Kinabukasan tuwang tuwa kami ni Queen habang excited na pinagusapan ang magiging anak niya at ngayon din namin sasabihin kay tita at tito ang plano naming pag-uwi sa pinas at magkikita din kami ni Kristan mamaya. Plano kong sasagutin ko siya dito sa Spain bago uuwi sa pinas kasi dito kami nagkausap ulit kaya dito ko rin siya sasagutin.. dito ako tumatag kaya dito ko gustong simulan namin ang relasyon namin at mangakong magpakatatag kahit anong haharapin namin pag-uwi namin sa bansang iniwanan ko nong nasaktan ako. Sa kabila ng pinagdaanan ko dati at ito ako ngayon lumalaban.. Akala ko pinapabayaan na talaga ako ng Diyos nong panahong yun pero nong umalis ako at natagpuan ko si Queen.. dun ko na realize na alam niya. Alam niyang nasasaktan ako sa panahong yun.. alam niyang nagiisa ako..
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


