Hindi ko alam yun kaya gulat akong napatingin sakanya, narinig pala niya. "Hindi mo alam Khrysia?" Tanong ni tita ng makita ang gulat ko. Umiling ako bago nagsalita "Hindi po tita" sabi ko at tumingin kay Queen "Nakikinig ka pala ha!" Sabi ko sakanya kaya natawa siya "Papasok na sana ako sa kwarto nun pero hindi natuloy" Nakangiting sabi ni Queen saakin "Anong naramdaman mo nong narinig mo yun hija?" Tanong ni tito sakanya Malungkot na ngumiti si Queen saakin at bumaling kay tito "Nasasaktan ako tito kasi ang sama ng ginawa ko kay Khrysia dati at dahil dun umiyak ako sa kwarto kasi lumabas lahat ng konsensya ko nong gabing yun" malungkot na ngumiti si Queen "Simula nun gustong kung bumawi sakanya pero hindi ko alam kung paano hanggang ngayon inisip ko kung anong gagawin ko" sabi niy

