Pagkapasok ko napatingin ako kay ma'am na nakatingin din pala saakin "Sino yun Ms. Villiaria?" pauna niyang tanong "Kaye po ma'am" sagot ko "Yung buong pangalan?" "Ahh hindi ko alam yun lang sinabi niya next time tatanungin ko, bakit po?" "Familiar kasi" "Ah ma'am baka nakita mo lang sa paligid kasi studyante lang naman kasi yun dito" tumango naman si ma'am sa sinabi ko pero may inisip parin, hindi ata naniwala "Umupo kana dun" tumango ako at tumalikod na kay ma'am, nagsimula na siyang mag discuss sa gitna at ako naman inisip yung bago kong kaibigan na weirdo Ano kaya trip non napagkamalan pa akong magnanakaw kanina buti nakalimutan niya din yung sadya niya saakin baka ipapakulong ako nun, tapos nakataka din ako sa maldita na kaaway niya takot na takot sakanya, anong nakakatakot

