking nagcomment, long hair nga. Pinusuan ko lang ang pictures nya at nagprivate chat sa babae.
"I've missed you, little kitty. San lugar yung team building nyo?" pagtipa ko sa keyboard ng cellphone.
Halos isang oras bago ako makareceive ng reply mula dito.
"Bulacan. I don't miss you." reply nito na may nakadilang emoji sticker at haha sticker sa dulo ng message.
"San sa Bulacan? Hanggang kelan kayo dyan? Pwede sumunod?" mga tanong ko na sineen lang nito.
Maya-maya'y nagreply na.
"Dito lang sa bagong bukas na camping site sa San Miguel. Tomorrow pa uwi namin."
Kapansin-pansin na di nito nireplyan yung tanong ko kung pwede ba ko sumunod. Kaya inulit ko ang tanong kung pwede ba ko sumunod sa team building nito. Kaso "haha" lang ang nakuha kong reply dito.
"Sige na, please? Sunduin kita tomorrow na lang? Ang hirap mo kasi makontak. Miss na kita." pagpilit ko dito na sineen na lang. Nag-offline na si Jazz at maghapon ko na namang di nakontak. Either nakapatay ang cellphone nito during the activities, iniiwasan ako o baka sadyang walang signal lang dahil ang alam ko may parte ng lugar sa Bulacan na mahina ang signal.
Nagkasya na lang ako sa posted pictures nito sa social media. Nagalugad ko na ata pati old pictures nito mga 5 years ago pa. Madalang ang pictures nito na may ibang kasama, lalo na lalaki. May ilan na group pics, usually gatherings, meetings at team buildings lang din. Wala akong makitang pic na may kasama itong lalaki na pwede ko pagselosan kaya napanatag naman ang loob ko.
Ang isa pa sa napansin ko sa mga larawan na kuha nito, napakadami nitong bikini pics sa pool o dagat. Nakakalibog sa ninipis at halos wala nang itagong balat ang mga yun. Sumaludo na naman tuloy si Junjun ko.