Umakyat na ako sa taas at nagbihis pero hindi alam kong ano ang susuotin, yung pantulog ba o yung hindi, kasi madalas pag uuwi akoa galing sa school pantulog agad ang isusuot ko kahit hindi pa panahon sa pagtulog kasi hindi na naman ako lalabas Siguro itong hindi pantulog kasi may bisita naman, pero baka sabihin ni Kuya nag-ayos ako pero bahala na nga wala naman si Khris, pero paano kung dumating yun? naku! aasarin ako non pag napansin niya pero sanay na ako kaya ito nalang isang maong na short at isang over size t-shirt. Sinuot ko ito at tiningnan yung sarili sa salamin, hindi naman masyadong maikli yung short kaya kahit naka oversize makikita parin yung dulo ng short pero yung dulo nalang ang nakikita pero sige na hayaan ko nalang to, kanina pa ako dito baka isipin nila nag-ayos talaga

