"Ay pogi bakit ka naman nagpabigat!" kausap ni Jayson kay Kuya pero ngumiti lang si Kuya sakanya kaya sumigaw ito na parang kinilig "Nginitian niya ako beks! paano yan mas maganda daw ako sayo!" Yabang ni Jayson kay Queen "Ngumiti yan dahil tinatago niya ang takot sa mukha mo!" Sabi naman ni Queen kaya nagtawanan kaming lahat. Lasing na lasing si Jayson kaya hindi na yan mapigilan "Madami kaming mukhang paa dito kaya hindi na ako magtaka kung takot na takot ka nga pogi!" Sabi Jayson kay Kuya at dinamay pa ang kaibigan "Taga Pinas ba ang mga ito?" Bulong na tanong ni Kristan saakin. Tumango ako bago sumagot "Oo lahat ng yan sila puro taga pinas kaya naging kaibigan rin namin ni Queen dahil ka vibes lang din namin.. Iba ang trip ng taga rito eh at bukod dun ayaw kong magsalita ng puro E

