Ayaw ko. Ayaw ko siyang iwan. Nang matapos kaming kumain pumunta kami sa sala kaya nagtanong ako kay kuya at alam kong narinig nila papa yun. "Kuya.." Tawag ko lumingon naman siya saakin "Bakit?" Tanong niya "Kung pupunta ka sa Manila kasama si papa at babalik si mama sa kabilang probinsya..paano si Khris?" Nagalalang tanong ko kay kuya "Wag kang mag-alala saakin ate sasama ako sakanila papunta sa manila" Nakangiting sabi ni Khris kaya guminhawa ako at napatingin rin ako kay mama Maiwan siya? Nahalata ata ni kuya ang pagtatanong sa mata ko habang tumingin kay mama kaya nagsalita siya "Ang amo ni mama lumipat na din sa Manila kaya kasama na rin si mama saamin" Nakangiting sabi ni kuya at ginulo ang buhok ko "Wag mo kaming alalahanin" sabi niya kaya tumango ako Akala ko maiiwan si Kh

