"Binitawan kita kasi yun ang nararapat" Sabi ko sakanya "Pag sinabi ng ibang tao hiniwalayan mo ako kasi sinabi nila? yun ba ang nararapat Khrysia?" Tanong niya kaya mapakla akong tumawa "Hindi ibang tao ang mommy mo Kristan" Seryosong sabi ko kaya natigilan siya "Tayong dalawa ang may relasyon kung sino man ang nakikialam ibang tao yun para saakin" malamig niyang sabi jaya natigilan ako "Galit ka rin sa mommy mo?" Tanong ko bigla dahil sa pananalita niya parang galit nga siya dito "Galit ako pero hindi kagaya ng kapatid ko hindi niya talaga ito pinansin" Sabi niya kaya nakaramdam ako ng awa kay Mrs. Vestraint "Hindi naman dapat kayo magalit sa mommy niyo.. Kayo ang inisip niya kaya niya yun ginawa" Seryosong sabi ko sakanya "Ayaw niya kayong masaktan" Mahinang dagdag ko "Sa tingin

