Isang linggo ganun ang naramdaman ko at panay tawag rin ni Kuya saakin kaya minsan hindi ko sasagutin pag hindi pupunta si Queen sa kwarto ko sabihing sagutin ang tawag ni Kuya hindi ko siya makakausap. Nag rarason lang ako nakatulog, naliligo, na mute ang cellphone ko at iba pang pwedeng kong irason para maniwala si Queen. Kagaya ngayon kumatok naman siya sa kwarto ko na naka lock kaya hindi niya mabuksan ang pintuan. Medyo pinatagal ko muna bago ako tumayo "Sandali" Kunwari sigaw ko kahit wala akong ginawa sa loob. Na guguilty ako pero hindi ko mapigilan ang naramdaman ko. Humarap ako sa salamin at pekeng ngumiti sa sarili bago pumunta sa pintuan "Ang tagal mo naman bukasan!" Reklamo ni Queen saakin Natawa ako kunwari "Nasa banyo ako nag ccr" sabi ko Pumasok siya sa kwarto at gaya

